CHAPTER 20

4.3K 102 4
                                    

"THIS is terrific!" bulalas ni Louie habang inisa-
isa ang mga kuha niya kay Jason sa beach.

"Wala akong itulak-kabigin. Why, you're really good, Liz. Look at his eyes, wow! He looked like a man so much in love. Kanino ba nakatitig si Jason dito?" Nilingon siya ni Louie, nanunukso ang mga mata. "Sabi ng staff ay hugis-puso ang mga mata ni Jason kapag nakatitig sa iyo."

"You are imagining things, Louie," she said
casually. Pagkuwa'y tumayo. Ini-lock ang drawer at dinampot ang bag. "Nasa typesetting na ang interview ko sa kanya. Nabasa mo ba?"

"Flawless. You're wonderful, chika!"

"I only prepared the questions, her secretary supplied the answer," sagot niya, trying
to hide the pain in her voice. "Uuwi na muna ako. Sumusumpong na naman ang migraine ko."

"Mabuti pa nga," sang-ayon ni Louie. "Nangi-
ngitim iyang ilalim ng mga mata mo. Hindi mo
kailangang mag-report bukas. Magpahinga ka."

Nasa labas na siya ng pinto sa huling sinabi ni
Louie. Tuloy-tuloy siya sa elevator.

NASA reception ng condominium building si
Dave nang dumating doon si Charlize. Agad na
sinalubong siya nito.

"Hi..." He was smiling at her.

"Hello, Dave," alanganing bati niya. Hindi
niya inakalang muli pa itong makikipagkita sa
kanya matapos ang pangyayaring datnan sila nito ni Jason sa unit niya.

"I called your office," wika nito habang
sinasabayan siya sa pagpasok sa elevator. "Pauwi ka na nga raw kaya dito na ako nagtuloy. I want us to talk, Charlize..."
"Of course."

"Forgive me, Charlize," simula nito at ibinaba
sa mesa ang kapeng ibinigay niya. "Masama lang ang loob ko... nasaktan ako sa nakita ko rito. Pero nakahanda akong kalimutan ang lahat..." Ikinulong nito sa mga palad ang kamay niya.

"Dave-"

"No, don't say anything yet," he stopped
her. "Nakita ko si Joram al'Zaim. He was very
attractive... hunk... at kahit sinong babae ay maaakit sa kanya. Not to mention his being a celebrity... and part-Filipino for that matter. Malaking plus iyon upang maakit ka sa kanya, Charlize. But you don't really love him... and he doesn't love you..."

But I love him... have loved him always, gusto
niyang isigaw iyon.

"What happened... if ever there was, was
a fleeting interlude. Let's start again, please.
Nakahanda akong kalimutan ang lahat. I love you, Charlize. I want to marry you..."

She couldn't say a word. Tinitigan niya si Dave.
Hindi ba at high school pa lang siya'y naghahanap na siya ng lalaking walang maipipintas ang mga kaibigan at mga kakilala niya?

Dave was picture perfect. Boyishly handsome,
gentle, bank executive, higit sa lahat, galing ito sa mabuting pamilya. She would be proud of him... Ano pa ba ang hahanapin niya?

I don't love him...

Si Jason? A two-timer bastard. He had no
scrupples. Pinaglalaruan lang siya. Nakabuntot
lagi ang iskandalo sa pamilya nito.

But I love him... I love him...

Hindi niya mapigil ang muling pagguhit ng
sakit sa dibdib niya. Isang linggo na magmula nang umalis siya sa San Ignacio subalit walang sandaling hindi si Jason ang laman ng isipan niya. Walang gabing hindi niya nakakatulugan ang pag-iyak.

At ipinagpapasalamat pa marahil ni Jason na
siya na ang kusang lumayo.

Pinukaw ng mahinang katok ang pag-iisip niya.

"Are you expecting someone?" tanong ni Dave.

Wala sa loob na umiling siya.

Tumayo si Dave at lumakad patungo sa pinto
at binuksan iyon. Bahagya lang itong nagulat nang makilala ang nasa labas.

SWEETHEART 9: Mananatili Kitang Mahalजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें