♥️Chapter 30♥️

172 9 2
                                    

Nandito lang ako sa hospital para bantayan si Daddy 3 days na ang nakaraan simula ng mangyari yun pero hindi pa rin siya gumigising, sina kuya ang gumagawa ng paraan para makaganti sa may gawa nito kay Daddy, hindi ko masabi sabi sa kanila ang sinabi ni Nico kasi wala pa akong pruweba

"Ms. Ventura may mga pulis po" saad ng isa kung tao

Paglingon ko nga ay may nakita akong limang pulis at kasama nila si Mr. Reyes ama ni Miguel

"Ms. Ventura may warrant of arrest po kami para sayo" saad ng isang pulis

"Para saan?" tanong ko

"Sa pagpatay mo kay Miguel Reyes" saad nito na ikinapantig ng tenga ko

"You, you kill my son in his own house" galit na galit na saad ni Mr. Reyes

"Mr. Reyes alam mo ba kung anong ginawa ng anak mo sakin ha, kinidnap niya ako at ikinulong sa bahay niyang yun, sinaktan niya ako at muntik na akong galawin" kalma kung saad sa kaniya

"Mr. Reyes ang sabi mo samin pinuntahan niya ang anak mo sa bahay nito tsaka binaril" saad ng pulis

"Nagsisinungaling lang siya para matakasan ang kasalanan niya" Mr. Reyes

"Hindi mo lang kasi matanggap na pinatay ng anak mo ang sarili niya pati na lahat ng tauhan at kasambahay niya"0 sigaw ko

"Hindi yan totoo"

"Yun ang totoo Mr. Reyes, kung pwede lang sana na ikaw ang kasuhan dahil sa ginawa ng anak mo sakin, hindi ako mag dadalawang isip na ipakulong ka" saad ko

"Sinayang mo lang Mr. Reyes ang oras namin, totoo nga ata ang sabi ng iba na baliw ka na dahil namatay ang anak mo"

"Hindi ako baliw totoong siya ang pumatay sa anak ko, pinatay mo ang anak ko" si Mr. Reyes na para na ngang baliw at dinuro duro ako

"Mali ka ng taong kinakalaban at binabangga Mr. Reyes" saad ko

"Doktor na ata ang kailangan mo, tara na dalhin na natin to sa mental" saad ng pulis at kinaladkad na si Mr. Reyes paalis habang nagwawala

(Flashback:

Pagkatapos nga ng nangyari ay nandito ako sa loob ng kwarto ni Daddy binabantayan ko siya nang pumasok si Leonel

"Dan andito na yung chicken at fries na pinapabili mo" at inilapag niya ito sa mesa

"Thank you" ako

"Okay ka na ba talaga?" siya at naupo sa tabi ko

"Okay na ako kaya lang tungkol dun sa pagpatay ko kay Miguel, malalaman nilang ako ang pumatay sa kaniya" problemado kung saad

"Dan tungkol dun sa pagkamatay ni Miguel wala ka ng poproblemahin dun, bago ako umalis sa bahay niya ay tinanggal ko lahat ng cctv camera at footage at pinalabas ko dun na siya mismo ang pumatay sa lahat ng tao niya pati na rin sa sarili niya" saad ni Leonel

"Talaga, eh yung ibang mga katulong dun?" ako

"Pinatay ko na din sila gamit yung baril na dala ko, nilinisan ko yun ng mabuti na walang matrace na ibang finger prints tsaka ko inilagay sa kamay ni Miguel" dagdag niya pa

"Thank you Leonel, ang linis mo magtrabaho" ako

"Para sayo Dan at kay baby, ayukong makulong ka" siya

"Thank you talaga pano nalang ako kung wala ka" saad ko

"Nandito lang ako palagi" siya at niyakap ako

End of Flashback:)

"Ms. Ventura kailangan ka daw po sa hide out" saad ng tao ko

"Bakit daw?" ako

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now