CHAPTER 15

3.9K 96 2
                                    

ALAS-DOS ng madaling-araw nang marating
nila ang Trinidad. Ipinasya ni Jason na dumeretso sa ospital upang alamin ang kalagayan ni Felix. Sinalubong sila ni Aurelia na agad niyakap ang pamangkin.

Kumawala ito sa pagkakayakap kay Jason nang makita ang dalaga. Pagkamangha at kasiyahan ang nakabadya sa mukha.

"Charlize, hija..."

"Hello, Tiya Aurelia." Dinampian niya ng halik
sa pisngi ang matandang babae.

"Magkasama ba kayong dumating ni Jason?
Saan kayo nagkita? Paano mo nalamang narito si Felix?" sunod-sunod nitong tanong.

Sinalo ni Jason ang sandaling paghahagilap
niya ng maisasagot. Ipinakilala nito sa tiyahin si Mildred. "My secretary Mildred, Tiya. Mildred, my aunt.."

"How are you, hija. My, you're very tall!
Statuesque..."

"Thank you, ma' am," nasisiyahang sabi ni Mildred na yumuko at humalik din sa pisngi ng matandang babae.

"Kumusta ang papa?" ani Jason, "Nasaan siya?"

"He's out of danger but he's still under observation. Mabuti na lang at may pinabalikan ako sa hardinero sa bahay. Nakita niya nang..." Huminto ito sandali sa pagsasalita. Tila naghahagilap ng angkop na sasabihin. Bago, "Nakita niya nang dumulas sa hagdan ang papa mo. Naisangga ni Buloy ang katawan sa papa mo bago ito tumama sa marmol sa ibaba."

"Maari ko bang makita ang papa?" ani Jason,
hinayon ng mga mata ang pasilyo ng ospital.

"Bukas na, hijo. Hanggang ngayon ay umeepekto pa rin ang pampatulog na ibinigay ni Dr. Dominguez nang magising kaninang hapon si Felix. Ihatid mo na muna sa kanila si Charlize." Masuyong nginitian siya nito. "Matutuwa si Felix kapag nakita ka niya bukas, hija."

"I'll see him tomorrow, Tiya..."

"WHAT time shall I pick you up tomorrow?
anong ni Jason kay Charlize nang bumukas ang gate at sumungaw ang hardinero na pupungas-pungas pa. Nang masilip nito si Charlize ay agad na niluwangan ang bukas ng gate.

"Don't bother. I'll use Dad's car" At bago
pa makapagprotesta si Jason ay nakababa na ng sasakyan nito si Charlize. "See you," pahabol niya para sa dalawa subalit hindi na lumingon. Dere-deretso sa loob at bahagya lang tinanguan ang pagmamagandang umaga ng hardinero.

Tumatakbo na palabas ng driveway ang
sasakyan ni Jason nang sumilip sa gate si Charlize. Maraming katanungan ang naglalaro sa isip niya habang tinatanaw ang papalayong sasakyan.

Ookupahin ba ni Mildred ang isa sa mga guest
room ng mga Jacinto o matutulog ito sa mismong silid ni Jason? Ano ba talaga ang relasyon ni Jason sa sekretarya niya?

Lahat ng mga iyon ay nag-iiwan ng hindi
maipaliwanag na sakit ng damdamin sa dibdib niya.

"SINUSUNDAN marahil ni Jason ang mga
nangyayari sa buhay mo sa nakalipas na mga taon, Charlize," ani Rigo habang nag-aalmusal sila.

"Iyan lang ang lohikong paliwanag kung bakit
ikaw ang ginusto niyang mag-interview sa kanya gayong hindi ka naman reporter," sabi naman ni Lacey. "But I am really surprised to know that Jason's Joram al'Zaim, Charlize. I've read two of his novels and I could not put it down.."

"He's good, Mommy. I've read all fours..."
aniya. Sa kaibuturan ng puso'y may gustong
sumungaw na pagmamalaki. Kung bakit ay hindi niya maipaliwanag. Jason had been out of her life for many years.

"Ano ang plano mo ngayon?" si Rigo.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng
dalaga. "Finished the interview and go back to
Manila tomorrow morning. Kailangang ihabol sa deadline ang article about him. And I guess I just have to take his photos myself..."

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now