CHAPTER 2

4.2K 101 1
                                    

"GUESS what, Charlize!" malayo pa'y excited
nang sabi ni Gracia.

"What?" Si Tiftany ang sumagot.
Vacant period ng magkakaibigan. Nasa concrete bench sila na nakapaikot sa ilalim ng punong akasya. Iyon ang tagpuan nilang magkakaibigan.

"Si Benjie!" kinikilig nitong sabi at naupo nang
pasalampak sa makapal na damuhan paharap kay Charlize.

"Kung ano man ang ibabalita mo tungkol kay
Benjie, Gracia, hindi ako interesado," pagtataray niya kasabay ng pagtaas ng kilay.

"OA mo talaga, Gracia," wikani Tiffany. "Ikaw
naman ang gustong i-date ni Benjie, ganoon ba?"

Nabaling ang tingin nito kay Tiffany. "Wrong
ka diyan! Pagkatapos ay muling hinarap si
Charlize at nagpagpatuloy sa sinasabi. "He asked me kung p'wede ko daw siyang tulungan sa iyo!"

Tiffany rolled her eyes. "Akala ko pa naman
ay ikaw ang gustong i-date kaya ka kinikilig. Ano ba naman ang exciting doon'? Alam naman nating lahat na head-over-heels iyon kay Charlize."

"Well, it's so exciting dahil kahit paano'y
nakausap ko siya nang malapitan." Lumabi pa ito. At sa nagmamalaking tinig ay idinagdag, "And take note, sa akin siya nagpapatulong, ha!"

"Hey, girls! Look who's coming'? ani Collete
na nakatingin sa lalaking nasa di-kalayuan at
papalapit sa gawi nila.

"Si Ichabod Crane!" bulalas ni Gracia.

The young man was tall and dark. Lalo pa itong nagmukhang mataas dahil kahit sa pagiging lanky nito ay tuwid kung tunmayo. At makatawag-pansin ito. Hindi dahil sa guwapo, kundi dahil nakakatuwa itong tingnan.

Naka-polo ng puti na hanggang leeg ang pagkakasara ng mga butones. At ang buhok ay nakasuklay patalikod na kung tingnan ay sinaunang ayos at nangingintab dahil sa pomadang nakalagay. Bukod doon ay nakasalamin ito at itim ang kulay ng frame.

Madalas nilang pagtawanan ang lalaki kapag
nakita nila itong nag-iisa o 'di kaya'y naglalakad. At karaniwan na kapag binabati nila'y gumaganti naman ng ngiti at lumalabas ang braces nito.

"Wow naman sa porma!" nakatawang sabi ni
Collete.

"Pustahan tayo, hindi maaaring hindi titingin dito iyan," ani Gracia na sinabayan ng hagikhik.

Alam ng lahat na may crush ito kay Charlize dahil hindi naman nito itinatago iyon.

"Sino naman ang pupusta sa iyo?" sagot naman ni Tiffany. "At tumigil na nga kayo. Nakakahiyang makita ni Jason na pinagtatawanan ninyo siya."

Si Charlize ay nakamata lang. Hindi malaman
kung ano ang iisipin o mararamdaman. Kung
matatawa o maiinis o maaawa sa lalaki dahil lagi na lang pinagkakatuwaan ng mga kaibigan. Kahit siya'y nahahawa na sa pangangantiyaw ng mga ito.

Tahimik si Jason. Laging nag-iisa. At kung may
kasama man ito ay ang nag-iisa nitong kaibigan, si Paul, na sa pagkakaalam niya'y may crush kay Tiffany. At ito rin mismo ang nagpaalam sa mga kaibigan niya na may pagtingin si Jason sa kanya.

Bukod kay Paul ay wala nang alam si Charlize
na malapit kay Jason. At alam niya ang dahilan
kung bakit mas pinipili nito ang mapag-isa.

Ang Coral Sea, lupaing pag-aari ng mga
Jacinto ay sumasakop sa pagitan ng San lgnacio at ng susunod na bayan, ang San Angelo. At kahit malayo iyon sa mismong bayan ng San lgnacio ay kilala ang mga Jacinto. Bukod pa roon, ang kapatid ng ama ni Jason na si Aurelia Jacinto ay retiradong teacher ng SIC. At marami sa mga tao
ang nakaalam sa iskandalong kinasangkutan ng pamilya nito.

Magmula rin noon ay lalong dumalang ang
pag-uwi ng ama ni Jason, si Felix Jacinto sa Coral Sea. Limang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari ang iskandalo sa pamilya Jacinto at limot na ng nakararami. Subalit hindi marahil si Jason who must have suffered the trauma.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now