CHAPTER 9

3.3K 90 4
                                    

KUNG siya ang masusunod ay hindi na gusto
ni Charlize na bumalik pa sa party. Subalit hindi
niya gustong magpaliwanag sa mga magulang
Hindi niya gustong mapahiya rin ang mga ito sa mga bisitang tiyak na magtataka. Matapos ayusin ang sarili at i-retouch ang makeup ay bumalik sa bulwagan ang dalagita.

She was smiling at everyone. tinanggap ang
mga papuri at nakitawa sa mga ito. No one knew that she was crýing on the inside.

Nang gabi ring iyon ay iniwasan niyang
makahalubilo ang mga kaibigan sa pamamagitan ng pakikipagsayaw sa halos lahat ng gustong maisayaw siya. Karamihan sa mga sayaw niya'y si Benjie ang kapareha niya na nag-aakalang ang sandali niyang pagkawala'y dahil tinapos niya na nang pormal ang relasyon niya kay Jason.

When the party ended she was too tired to say
goodbye to the last guests. Ipinaubaya niya iyon sa mga magulang at kapatid. Pumanhik siya sa silid niya at sa kapaguran ay hindi na nakuhang mag-isip pa. Paglapat ng katawan niya sa higaan ay nakatulog siya kaagad.

"GUSTO ko iyong style mo ng pakikipag-break
mo kay Ichabod Crane, Charlize," si Collete nang magkita sila sa school. "May drama. Kaya nga lang napahiya si Ichabod nang hindi ka sa kanya makipagsayaw."

"Eh, ano. Alam naman niyang katuwaan lang
natin nang sagutin siya ni Charlize," segunda ni Gracia.

Napatingin si Charlize sa kaibigan. Kinumpirma
lang nito ang sinabi ni Jason na sinabi ni Gracia ang tungkol sa plano nilang magkakaibigan nang sagutin niya si Jason.

"So Jason is out, Benjie is in!" sigaw ni Collete.

Padabog na tumayo sa bench si Tiffany. "Alam
n'yo, hindi ko gustong pagsisihang na mga
kaibigan ko kayo!"

Nagsalubong ang mga kilay nina Gracia at
Collete.

"What's wrong with you, Tiff? Ikaw naman
sana ang may pakana nito.."

"At pinagsisisihan ko. At least, hindi ko
sinamantala ang kabaitan ni Jason. Di tulad ninyo ayaw n'yo sa kanya pero lahat ng pakinabang na maaari ninyong hingin doon sa tao 'y hiningi n'yo. Ano na nga ang tawag sa mga kamukha ninyo?"

Hindi nito hinintay na may sumagot. Hinawakan nito sa braso si Charlize. "Let s go, Charlize."

"Tinawagan ko siya buong maghapon kahapon, Tiff," she said worriedly, naiinis na nilingon sina Collete at Gracia na naghahagikgikan pa. "Laging wala ang isinasagot ng katulong..."

"Mamayang vacant natin, makikita mo rin
iyon. Don't worry."

TULAD ng sinabi ni Tiffany, nakita ni Charlize
ang kotse ni Jason sa parking lot. Naghihintay
Siya ng vacant period at talagang kakausapin niya ito. Pipilitin niyang maniwala si Jason na mana niya ito. Na bagaman totoong nagsimula iyon sa katuwaan ay natutuhan niya itong mahalin.

Nakipag-unahan siya sa mga classmates
sa paglabas pagkatapos ng klase. May thirty
minutes Siyang vacant period bago ang sunod na subject. Pupuntahan niya si Jason sa Business Administration building.

Nasa corridor na siya nang salubungin siya
ni Tiffany.

"Charlize, dali! Si Benjie at si Jason nagpang-
abot!"

"What?" Agad ang pagbangon ng takot sa
dibdib niya. "Saan sila naroroon?"

"Kung wala pa sila sa Dean's office ngayon,
baka nasa clinic pa." Hinila ni Tiffany ang kamay niya patungo sa clinic. "Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari pero sabi ng isang classmate kong nakakita, hinarang daw ni Benjie at ng dalawa nitong barkada si Jason nang lumabas ang huli sa Admin building. Una raw sumuntok si Jason, eh."

"Unang sumuntok?!" Hindi siya
makapaniwalang gagawin ni Jason iyon.
Lakad-takbo ang ginawa nila patungo sa clinic.

"Rambol na pagkatapos. Pinagtulungan na ng
mga barkada ni Benjie si Jason at kung hindi pa nga raw naawat ng dalawang guwardiya ay baka nagkasakitan nang husto," humihingal nitong sabi, nagsisikap na sabayan sa pagtakbo si Charlize.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon