CHAPTER 13

3.6K 88 0
                                    

"HOW ARE you, Charlize? It's been a long long
time."

Hindi siya agad makasagot. Ang mga kamay
niya'y mahigpit na napahawak sa armrest ng sofa. If she wasn't sitting, she would have swayed. Nararamdaman niya ang panlalambot ng mga tuhod.

Fate can be cruel at times. Joram al' Zaim was
Jason. Iyon ang dahilan kung bakit ipinilit nitong siya ang mag-interview dito.

"S-sinadya mo ba ang pagkikita ninyo ng
boss ko sa New York?" She found her tongue at last. And she was sure her knees were melting, at umaagos pababa sa sahig. Her heart was pounding so Violently that she could almost feel the pain.

He smiled. And it made two shallow dimples
on either side of his sensual mouth.

"Sa nakalipas na pitong taon ay tatlong beses
akong umuwi sa atin," he said. "Pero narito ka na sa Maynila nang mga panahong iyon."

"Yes," she agreed silently. Pero alam niya ang
unang pag-uwi ni Jason. That was more than three years after he left. Nasa San 1gnacio siya nang mga panahong iyon. Iyon ang kauna-unahang bakasyon niya mula nang lumuwas siya sa Maynila pagkatapos ng graduation niya sa kolehiyo.

But she was a day too late para magkita sila
ni Jason. Nang dalawin niya ang magkapatid na Felix at Aurelia Jacinto ay nagulat pa siya nang malamang dumating si Jason

"Ikinalulungkot kong hindi kayo nag-abot,
hija, ani Felix. Ang tinig ay nakikisimpatya sa
kanya. "Nanatili rito ng dalawang araw si Jason
at kahapon lang umalis."

Gayon na lamang ang panghihinayang niyang
hindi man lang sila nagkikita. "M-maaari ko po
bang malaman kung saan ko maaaring makausap o masulatan si Jason, Tito Felix?"

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ng
matandang lalaki. Nahalinhan iyon ng pagkailang.

"H-hindi madaling sulatan o makipag-
communicate kay Jason, hija. Nasa Middle East
siya at nasa disyerto ang assignment."

"Middle East!" nabiglang ulit niya. "I thought
he's in America?"

"Sa unang mga buwan lamang matapos siyang
umalis dito sa atin. Subalit nadestino si Jason sa Middle East may ilang taon na ngayon. Natitiyak kong hindi rin maibibigay sa iyo ni Ate Aurelia ang forwarding address ni Jason..."

With a heavy heart ay nagpaalam siya sa
matandang lalaki na sa nakalipas na mga natitirang taon niya sa kolehiyo ay naging malapit din sa kanya.

CHARLIZE raised her eyes at pinagmasdan ang kaharap. Ibang Jason ang nasa harap niya. Gone was the tall and lanky young man.. the nerd.. Ichabod Crane.

The braces were gone... at ganoon din ang
salamin sa mata, revealing those opal-black and penetrating eyes. Ang humalili'y pagnanasaan ng kahit na sinong babae. He was very attractive. Very male.

Isang pilit na ngiti ang ginawa niya. "I'm
glad of your success as a writer, Jason. You are
phenomenal, considering the competitions sa
nternational market. Alam ba ni Tito Felix at Tiya Aurelia na ikaw si Joram al Zaim?"

"Tanging si Tiya Aurelia lang ang nakakaalam.
And only after my first novel hit the top list after Six months. I made her promise never to tell anyone. Not even to my father... and thank you." ldinugtong nito ang pasasalamat sa napakapormal na tono.

Muli ay alanganin siyang ngumiti. "I... I really
am glad to see you again. But I have work to do, so please, let's proceed with the interview."

Muli niyang inangat ang notebook, trying desperately to be as calm and as professional as she could muster and hope she was succeeding.

"D-did you ever dream of becoming a writer?"
aniya. "Do you want your readers to know your
real name? And-"

"Forget about the interview, Charlize," he said
cuttingly. "Iwanan mo sa akin iyang mga inihanda mong tanong. Si Mildred ang bahalang sumagot sa mga iyan. She's my secretary.."

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now