CHAPTER 17

4.4K 93 6
                                    

"THANK you for the wonderful evening,
Charlize, madamdaming wika ni Dave nang ihatid siya nito sa pinto ng condo niya.

"Ako ang dapat magpasalamat, Dave? I really
enjoyed tonight. Sumandal siya sa nakasara pang pinto ng unit niya.

"Pagkatapos ng seminar ko'y yayain naman
kita sa bahay, Charl, wika nito, very pleased.
"Matagal ka nang gustong makilala ng mama at papa."

Wala siyang isinagot kundi isang marahang
tawa.

Yumuko si Dave upang hagkan siya. Subalit
ibinaling ni Charlize ang mukha kaya sa pisngi
niya tumama ang mga labi nito.

Bahagya siyang umatras nang tangkain ni Dave na hawakan siya. She cleared her throat, tumingin sa relo niya sa bisıg. "Alas-onse na, gagabihin kang masyado, Dave."

Huminga nang malalim si Dave. "I know a
dismissal when I heard one. Good night, Charlize.."

"'Night." Ipinasok niya sa keyhole ang susi.

Hinintay muna siyang makapasok ni Dave bago ito bumalik sa elevator.

Inihagis niya ang clutch bag sa sofa at pabagsak na naupo. She kicked her shoes off at lumakad patungo sa dark room niya upang tingnan ang mga kuha niya kay Jason sa beach. Nasa doorknob na ng maliit na silid ang kamay niya nang marinig ang chime ng pinto.

Nagsalubong ang mga kilay niya. May
nakalimutan bang sabihin si Dave? She turned at bumalik sa pinto at binuksan iyon.

"What--Jason!"

"Hindi ba mas safe na hindi mo muna tatanggalin ang chain lock?" wika nito. Bahagyang naniningkit ang mga mata. "Or you expected Dave to come back?"

Napaatras siya nang papasukin ni Jason ang
sarili. Pagkatapos ay isinara rin nitong muli ang
pinto.

"W-what are you doing here? Kailan ka
lumuwas'?" Sa kabila ng pagtataka, hindi niya mapigil ang pag-ahon ng pananabik pagkakitang muli sa binata. And she wanted to ask where was Mildred. Subalit hindi iyon lumabas sa mga labi niya.

"This afternoon. I came straight here. Kung
hindi lang sa manalagang dagay na inayos
ko'y kasabay mo akong bumalik. Wala ka nang
dumating ako kaya naghintay ako sa reception sa ibaba ng building."

"I went out with.. Dave." She couldn't
understand why she had to feel guilty.

"Of course. The reservation remember?" wika
nito. His lips twisted as he mocked lightly. "Nakita ko kayong dumating..."

"I-I didn't notice you..."

"Nakatuon kay Dave ang buong atensiyon mo,
Kahit marahil dumaan ako sa harap mo'y hindi mo ako mapapansin."

"That's unfair, Jason," she accused softly.

Hindi niya magawang alisin ang mga mata
rito. She missed him. She enjoyed her date with Dave. He was polite, gentle, and considerate. But he wasn't Jason.

Dave almost spoiled the night nang muli itong
bumanggit ng pag-ibig. At isiping nakahanda
na siyang sagutin ito bago pa muling nagtagpo ang landas nila ni Jason. At Sa buong panahong magkasama sila ni Dave wished na sana'y si Jason ito.

At paano ba niya pakikibagayan ang sariling
damdamin kung ang laman ng iSip niya sa nakalipas na mga araw ay nasa harap niya ngayon.

"Sino si Dave, Charlıze?" The innocent of
his tone didn't mask the probing of his eyes as he  waited for her reply. Nang hindi agad makasagot si Charlize, he added roughly, "I saw him kissed you..."

"I-It was a... a friendly good-night kiss."

Why on earth she sounded so defensive? Ano
ang pakialam ni Jason kung nakita man nitong
naghalikan sila ni Dave?

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now