TBI 00: Prologue

2.6K 85 7
                                    

Note: WEEKDAYS update, 7:00 AM (unless stated otherwise). Enjoy reading, and see you soon!

•×•×•×•×•×•

[ P R O L O G U E ]

THE BREATH OF A NEW LIFE

Isang malutong na mura ang kumawala sa aking bibig ng tumama ang aking likod sa sementadong pader ng gusali. Napabuga ako ng hangin at marahas na napapikit ng madama ko ang sakit na dulot nito. Isa na namang malutong na mura ang pinakawalan ng aking bibig nang maramdaman ko ang marahas at magaspang na mga kamay sa aking leeg at tinaas akong muli para magpantay ang paningin namin.

A smirk creeped on my lips when his bloodshot eyes looked at me. It is evident from how his breathing sharpens and his eyes shrink at my figure that he is beyond what madness means. Pinaggigilan niya ako na parang isang stuff toy na hindi niya gusto. Kung isa akong manika ay matagal na akong sira at tanggal na ang mga parte ng katawan ko.

"You never listen to me, Selene," he fumed. "I warned you many times not to go against them?!"

Napangisi ako. I opened my mouth despite how hard it is for me to breathe at this state. I looked at him with a wide smirk crawling on my lips. "T-traydor ka."

"Alam mong sakim ang mundo, kaya hindi isang kataksilan ang maging katulad nito!"

Napabuga ako ng hangin ng bitawan niya ako. I cope my neck as I inhale air after losing more than what I could acquire. The man who choked me stepped out a few steps as he tried to calm himself down.

"Selene, you should have let me handle this!" he exclaimed again as he buried his hands on his hair, letting out his anger. "They have my trust, and I won't let this get wasted just because of you!"

I let out a snigger and stood up. Gusto kong magmura muli dahil sa sakit ng katawan ko. Kanina pa ako natatamaan ng mga suntok at sipa, at may daplis pa ako ng bala sa balikat.

"Do you think reprimanding me right now will save our butts, Captain?" I said. Muling nagtama ang aming mga tingin at pinadama ko gamit ang aking mga tingin ang galit at dismaya na nararamdaman ko para sa kanya. "Hindi ko na tatanungin kong bakit hanggang ngayon, wala pa ring concrete evidence na nakukuha ang pulisya sa taong ito dahil nasa istasyon ang espiya!"

"Lieutenant!" asik niya. "Lahat ng narinig mo kanina ay walang kabuluhan! Makinig ka sa akin—"

"Why would I listen to you?" putol ko sa ano mang dahilan na ilalabas niya. "You know this case is important to me, Captain. Alam mong gusto kong mahuli ang taong 'yon dahil sa lahat ng ginawa niya!"

"You can never match with that man, Lieutenant! Tingnan mo ang nangyari ngayon. They saw you, and I..." humina ang kanyang boses at humakbang paatras muli. "Just go, Selene. I should have excluded you in this case. Bereaved family should not meddle with police business."

"Too late, Captain. Ngayon na alam kong may kinalaman ka, maari kitang kasohan. You conspired with that corrupt Politician, and this is against our law!" Litanya ko. Tinuro ko siya gamit ang aking hintuturo. "Alam mong importante ito sa akin pero hindi ko kayang maatim na tinatago mo sa akin lalo na sa buong bansa ang hudas na 'yon! He killed a lot of people, he killed my sister! He deserves to be killed but the world has to see him rot in jail!"

"Selene! Hindi mo alam kung gaano ka-impluwensyado ang kinakalaban mo!"

"Oh, tapos? Dahil malakas ang koneksyon niya, imbis na gawin mo ang trabaho mo bilang pulis, nagiging asong ulol ka dahil ayaw mong ikaw ang piktusin niya!" pasigaw kong sabi. Ramdam ko ang pang-iinit ng aking mga mata dahil sa umuusbong kong galit. "Captain, give me the justice I've been longing for. Hindi lang ako ang may kailangan ng hustisya. Pinangako ko sa aking sarili na ako mismo ang hihila sa demonyong 'yon papunta sa kwadra kahit idamay man niya ako!"

✓ | The Borrowed Identity (Fate's Transgression Series, #4)Where stories live. Discover now