♥️Chapter 27♥️

179 8 0
                                    

Pagkalabas namin sa hospital ay dinala ako ni Leonel dito sa park pinagsuot niya lang ako ng hoddy para na rin daw sa safety ko

"Bumalik na tayo kay Daddy" ako

"Mag relax ka muna kahit saglit lang, ma si-stress ka na naman pag naka balik na tayo dun" siya

Sumandal ako sa upuan at napahawak sa tiyan ko, may mga masasayang pamilya ang naglalakad lakad ngayon dito hapon na din naman kasi

"Hoy bakit ka na naman umiiyak?" siya, di ko pala namalayan na umiiyak na naman ako

"Naalala ko lang ang Mommy ko at mga nangyayari sa buhay ko, sa totoo lang pagod na din naman ako na palagi nalang may gulo at away pero ito na yung buhay ko" saad ko

"Huwag ka ngang umiyak kasi" at hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko

Napatingin ako sa kaniya na lalo ko lang kinaiyak ng sobra, sana si Andrew ang kasama ko ngayon at nandito sa tabi ko pero hindi niya ako mahal

"Ang tapang tapang mong tao kaya huwag ka ng umiyak" siya

"Nababawasan na ata ako ng tapang Leonel" sagot ko at napa buntong hininga siya

"Gusto mong si Andrew ang nasa tabi mo diba?" siya

"Pero wala eh nag mahal ako ng hindi naman ako mahal" saad ko

"Ako nalang kasi ulit" bigla niyang sabi

"Sira ulo ka" ako

"Biro lang naman" siya at tinawanan ako

"Hindi magandang joke" ako at hinampas ang kamay niya

"Aray mapanakit ka" siya

"Ikaw ang mapanakit, sinaktan mo nga ako noon diba" ako at inirapan siya

"Oo na, oo na tara na nga baka saan pa mapunta ang usapan na to" siya at hinila na ang kamay ko

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang puting kotse na nasa malayo pamilyar yung kotse sa akin pero hindi ko nalang pinag tuonan pa ng pansin ulit. After 10 minutes ay narating na namin ang hospital at meron na namang mga media

"May media na naman" saad ni Leonel

"Ms. Ventura aalalayan ka po namin papasok" saad ng tao ni Dad

Lumabas na nga ako sa kotse ganun din si Leonel na agad na lumapit sakin at pumasok na nga kami sa loob

"Dan" nag aalalang si kuya Deon at agad akung niyakap kaya ayun napa iyak na naman ako

"Kuya" at isinubsob ko sa dibdib ni kuya ang mukha ko

"Gag* yang si Andrew sinaktan ka niya at pinaglaruan pa" galit na galit na sabi ni kuya Dylan

"Pag nakita ko talaga siya bubugbogin ko siya ng paulit ulit" kuya Denver

"Tama na sa pag iyak girl" sina Marga habang hinahaplos ang likod ko

"Oo nga at tingnan mo ang itsura mo namumutla ka" si Jerry

"Huwag mong pabayaan ang sarili mo" si Lara

"Dan huwag ka ng umiyak" Zoey

"Tama na Dan, mamayang 7 pm haharap tayo sa media okay" si kuya at tumango lang ako

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Dad at naupo sa tabi ng kama niya, wala pa rin siyang malay

"Dad gumising ka na diyan, gaganti pa tayo sa kanila pag babayarin natin sila" kausap ko kay Daddy

"Dan kumain ka na muna" si Leonel at pumasok

"Sina kuya?"

"Umuwi na muna sila, dadalhan ka nalang daw ng damit" saad niya

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now