CHAPTER 19

4.1K 96 2
                                    

SA LOOB ng tatlong araw ay nanatiling tahimik si Jason. Maliban kay Mildred, who never seemed to left his side, ay walang ibang kinakausap si Jason.

Charlize tried to talk to him... to offer comfort.
But Jason was suddenly polite, cold and distant. Para silang hindi magkakilala. At sinikap niyang maunawaang sanhi iyon ng pamimighati nito.

"Ana, nasaan ang Sir Jason mo?" tanong niya
sa katulong. Magpapaalam siyang uuwi na muna at sa libing na lang kinabukasan babalik. Ang mga magulang niya'y nauna nang umuwi matapos ang dalawang sunod na gabing vigil.

"Nakita ko pong pumasok sa dulong guest room kanina, Ma'am Charlize. Baka po nagpapahinga si Sir."

Lumakad siya patungo sa silid na sinasabi ng
katulong. She would check on him. Ikatutuwa niya kung nagpapahinga ito. Walang itinulog si Jason sa nakalipas na tatlong araw. He took charge of everything.

Bahagyang bukas ang pinto at itutulak na
lamang niya nang maulinigan ang tinig ni Mildred.

"Bakit kailangang maghiganti, Jason? Matagal
nang nangyari iyon. Bakit hindi na lang kalimutan? Talk to her, once and for all. Offer her anything at pagkatapos ng lahat ng ito'y bumalik na tayo sa Amerika... Bukas mismo pagkatapos ng libing ng papa mo."

"I'm worried about her, Mildred. I'm sure she
wants more than just what I intend to offer..." wika nito, his voice weary and tired.

Napahakbang pabalik si Charlize. Hindi niya
matiyak kung paano siyang nakalayo sa pasilyong iyon gayong nanginginig ang mga tuhod niya.

Paghihiganti? Naghihiganti ba si Jason sa
kanya dahil sa nangyari noon? Lahat ba ng
nangyari sa kanila ni Jason nitong nakaraang araw ay paghihiganti lang?

"Tell me when you're ready, Mr. al 'Zaim...'

"I'm ready, Miss dela Serna... have been ready
for a long time..."

Sinubaybayan ni Jason ang career niya,
ginawan ng paraan upang ang magaziné nila ang makakuha ng interview at siya ang reporter. Lahat ng iyon ay plinano ni Jason upang magkalapit silang muli... at makapaghiganti.

"No amount of gentleness can ease the pain of
a brokenhearted man, Charlize...

"Sinaktan mo ako..."

Itinakip niya ang kamay sa bibig upang hindi
mapahikbi nang malakas. Nanlalabo ang mga
mata niya sa mga luhang pinipilit niyang huwag bumagsak.

Tuloy-tuloy siya sa malaking pinto. Kailangan
niyang makaalis sa bahay na iyon bago pa niya
mabigyan ng kahihiyan ang sarili sa harap ng
maraming taong nakikipaglamay.

Halos takbuhin niya ang pintuan. Hindi
alintana kung may ilang bisitang nakatingin sa
kanya. Nasa gitna siya ng kabahayan nang mula sa malaking pinto ay pumasok ang isang babae. Si Mariana... ang ina ni Jason.

"Tamang-tama pala ang okasyong ito, Aurelia!"
malakas nitong sabi na nagpangyari upang lahat ng mga mata'y matuon dito. "Narito ang maraming taong napaniwala mo sa mga kasinungalingan mo sa nakalipas na labing-tatlong taon..."

Hindi gustong intindihin ni Charlize ang babae.
She wanted to get out of the house as fast as she could. Subalit nakuha na nito ang buong atensiyon ng mga naroong bisita. Ang iilang taong nasa balkonahe ay nakatayo na sa likod nito at humarang sa pinto.

"Makinig kayong lahat!" muling sigaw ng
babae.

Si Aurelia ay nilapitan ito. "Utang-na-loob,
Mariana. Igalang mo man lang ang okasyong ito. Ano ba ang kailangan mo, mag-usap tayo."

Iwinaksi ni Mariana ang kamay ni Aurelia at
humalakhak. Sa tingin ni Charlize ay lasing ito.
"Hindi totoo ang bintang nilang nahuli ako ni
Felix na kasama ang ibang lalaki sa guest room
ng bahay na ito! Makinig kayo... hindi totoo!
Kabaligtaran iyon sa totoong nangyari..."

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now