CHAPTER 6

3.4K 87 5
                                    

"NALAMAN kong pati pala ang mga barkada
mo'y Ichabod Crane ang tukso sa boyfriend mo, Charlize," ani Viola, who was a sight to behold in her one-piece gold-yellow bathing suit.

Siya man ay naka-one-piece white swim suit
din subalit nang makita niyang kasama ng ama
pabalik si Jason ay mabilis niyang kinuha sa beach bag ang sarong at itinapis.

Wala siyang pakialam kung nagsasalubong man ang mga kilay ng ina at kapatid. Maliban sa simpleng "hello" at tipid na ngiti ay wala na siyang sinabi sa kasintahan. It was her family who made Jason feel welcome.

"It fits though..." patuloy ni Viola na nagpabalik
ng isip ni Charlize sa sinasabi ng kapatid.
Sinulyapan nito si Jason na nasa cottage at nagba-barbecue. Naka-walking shorts nang maluwag. Iyon na ang pinakamasikip na maari nitong makuha sa wardrobe sa guest room. "He's lanky and tall."

Hindi niya gustong patulan ang kapatid. Anyway, kasalanan din naman nilang magkakaibigan kung bakit nag-stuck ang tawag na iyon kay Jason.

"I'm sorry if Jason didn't come up to your
standard," she said with a slight bitterness in her voice.

Kunot-noong napatitig si Viola sa kanya. "Hey,
I'm sorry..." Hinawakan nito si Charlize sa braso
nang akma siyang tatalikod. "Nagbibiro lang ako. Hindi ko siya pinipintasan. Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo inaawat ang barkada mo sa pangangantiyaw sa boyfriend mo."

Umiwas siya ng tingin dahil hindi niya alam
ang isasagot.

"Ikinahihiya mo ba ang boyfriend mo,
Charlize? Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi
kang nakadistansiya kay Jason kapag nasa paligid kami?" sunod-sunod nitong tanong.

Nanatiling hindi sumasagot si Charlize.Hindi
niya gustong ipakipag-usap si Jason sa kapatid.

Nagpatuloy si Viola. "I could see it in your
eyes that you like him, Charlize. Hindi ilang beses mo siyang panakaw na tinititigan kapag hindi nakatingin. Iniisip kong napakabata mo pa at hindi kayang dalhin ang pagkakaroon ng boyfriend kaya nakadistansiya ka sa kanya kapag kasama kami. But now-"

"Hindi ko gustong pag-usapan si Jason, Viola,"
aniya at tinalikuran ang kapatid.

Nagkibit ng mga balikat si Viola at umiling.
Sinundan ng tingin ang kapatid na tinungo ang ina na nakaupo sa buhangin at pinanonood ang paglalangoy ni Rigo sa dagat.
na,"

"Hija, bakit hindi mo igawa ng sandwich si
Jason. Kanina pa iyon sa ihawan. Baka nagugutom," ani Lacey at sinulyapan ang binata. "Sige na. Nakakahiya namang mag-isa lang iyong tao roon."

Napilitan siyang sundin ang ina.
"Hi," nakangiting bati ni Jason. His eyes
sparkling as he turned to look at her.

Napangiwi ang dalagita nang makita ang uling
sa mukha nito. She had the urge to wipe it off his face but held herself. Bakit niya gagawin iyon?

Umupo siya sa upuang kawayan at inabot ang
sandwich sa loob ng basket na nasa gitna ng mesa.

"Mag-sandwich ka daw muna, sabi ni Mommy."
Hinango ni Jason ang mga nakasalang sa
apoy na barbecue at isinama sa mga naluto na at inabot sandwich. "Thank you, sweetheart."
ang malambing nitong sabi. "Ikaw?"

"I'm not hungry." Gusto niyang mainis sa
endearment na ginagamit nito. At the same time, parang tila may di-maipaliwanag na kasiyahan siyang nadarama. What was wrong with her?

"Hatian mo na lang ako dito sa sandwich."
At bago pa siya makakilos ay nauna nang isinubo sa kanya ni Jason ang ham and cheese sandwich.

And she had no choice but to open her mouth
and take a bite. Nabahiran ng mayonnaise ang sulok ng mga labi niya.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now