CHAPTER 8

3.3K 85 4
                                    

"YOU'RE gorgeous, my dear," puri ni Lacey
sa bunsong anak. Her eyes were misty habang
hinahagod siya ng tingin sa creamy-white gOwn niya.

It was off-shouldered, napapalamutian ng pinong Silver sequins at beads ang bandang dibdib. Hapit sa katawan ang gown mula sa dibdib hanggang ibaba ng bewang at bias-cut na pababa. Yet the silk skirt lovingly shaped her body with every move she made.

Her hair was braided from the top of her
head to her nape. Bagaman may ilang tendrils na kumawala, it was to her advantage. It made her lovelier.

"Where did my little tomboyish girl go?"
Nabasag ang tinig nitong pinagmamasdan ang
reflection niya sa salamin.

"Precisely my thoughts, darling," ani Rigo mula sa pinto. Tender admiration in his eyes as he
surveyed his youngest daughter. "You're beautiful, Charlize..."

"I want to think so, Daddy, Mommy..." aniya,
muling sinulyapan ang sarili sa salamin and was pleased of what she saw.

"You are, Charlize," paniniyak ni Rigo,
smiling. "And if you're ready and done, sumunod na kayong mag-ina at marami nang mga bisitang dumating at hinahanap ang celebrant."

"Five more minutes, Dad." pahabol niya sa
ama bago ito nawala sa pinto. Binuksan niya ang drawer at inilabas ang regalong kuwintas ni Jason. Inilagay sa leeg. "Mom, pakikabit..."

"Why, that's exquisite, Charlize! Saan galing
iyan?" bulalas ni Lacey nang makita ang omega na inilalagay niya sa leeg.

"Jason's gift, Mommy," she said smiling,
sinipat ang sarili sa salamin.

Maingat na hinawakan ni Lacey ang ruby at
Sinuri. "This ruby is one of the best kind, Charlize, and must be very expensive! He really cares for you very much..."

"Because his gift is expensive?" she teased.

Ikinabit ni Lacey sa leeg ng anak ang omega.
"Don't be a fool. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. He could have given you something else of equal you and I wouldn't even wonder. Pero ang ruby na ito..." Umiling si Lacey. "Baka naman masyado lang akong romantic."

Ngumiti ito a muling pinagmasdan ang anak sa salamin. "The gem complimented your skin and your gown, Sweetheart.."

She saw it too and was very pleased. Dinampot niya ang perfume niyang Estee Lauder at nag-spray sa mga pulse point para sa final touch. The scent was light and sweet. Bagay sa edad niya. Palabas na sila nang masalubong sa pinto si Viola.

"Wow!" banayad nitong bulalas

"Mauna na akong bumaba, huwag kayong
magtagal na dalawa," ani Lacey.

"Happy birthday, Charlize." Hinagkan ni Viola
sa pisngi ang kapatid. Pagkuwa'y sinipat siya ng tingin. "Hindi ako makapaniwalang ikaw iyan..."

Hindi niya mapigil ang kasiyahang nadarama
Ang marinig iyon mula sa sopistikadang kapatid ay nagpapataas ng morale niya. Pero nang makita ang suot ni Viola ay kumunot ang noo niya. She was wearing a simple blue round-necked gown. Ang tanging accent ay gold accesories na nasa bewang nito bilang sinturon.

"Bakit ang simple ng suot mo?" nagtatakang
tanong niya, Though Viola could still looked like a queen in a simple gown, sanay siyang mas ang kapatid sa naggagandahang party dresses nito.

"This is your night, my dear sister," nakangiting
sagot ni Viola. "You surely don't want to share
limelight with me. "Though I doubt kung mapapansin ako ng iba, kahit na gandahan ko pa ang suot ko, sa nakikita kong ayos mo ngayon."

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Kumislap ang mga mata sa namuong mga luha. Habang nagbibihis siya kanina'y iniisip na niyang makakaagaw niya sa atensiyon ang nakatatandang kapatid. Na ang sarili niyang party ay mauuwi sa puro papuri para kay Viola. How could she be so wrong.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now