CHAPTER 4

3.7K 88 4
                                    

IYON ang simula upang hindi mag-alangan si
Jason na lapitan si Charlize. May mga pagkakataon na pinagbibigyan niya ito sa mga paanyaya nito sa canteen. She couldn't understand herself why she couldn't even say no. Bukod pa sa sulsol ng mga kaibigan niya. Her friends really went out of their way para paglapitin sila ni Jason.

Mabait ito at maalalahanin. Akala niya ay puro
pag-aaral lang ang laman ng isip nito at kinakabahan siyang kapag nag-uusap sila'y extension iyon ng classroom niya. Pero natuklasan niyang may sense of humor ang lalaki. Matalinong kausap. Hindi nakakainip kasama.

Kumalat ang balita sa buong school nila ang
ginawa niyang pang-i-snob kay Benjie Ybañez. And worse, ang balitang ipinagpalit niya ito sa isang nerd. Pero ikinatuwa ni Charlize iyon dahil sa palagay niya'y nakaganti siya sa kayabangan ni Benjie.

"HI," SI Viola na nakasilip sa pinto ng silid ni
Charlize. "May bisita ka."

"Sino?" sagot niya na hindi lumilingon. Nasa
screen ng computer ang buong pansin at naglalaro ng games.

"A certain Jason Jacinto at-"

"Si Jason!" Biglang umikot ang swivel
chair paharap sa pinto. "Si Jason?!" hindi
makapaniwalang ulit niya.
Dinadalaw siya ni Jason?

Her sister smiled sweetly kasabay ng pag-angat ng kilay. "Kausap siya nina Mommy at Daddy. Bumaba ka na, we'll meet you downstairs."

Tumalikod na si Viola kasabay ng pagkabig sa
pinto pasara.

Ilang sandali na ang nakalipas pero nanatiling
nakatanga sa pinto si Charlize. Hindi siya
makapaniwalang nasa ibaba si Jason at nakaharap na ng mga magulang niya. Higit sa lahat, nakilala ito ni Viola!

Ano ang iisipin ng kapatid niya kay Jason?
Tiyak na pinipintasan na ito ng kapatid. Kung hindi man lantaran ay baka palihim.

Mabilis siyang tumayo at lumabas. Dere-
deretso sa ibaba. Sa gitna ng hagdan ay nahinto siya. Kausap ng mga magulang at kapatid niya si Jason. Her sister was laughing beautifully at something he must have said. At wala siyang natatandaang may bumisita sa kanyang nakangiti ang daddy niya. Lagi na'y magalang ito at pormal.

But her father was really smiling! And it
seemed na nag-i-enjoy sa pakikipag-usap kay
Ichabod Crane! No. Kay Jason.

"Hija..." Si Lacey ang unang nakapuna sa anak.
"Halika at dinadalaw ka nitong si Jason."

Tumayo ang binata nang makita siya. "Hi."

"H-hi," ganting bati niya habang dahan-dahang nagpatuloy sa pagbaba.

Tumayo ang mga magulang at kapatid niya
nang naroon na siya at iniwan na sila.

"A-ano ang ginagawa mo rito?" pautal niyang
tanong.

He laughed huskily. "Anong klaseng tanong
iyan?"

"M-maupo ka..." Naupo rin siya sa pang-
isahang sofa na nasa kanan nito.

"I like your parents. Nakapunta na rin sila sa
bahay a couple of years ago. At maraming ulit ko na silang nakatagpo sa iba't ibang pagkakataon pero ngayon ko lang sila nakausap nang matagal," wika ni Jason.

Wala sa loob na tumango si Charlize.
"Malimit ikuwento ni Tiya Aurelia ang mga
magulang mo sa akin."

"Of course. Sa pagkakaalam ko'y naging
estudyante ng tiyahin mo sina Daddy at Mommy. At nang mag-retire si Ma'am Aurelia, hindi miminsang dumalaw sina Daddy sa inyo..."

"And your sister Viola, she's beautiful. Lalo
siyang gumanda ngayon. I remembered watching her coronation when she won the Miss SIC years ago."

Bahagyang nangulubot ang noo ni Charlize. Sa
kabila ng nakasalamin ito'y nakita niya ang kislap ng mga mata nito nang purihin ang kapatid.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now