♥️Chapter 29♥️

157 7 0
                                    

Nagising ako dahil masama ang pakiramdam ko para akong nasusuka na hindi ko maintindihan, bumukas ang pinto at pumasok si Miguel

"Good morning hows your sleep?" tanong niya pero hindi ako sumagot

Bumangon ako at pagtayo ko ay agad akong napatakbo sa banyo at tsaka dumuwal ng paulit ulit pero wala namang lumalabas

"Danica are you okay?" si Miguel at hinaplos ang likod ko

Naiiyak na rin ako dahil sa pag duduwal at napahigpit ang kapit ko sa sink kasi parang mawawalan ako ng balanse

"Drink this water" siya at walang pag aalinlangan ko iyong ininom

"Thanks" saad ko

"Mahiga ka nalang ulit sa kama at magpahinga" siya at inalalayan ako hanggang sa kama

"Thanks, kaya ko na ang sarili ko" saad ko at nahiga patalikod para hindi makita ang mukha niya

"Padadalhan nalang kita ng pagkain dito" saad niya pero hindi ako kumibo

Hanggang sa lumabas na siya kaya napag desisyunan kung lumapit sa pinto at nagbabakasakaling nakabukas ito pero naka lock

"Bwesit naman"

Kinalkal ko lahat ng drawer dito pero wala man lang akong nakitang kahit ano o cellphone man lang, wala rin ang bag ko dito

"Anong gagawin ko?"

Bigla akong napatingin sa bintana kaya agad akong lumapit para matingnan ito, pero bumagsak ang balikat ko dahil nasa 3rd floor ako at wala man lang madadaanan

"Plinano niya talaga ng maayos para hindi ako makawala ah" ako at naupo nalang ulit sa kama

Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang isang kasambahay na may dalang pagkain

"Maam ito na po ang breakfast niyo" saad niya at inilagay sa tabi ko

"Salamat" sagot ko

Kumain na nga ako at ang dala niyang pagkain ay chicken curry, ewan ko ba masiyado akong gutom o dahil lang kay baby

"Sige po labas na po ako" saad niya at lumabas na dala ang pinag kainan ko

Naupo muna ako saglit dahil sa sobrang kabusogan at pagkatapos ay pumunta sa banyo, umihi muna ako at pagkatapos ay napatingin ako sa bintana dito

"Ang liit ng bintana hindi ata ako kakasiya diyan" saad ko nalang at bumalik sa kama

Sa sobrang pag iisip ko ay nakatulog ako pero paggising ko ay may unggoy akong katabi na tulog na tulog na rin, dahan dahan akong bumangon at tumingin sa paligid

"Thank you Lord" ako at gustong tumili pero napigilan ko, kasi naman nasa mini table ang susi ng kwartong to

Dahan dahan ako sa paghakbang hanggang sa makuha ko nga ang susi parang gusto ng tamalon ng puso ko dahil sa tuwa, pagkatapos kung makuha ay dumiretso ako agad sa pinto at agad itong nabuksan

"Thank you talaga Lord" bulong ko sa sarili

Pagkalabas ko ay tumakbo na ako agad, walang mga tao sa paligid kaya naman dali dali akong bumaba sa hagdan pero pag baba ko may mga bantay pala

"Saan ka pupunta?" tanong ng mga ito

"Pakialam niyo ba" mataray kung sagot

Hahakbang na ako ng pigilan nila ako at kasabay nun ay rinig ko ang tunog ng sapatos galing sa taas pababa, patay gising na siya

"Ano ba let me go" ako

"Where do you think your going?" si Miguel

"Sa impyern* bakit sasama ka?" ako

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now