♥️Chapter 41♥️

164 8 0
                                    

Bumangon ako kahit medyo masama ang pakiramdam ko at agad na lumabas ng kwarto ako lang magisa dito umalis na sina Mommy pero may iniwan silang pagkain

"Ahh ang sakit ng ulo ko" saad ko at naupo tsaka kumain

Pagkatapos kung inumin ang gamot ay nahiga ako sa sofa at nanood ng palabas, ipinikit ko ang mata ko at agad na naalala kung paano ako alagaan ni Danica before

"I miss you so much Babe, sana nasa tabi parin kita" ako

Naalala ko rin yung araw na may nangyari sa aming dalawa at ako yung naka una sa kaniya, agad akong napaupo ng may maalala

"That night I didnt use any protection, may possibility ba na nabuntis ko siya?" tanong ko sa sarili ko

Pero narinig ko galing mismo sa bibig ni Leonel na may anak sila ni Danica pero anak ba talaga ni Leonel? Kinuha ko ang phone ko at agad tinawagan ang private investigator ko

"Hello Jet" ako

"Yes Andrew?" sagot niya

"May papa imbestigahan ako sayo" ako

"Sino?" siya

"Si Danica Ventura ang CEO ng DMLV, gusto kung alamin mo ang pangalan ng mga anak niya, kung kailan ipinanganak at pati na ng pictures nito kung meron man as soon as possible" ako

"Sige makaka asa ka" saad niya

"Salamat" at binaba ko na ang tawag

Kailangan kung malaman ang tungkol sa mga anak niya kasi may nararamdaman akong iba na baka ako naman talaga ang ama ng anak niya at hindi niya lang sinasabi

Napag desisyunan kung lumabas, naligo ako at nagbihis ng damit tsaka kinuha ang susi at cellphone ko, papunta ako ngayon sa bahay nila Danica at ipinarada ang kotse sa medyo malayo layo

May tumigil na kotse at lumabas doon si Danica, si Leonel at ang dalawang bata, parang mga 4 to 5 years old ito kung babasehan sa height, hindi naman basta basta makakalimot si Danica dahil sa kagaguhang ginawa ko kaya impossibleng anak nilang dalawa yan

"5 years na ang nakakaraan kaya may possibility na hindi anak ni Leonel ang dalawa, baka anak ko sila at itinatago lang sa akin" ako, masaya ako kung yun nga ang totoo

Iniliko ko na ang kotse ko papunta ako ngayon sa Zambales para icheck ang bahay na pinapagawa ko pati na rin sina Mang Kanor at Kiko, pagkaraan ng dalawang oras na byahe ay nakarating na nga ako

"Kuya Andrew" si Kiko ng makita ako

"Kamusta?" ako

"Okay naman Kuya" sagot niya

"Si Mang Kanor nasaan?" ako

"Nandun po sa bahay"

Sila na ang nakatira sa maliit na bahay na pinagawa ko kasi wala namang tao at madalang na rin akong makabisita dito

"Andrew" si Mang Kanor ng makita na ako

"Kamusta na kayo?" ako

"Okay naman kami, ikaw kamusta na?" Mang Kanor

"Mabuti naman po" ako

"Kunting ayus nalang patapos na ang bahay na pinapagawa mo dito" saad niya

Nilingon ko ang pinapagawa kung bahay patapos na nga siya, kulang nalang ng pintura at syempre mga gamit sa loob ng bahay, dalawang palapag lang siya at rooftop naman sa third floor meron ding swimming pool

"Pwedeng pwede ka ng mag bakasiyon dito palagi kasama ang pamilya mo at mga kaibigan" Mang Kanor

"Salamat po Mang Kanor sa tulong mo sakin" ako

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now