CHAPTER 10

3.5K 97 1
                                    

BINAYBAY niya ang daan patungo sa Coral Sea Resort. At habang daan ay pinagsawa niya ang paningin sa paligid. Sa San Ignacio siya lumaki at nagkaisip. Ang sinundang bayan nito, ang Trinidad ay ginawa nang siyudad at halos industrial site na ang dalawang magkasunod na bayan.

Gayunma'y malayo sa commercial area ang bahay nila. At ang bahay nila'y nakatunghay sa pribado nilang beach. Subalit hndi siya nagsasawang pagmasdan ang nagtatayugang mga puno ng niýog.. ang asul na karagatan.. and the distant line of hills, red-gold in the brilliance of a setting sun.

She had never been in Coral Sea. Natatanaw
lang niya iyon mula sa talampas. Walang dahilan para magtungo siya roon dahil may private beach Sila. At ngayon lang niya na-realize kung bakit dinarayo ng mga turista ang resort na iyon.

Nagkalat ang mga wild orehids sa matatao
na puno. Ganoon din ang mga bulaklak-ouh
Bagaman two-way ang gravelled road ay makitid iyon. Nakatunghay sa daan ang matatayog na puno at mga damo na halos tumatakip na sa kalangitan Natitiyak niyang untouched pa ang bahaging iyon ng kagubatan sa propriedad ng mga Jacinto.

At pagkatapos ng tila-paraisong gubat ay
humantad sa paningin niya ang orchard. Hile-hilera ang mga punong-langka. Bawat puno'y hitik sa malalaking bunga na halos sumayad na sa lupa. Pagkatapos niyon ay ang mga puno ng cacao na naghihitikan din sa bunga.

At sa kabilang bahagi naman ng daan ay mga
puno ng mandarin. Ang mga prutas ay alam niyang pawang ini-export. At ang mga namamarkahan namang puno ng niyog ay natitiyak niyang macapuno.

May mga natatanaw siyang manggagawa na
nagbubuga ng insecticide. Ang iba'y nagpipintura ng puti sa bark ng mga puno ng prutas paikot. Hindi niya matiyak kung para saan iyon. It could be another form of insect repellant.

Nagmenor siya nang mapunang naghiwalay
ang daan. She read the signs, sa kanan ay ang arrow na nagtuturo sa mismong resort. Doon ay higit na mas marami ang naugtatayugang puno ng niyog.

And common sense dictated that she turned left. At hindi siya nagkamali. After more or less five minutes, sa kabila ng orchard, she saw the Coral Sea mansion.

Nakatayo iyon sa isang elevated na hindi kasing-moderno ng bahay ng mga lugar ng dela Serna, but it was as huge. Yari sa adobe ang dalawang palapag na bahay. Tisa ang bubong. The house was old and yet well maintained.

Ipinarada niya ang sasakyan sa ilalim ng isang8
punong-caballero. Others named it fire tree. At
mas angkop iyon dahil tila nag-aapoy ang puno sa mga pulang bulaklak. Bumaba siya ng kotse at lumakad sa gravelled pathway patungo sa bahay.

ISANG lalaking nasa early forties nito ang edad ang nagbukas ng pinto kay Charlize.

"Yes?"

"Maaari ko po bang makausap si Mrs. Jacinto?"

"Please come in.." He smiled at her. Iniawang
nang malaki ang pinto at nagpatiuna sa loob.
Sumunod siya.

"Make yourself at home, hija. Tatawagin ko
Si Ate Aurelia, Ako nga pala si Felix Jacinto, her
brother," pagpapakilala nito kasabay ng paglalahad ng kamay.

Hesitantly, she accepted his handshake. It was
firm, warm and friendly.

"I'm Charlize And... you' re Jason's father!" bulalas niya.

Isang banayad na tawa ang pinakawalan ng
nakatatandang lalaki. "Ahh, magkakilala kayo ng aking anak..."nakangiting sabi nito at pinagmasdan Siyang mabuti.

Charlize studied the old man. Wala kahit na
anong minana si Jason sa ama. Hindi ito kataasan at may katabaan nang kaunti. Habang laging seryoso si Jason ay tila nakapaskil na ang ngiti sa mga labi ni Felix Jacinto. While Jason was dark, mapusyaw
naman ang kulay ng ama nito.
Jason must have inherited his looks from his
mother

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang MahalWhere stories live. Discover now