CHAPTER 21

8.1K 198 37
                                    

NAGSIMULA nang sumikat ang araw nang
makarating sila sa Coral Sea. Pagod na bumababsasakyan si Aurelia at lumakad patungo sa bahay. Si Charlize ay kinakabahang nakatayo sa pinto ng sasakyan.

"Don't just stand there," wika ni Aurelia na
nilingon siya. "Natitiyak kong gising na si Jason. He will be surprised."

Ang dalagitang katulong ang sumalubong sa
kanila. "Magandang umaga po," bati nito sa dalawa.

"Nasaan ang sir Jason mo, Ana? Gising na ba?"

"Kanina pa po, ma'am. Pero wala ho siya.
Hindi ko po alam kung saan nagpunta?"

Iwinasiwas ni Aurelia ang kamay. "That's
okay. Darating din iyon mamaya. Sabihin mo kay Senyang na ipaghanda kami ng almusal..."

Agad na tumalima ang dalagita. Si Charlize
ay nanatiling nakatayo sa gitna ng kabahayan.
Ang mga mata niya'y nakatuon sa dalawang
bagaheng nasa puno ng hagdan. Pagkuwa'y nag-angat ng mukha nang sa sulok ng mga mata niya'y mapunang may tao sa balustre sa itaas.

Naroon si Mildred at nakatunghay sa kanya.
Poised, beautiful, cold as a stone.
"So you're here," wika nito sa malamig na
tinig. "Ayokong isiping aalis akong mag-isa."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. At sandaling nasilip ni Charlize ang lungkot sa mga mata ni Mildred. "I wish Jason would come to his senses at huwag sayangin ang writing career niya."

"W-where's Jason?"

Nagkibit ito ng mga balikat at unti-unting
bumaba. "Hindi niya sinabi. But I saw him took
the Jeep a few minutes ago..."

Mabilis na lumabas ng kabahayan si Charlize.
Halos takbuhin niya pabalik ang sasakyan.

Isang payak na ngiti ang lumabas sa mga labi
ni Aurelia habang sinusundan ang papalayong
sasakyan.

NAKAKAILANG baba-taas na ang palakol sa
puno ng molave nang makarating sa itaas ng talampas si Charlize. Humihingal na napahawak siya sa isa pang punong naroroon.

"Don't you... dare cut that tree off!" She was
catching her breath.

Napalingong bigla si Jason. Tulad niya'y
naghahabol din ito ng paghinga. Puno ng pawis ang mukha nito. Ang puting poloshirt ay basa na rin ng pawis. Ang pinuputol nito'y ang mismong pinakapuno ng molave na malapit na sa lupa.

"T-that tree isn't yours anymore," she said,
bumaba-tumaas ang dibdib. "Pinutol mo na
iyan noon nang umalis ka. Narito akong lagi,
naghihintay na umulan... naghihintay na muling sumibol ang mga sanga... inukit kong muli ang lumalabong mga pangalan..." she cried.

Jason was speechless for a few seconds. Sa
pang-umagang sikat ng araw, Charlize could be just a mirage. So pretty with her hair blown from her face. On her lovely neck was the omega choker. Ang ruby ay mapulang-mapula sa sikat ng araw. Hope and happiness rose his chest.

"I... love you, Charlize..."

Charlize caught her breath. But raised her chin
and said defiantly, "Well, thanks a lot. I've been
wanting to hear that since you took me to bed..." And then added softly, "I love you, too... have always loved you..."

Jason's eyes sparkled for a while, then he took
a deep breath. "Mariana was right. Hindi ko ama si Felix Jacinto. I'm a bastard..."

"Who cares?"

"Sinabi ba sa iyo ni Tiya Aurelia na siya ang
ina ko?"

"No. But I could guess. When did you learn
that she's your mother?"

"After the scandal that made Mariana left Coral
Sea mansion... Ipinagtapat ni Tiya Aurelia sa akin. But I couldn't claim her as my mother much as we both wanted it. Ayokong magkaroon ng dungis ang pagkatao niya sa bayang ito."

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ