♥️Chapter 17♥️

207 14 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at ang bigat pa ng pakiramdam ko kaya napatingin ako sa katawan ko

"Tssk.. kaya naman pala" ehh kasi naman ginawa na akong unan, nakayakap na nga nakadantay pa ang hita sa akin

Hinawakan ko ang noo niya medyo okay na siya ngayon kaya bumangon na ako at dumiretso ng kusina para magluto ng breakfast, napag desisyunan kung huwag na ring pumasok ngayon dahil hindi pa siya tuloyang maayos. Hanggang sa kinagabihan ay nakabuntot lang siya sa akin kung saan man ako pupunta at kung ano man ang gagawin ko, buti nalang talaga hindi siya pumasok nung naligo ako

"Mr. Montero ano ba, kailangan na nating pumasok sa University, 3 days na tayong absent" habang naka pamewang ako sa harap niya

"Tinatamad talaga ako eh" siya

"Bahala ka sa buhay mo basta ako papasok na ako" at kinuha ko na ang bag ko

"Oo na nga papasok na" at hinila na niya ako palabas ng condo

Iniwan ko ang kotse ko dahil sa kotse niya daw ako sasakay at ipapakuha nalang sa kung sinong kausap niya kasi napaka kulit

"Sa wakas pumasok na rin kayong dalawa" Calix

"Akala namin absent na naman kayo" William

"Okay na siya tinatamad lang talaga pumasok kahapon" sagot ko

"Kamusta mag alaga si Dan bro?" kuya Dylan

"Pwede ko ng asawahin bro dahil sa galing mag alaga at magluto" proud na sabi ni Andrew

"Ayiee" kinikilig na sabi ng mga kaibigan ko

Magaling rin naman siyang magluto ang swerte ko pag naging asawa ko siya, luh asawa agad nasa isip ko ahh erase erase

"Whats with that smile?" si Andrew na nakatingin sa akin

Umayos ako ng tayo at tinarayan ko siya indi ko man lang namalayan na nakangiti na pala ako

"Bakit bawal bang ngumiti?" sabi ko

"Akala ko kasi nakangiti ka dahil dun sa sinabi kung pwede na kitang asawahin" siya na nakangisi at rinig ko ang mahihinang tawa nila

"Feeling ka din eh no, diyan ka na nga kailangan ko pang habulin ang tatlong araw kung absent" at tumalikod na nga ako sa kanila

Pagkatapos ng morning class ay tsaka ko nga ginawa ang mga kailangan kung gawin at ihabol ngayong araw

"Girl magmall naman tayo" pagyaya ni Jerry

"Oo nga, minsan ka nalang namin masolo kasi palaging nasa paligid mo si Andrew" si Zoey

"Sige ba tara"

Kotse ni Jerry ang ginamit naming lima papunta sa mall, nagsuot pa nga ako ng mask dahil kakalabas palang sa public na ako ang CEO ng DMLV Corp. masiyado pang mainit sa mata ng iba at sa kaaway

"Ano saan tayo?" Marga

"Kumain muna tayo" Lara

Pumasok kami sa Jollibee at nag order na nga sila tsaka na kami nag simulang kumain medyo yumuko pa ako para hindi mapansin ang mukha ko and nag uusap lang ang apat

"Oh my gosh, shes Danica Ventura right the CEO of DMLV and the girlfriend of Andrew Monero"

"Oo nga siya nga yun"

"Oh my lets take a picture of her and ask some questions" yung isa, haysst may media

"Ms. Ventura" tawag sakin nung isa kaya lahat ng mga nandito sa loob ng jollibee nasa amin na ang tingin

That Dangerous Girl Is MineWhere stories live. Discover now