CHAPTER 1

5.8K 112 7
                                    

SINIKO ni Tiffany si Charlize na nakatungo sa
assignment sa Math. "Charlize, look who's coming this way?" Inginuso nito ang lalaki na patungo sa umpukan nila.

"Omigosh!" kinikilig na sabi ni Gracia. "Patungo sa atin si Benjie!" Ang tinutukoy nito'y ang campus heartthrob ng San Ignacio College.

"Oh, Benjie ng buhay ko!" bulalas namang sabi
ni Collete sabay hawak sa dibdib.

"Ang OA ninyong pareho," wika naman ni
Tiffany na umikot ang mga mata. “Hindi naman kayo ang sadya ni Benjie kundi si Charlize."

"Eh, ano? Masilayan lang namin siya'y
kumpleto na ang buhay namin," ani Gracia, ang mga mata'y nakasunod sa bawat hakbang ng papalapit na lalaki.

"He! Magsitigil nga kayong dalawa," inis na saway ni Charlize sa mga kaibigan. "Hindi na kayo nahiya. Pati kayo'y nakiki-swoon sa hambog na iyan."

"Ang KJ mo talaga," pairap namang sabi ni Collete sa kanya. At iglap ding nawala ang panunulis ng nguso at isang pagkatamis-tamis na ngiti ang humalili sa mga labi nang lingunin ang topic ng bulungan nila. "Hi, Benjie..."

Benjie smiled charmingly. "Hello, girls."
Lumapit ito kay Charlize at itinaas ang isang binti sa bench na inuupuan ng dalagita at itinukod doon ang dalawang braso habang tinititigan siya. "Hello, beautiful..."

Isang pilit na ngiti ang iginanti ni Charlize dito.
Huwag lang masabing suplada siya.

Ganoon man, ang ngiti niya'y hindi nagpapahiwatig na anyayahan si Benjie na makiumpok sa kanila. Nayayabangan siya rito. Numero-unong playboy. Sobra ang tiwala sa sarili dahil nga maraming mga babae ang nagpapakitang may crush dito.

Kasali na ang mga kaibigan niya!

"Maaga pa naman," wika ni Benjie kasabay ng
tingin sa relo sa braso. "Isang oras pa bago ang next subject ninyo, gusto kong mag-imbita sa canteen. Lahat kayo at sagot ko." Binigyang diin nito ang huling sinabi. Nakatitig ito nang husto kay Charlize habang nagsasalita. He was smiling confidently.  Alam nito kung gaano ka-lethal ang ngiting iyon sa karamihan sa mga babae sa campus.

"Sure!" excited na sagot ni Gracia.

"Talaga namang sa canteen kami-" Ang idudugtong na salita ni Collete ay napigil ng
malakas na siko ni Charlize sa tagiliran nito.

"Thank you. Pero may assignment pa akong
gagawin, Benjie," ani Charlize, pilit na ngiti ang
ibinigay sa binata.

"Sabi mo'y katatapos-" Hindi rin natapos ang
protesta ni Gracia dahil sinundan agad ni Charlize ang sinabi.

"But of course, you can go, girls," she said
sweetly. Sa ilalim ng ngiti'y ang iritasyon.
"Nakakahiya naman kay Benjie kung hindi ninyo siya pagbibigyan, 'di ba?"

The two girls almost groaned. Alam ng mga
itong siya ang gustong isama ni Benjie sa canteen at dahil inseparable silang apat, siyempre damay sila.

"Thanks for inviting, Benjie," nadidismayang
sabi ni Gracia. "Some other time na lang 'pag libre na si Charlize."

Hindi nito itinago ang frustration at iritasyon
sa mukha. "Bakit ba hindi na kita maimbita, Charlize?" sita nito na nakakunot ang noo. "Ano
pa ba naman ang kulang sa akin?"

Umikot ang mga mata ni Charlize. "You're
almost perfect, Benjie." Sarcasm laced her voice, "Wala na akong hahanapin pa. Kaso, nagkataong wrong timing ka. Marami akong assignment. Okay?"

Sandaling hindi kumibo si Benjie. Tumiim
ang mukha, pagkuwa'y nagkibit ng mga balikat
at bumalik ang ngiti sa mga labi.

"Well, ano'ng magagawa ko? See you around,
girls..."

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now