CHAPTER 7

3.7K 89 21
                                    

"MALAPIT na pala ang debut mo," ani Tiffany
nang nasa canteen sila. Si Jason ay nasa counter at umo-order ng soft drinks.

"So, what are your plans?" dugtong na tanong
ni Collete sa sinasabi ni Tiffany.

Nagkibit-balikat si Charlize. "Nothing definite
Pero natitiyak kong magpapa-party sina Daddy at Mommy."

"Wala ka bang balak na i-break si Jason?"
singit ni Gracia sa marahang tono at sinulyapan sa counter ang pinag-uusapan. "Alangan namang siya pa rin ang partner mo sa birthday mo?"

Napatingin siya sa kaibigan. Mag-iisang
buwan na silang magkasintahan ni Jason. And she had been so happy in the past few days. Jason was funny and romantic at wala siyang natatandaang nag-enjoy siya sa company ng isang lalaki maliban dito. Nakalimutan niyang katuwaan lamang kung bakit sinagot niya ang pag-ibig nito.

"Remember, sinagot mo lang Si Jason upang
iwasan ang makulit at mayabang na si Benjie,
Charlize. Bakit yata mukhang permanent fixture na sa buhay mo si Ichabod?" ani Collete sa patuyang paraan.

"Ano naman ang masama? wika ni Tiffany,
"Mabait naman si Jason, ah."

"Tiff, hindi na nanggugulo si Benjie. It's tíme
naman na maghanap ng guwapo at presentableng boyfriend Si CharliZe, patuloy ni Collete. Pagkuwa'y tumingin sa nakatalikod na si Jason. "Ang hirap yatang magka-boyfriend ng nerd." At tumawa ito.

Natigilan si Charlize. Gusto niyang magalit
sa pang-iinsulto ng mga kaibigan sa kasintahan. At isiping spoiled ang mga ito sa binata. Mula nang maging magkasintahan sila ni Jason ay malaking katipiran iyon sa mga kaibigan niya.

Hindi pinahihintulutan ng nobyo na gumasta ang mga ito sa canteen. At malimit pang magyaya ang mga ito sa burger house sa Trinidad.

"Colette, mukhang nasasaktan si Charlize,"
panunuya ni Gracia at matiim siyang pinakatitigan.

Nanlaki ang mga mata ni Collete. "What?
Don't tell me na na-in love ka na kay lchabod
Crane?

Am I falling in love with him? She wasn't sure
about her feelings. Pero natitiyak niyang hindi rin naman niya gustong i-break si Jason.

Ganoon ma'y iba ang lumabas sa kanyang mga labi. "Ano 'ko sira!" depensa niya. "Kayo lang
naman ang inaalala ko, kahit paano ay may
naglilibre sa inyo ng snacks kahit wala ako."

She cringed inside. Hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang isigaw sa mga kaibigan na sana'y tumigil na ang mga ito sa pangangantiyaw at nasasaktan siya.

"Charlize!" saway ni Tiffany. "Hindi ka
na naawa doon sa tao. Totoo namang sa akin
nanggaling ang suhestiyon na sagutin mo si Jason pero umaasa akong matapos ang magandang pakikitungo niya sa iyo ay matututuhan mo siyang gustuhin."

Umikot paitaas ang mga mata ni Collete at
inakbayan si Tiffany. "Napaka-romantic mo talaga, Tiff. Alam mo sa simula pa lang ang mga balak ni Charlize. At tama ka, ikaw ang naglagay niyon sa utak niya. That is why it's impossible for her to fall in love with a man, rich he maybe, nerd naman!"

"Bahala kayo!" Inis na tumayo si Tiffany at
nag-walk-out sa kanila.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jason nang
makitang padabog na umalis si Tiffany. Sinundan ito ng tingin habang hawak sa mga kamay ang limang bote ng soft drinks.

"Bakit biglang umalis si Tiffany?

"Napikon," sagot ni Gracia at napatingin kay
Collete at sabay na nagtawanan ang dalawa.

Samantalang walang nararamdamang kasiyahan si Charlize. Parang gusto niyang sumunod kay Tiffany at iwan ang dalawang kaibigan. Pero kapag ginawa niya iyon ay para na rin niyang inamin sa dalawa na totoong unti-unti nang nahuhulog ang loob niya sa boyfriend.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon