CHAPTER 5

3.5K 82 4
                                    

MABILIS na kumalat sa buong campus na
boyfriend na niya si Jason. Tawa nang tawa ang mga kabarkada niya nang ikuwento ng mga ito ang hitsurani Benjie nang malaman na sinagot na niya si Jason.

"Kung nakita mo lang ang mukha niya," ani
Tiffany na tuwang-tuwa.

"Namumula!" wika naman ni Collete. "Lalo
na nang kantiyawan ng mga barkada.
Naaawa nga ako, eh," si Gracia na bagaman
loyal sa mga kaibigan ay hindi pa rin mapigilan
ang damdamin para kay Benjie. "Nakaganti na nga kayo, pinagtatawanan n'yo pa."

"Naawa ka sa mayabang na iyon samantalang
kung kantiyawan ninyo si Jason at pagtawanan ay ganoon na lang," sarkastikong wika ni Tiffany kay Gracia. "But then, you can console him, friend. lyon ay kung papatulan at tototohanin ka."

"Ang sakit mo namang magsalita," nasasaktang sabi nito. "Para bang kay pangit-pangit ko naman niyan." Malungkot itong nagbuntong-hininga.

Hindi ito pinansin ni Tiffany at hinarap si
Charlize at kinamayan. "I wish you and Jason all the luck." Sinabayan nito ng tawa ang sinabi.

"Ups, nandiyan na si lchabod-este lover boy"
si Collete nang makitang palapit na sa kanila si
Jason.

"Wow, Charlize!" Impit na nakihagikgik si
Gracia kay Collete. "Tingnan mo at naka-long sleeves na naman ng puti gayong kay-init ng panahon. Tinalo pa si Juan Luna," bulong ni Gracia.

"Hindi Juan Luna," wika naman ni Collete.
"Hindi ba't Jacinto ang apelyido niya? Baka
kamag-anak ni Emilio Jacinto."
Nagtawanan ang tatlong dalagita.

At hindi makuhang ngumiti ni Charlize.
Naiinis siya sa panunukso ng mga kabarkada.
Gusto na niya talagang mapikon lalo na at hina
naman itinatago ng mga ito ang pagtatawanan.

"Hello," bati ni Jason sa kanila.

"Hi, Jason," chorus na bati ng tatlo. Mga
nakangising pare-pareho.

"Exit muna kami. Maiwan namin kayo ni
Charlize," wika ni Tiffany at tinapik pa ito sa
balikat. "Ingatan mo ang friend namin, ha?" At
nagpatiuna itong lumakad kasunod sina Gracia at Collete.

"Hey, bakit nakasimangot ka?" kunot ang
noong tanong ni Jason nang Sila na lang dalawa. "Galit ka ba?"

"B-bakit ako magagalit?" She tried to smile
at him. Only to silently grimace nang mapunang nangingintab na naman ang buhok nito sa gel.

"Then smile. The sun shines when you do," he
said huskily, his eyes caressed her face.

Mabilis na nagyuko ng ulo si Charlize. She
was torn between hating the guy and be flattered at the same time. Why could she not just dislike him? Tulad ng nararamdaman niya kay Benjie. Di sana'y madali niyang masabi kung ano ang gusto niyang sabihin dito.

Ang kaso, may pakiramdam pa siyang nahihiya
siya kay Jason. She could not even look straight in his eyes. At ang nakapagtataka'y tila nawawala ang anumang bagay na gusto niyang sabihin dito sa tuwing nakatitig ito sa kanya.

Isang malaking pagkakamaling nagpakantiyaw siya sa mga kaibigan at sinagot niya si Jason.

Siguro nama'y kaya niyang pakitunguhan ano
kayabangan ni Benjie nang hindi kailangang
gamitin si Jason. Hindi niya gustong tumagal an relasyon nila ng kahit isang linggo. Mientras maaga ay mas mabuting makipag-break siya rito at nan hindi ito gaanong masasaktan.

Pero paano niya tatapusin ang relasyon nila
gayong kung tutuusin ay hindi pa man lang
nagsisimula?

"Maupo ka." Itinuro niya ang puwesto sa bench
sa kanang bahagi niya. Pilit niyang nginitian ito.

"Ginawa ko na ang assignment mo sa Math.
Heto." Isang nakatuping intermediate pad ang
inilabas nito mula sa notebook nito at iniabot sa kanya.

Mangha niyang tinitigan ang iniabot nito.
"Paano mong-"

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now