♥️Chapter 26♥️

163 11 0
                                    

Nandito ako sa labas ng kwarto ni Dad habang tinitingnan ko siya sa loob, isang linggo na pero wala paring malay si Daddy

"Bitawan niyo nga ako gusto ko makita si Dominique" kaya agad akong napalingon si Betina na pinipigilan ng mga tao ko

"Huwag kang mag iskandalo dito" ako at masama siyang tiningnan

"Gusto ko lang makita si Dominique, miss na miss ko na siya" saad niya

"Hayaan niyo muna siya" utos ko

"Dominique anong nangyari sayo? Sino ang may gawa nito sayo?" siya na kunwaring umiiyak habang nakadungaw sa may pinto

"Ano ba stop acting hindi bagay sayo, nakakainis ka lalong tingnan" at inirapan ko siya

"Nagkaganiyan na nga ang Daddy mo, ganiyan pa rin ang ugali mo" siya

"Mas maganda pa naman ugali ko kaysa sa ugali mo" ako

"Wala kang respeto" siya

"Mas wala kang respeto at walang modo" ako

"You b*tch" hahablutin niya sana ang buhok ko ng mahawakan ko ito sa braso

"Ikaw ang b*tch Betina" ako

"Paggising ng Daddy mo isusumbong kita" siya

"Hay naku Betina tumigil ka na nga hindi ka naman mahal ng Daddy ko" ako

"Mahal ako ni Dominque" sigaw niya

"No Betina tumigil ka ng mangarap hindi ka makakahuthut ng pera sa Daddy ko" sigaw ko rin

"Alam ko naman yun at buti nga sa kaniya" tumalikod na ito at nag fliphair pa pero hinila ko ang braso niya pabalik

"Alam kung may kinalaman ang Daddy mo dito Betina mga mandurugas at mga magnanakaw kayo" ako

"Wala kang ebidensiya Danica" at ngumisi siya

"Hindi na kailangan ng ebidensiya pa Betina dahil kayo lang naman ang may balak ng masama sa buhay namin" ako

"Hindi lang kami Danica marami kami" siya at binawi ang kamay niya tsaka na naglakad paalis

Pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni Nico na pati si Mr. Ivan Montero ay nais rin na mapatay si Daddy

"Kailangan ko makausap si Andrew, bantayan niyo ng mabuti si Daddy" ako at umalis na rin

Habang nag dadrive ako ay nakakaramdam ako ng kaba parang may hindi magandang mangyayari ngayon, pagkarating ko sa University ay pinark ko kaagad ang kotse ko, nang makita ko ang kotse ni Andrew papasok at pagka park niya ay bumaba ito tsaka pumunta sa kabilang side may bumaba na babae

"Andrew with Betina?" ako, parang sinasaksak ang puso ko ng ilang ulit

Naglakad na sila habang nakahawak si Andrew sa bewang nito parang wala siyang girl friend kung umasta ngayon, bumaba na ako at sinundan sila kung saan ang punta ng dalawang ito

"Dan, hows Tito?" si Leonel na nakasalubong ko

Hindi ko siya kinibo hanggang sa nandito na nga ako sa hide out nila pumasok sila sa loob kaya pumasok rin ako pero hindi ko nagustuhan ang nakita ko, naghahalikan sila habang naka kandong si Betina paharap kay Andrew

"Akala ko hindi na kita makukuha Andrew" malanding sabi niya

"Im already yours Betina" sagot naman niya at naghalikan ulit

"Wow amazing, napaka gandang palabas" ako at pumalakpak na ikinalingon ng dalawa

"Danica" si Andrew na agad niyang ikinatayo

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now