TBI 02: Identity

1.5K 60 4
                                    

[ Chapter 2: Identity ]

Selene | Selvyna

I've been in the forest for days. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko dahil sa kalalakad-takbo. Dumaan ako sa bayan na tinutukoy ng babaeng 'yon, pero hindi ko magawang manatili. Even if I wanted to rest, I end up lifting my ass and start to run for my life because I often hear voices that I don't recognize. In most cases, it's like an echo that I could hear loudly even when they are kilometers away.

Ang lakas ng pandinig ko kaya hindi rin ako makatulog ng maayos. It felt like this body is sensitive to sound. Kahit huni ng ibon, nagigising ako o maski kaluskus lang ng mga hayop, mukha na akong mawawalan ng malay sa takot at kaba. Hindi ko pa naman alam kung saan na ako papunta, at inako na lamang sa tadhana ang buhay ko. Wala akong maintindihan sa sitwasyon ko at kahit gusto ko na lang tumigil, parang mali rin naman kung gagawin ko 'yon.

Binagsak ko na lamang ang aking sarili sa isang malaking bato. For four days, all I could see were tall trees, bushes, damp soil, and even a few wild boars that made my soul jump out of my body.

Dala ng pawis, gutom, at lagkit sa katawan, mukha na akong ewan. Wala pa akong nakikitang ilog o batis man lang para makaligo at makainom ng tubig dahil parang mamamatay na ako sa uhaw. Pinipilit ko na lang talagang maglakad kahit mukha na akong tanga.

I still don't understand why I am here. Blanko ang utak ko at kahit gusto kong alalahanin kung sino ba ako o saan ako nanggaling, walang sagot na nilalabas ang aking isipan. It's like, I am an empty shell. Nothing makes sense, even my life.

At some point, the only thing that keeps me going is the phrase that I was left with. That voice told me to go to Jasmine Lake, and meet the Commander of the Blue Steel. Kung mabait lang sana ang babaeng 'yon at sinabi niya na rin kung saan ba ang daan papunta sa lugar na 'yon, wala na sana akong problema. I don't even know where I was going, let alone know where to find that freaking Commander.

Kahit frustrated ako, nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad, nagbabakasakali na may makita akong lawa at baka malay natin, 'yon na pala 'yong Jasmin Lake. Ang hopeful ko kahit mukha naman akong tanga mag-isa rito.

Agad akong naalerto ng may narinig akong sigaw. I looked around and wondered where that distressed voice came from, but I couldn't sense any movements around the area. Isa lang ang ibig sabihin, malapit lang sila pero hindi ko nakikita.

I tried following the voice. Habang papalapit ako ay lumalakas ang sigaw at dumadami ang naririnig ko. I hid over a huge log and peeked my head to see what was going on.

Is there a parade or something?

An array of villagers were walking in three columns. But the thing that struck my system with fear was that they were pushed to walk even when they were exhausted. Base sa suot pa lang, mukhang ilang araw na silang naglalakad. Marumi at madungis na silang tingnan.

Napako noman agad ang aking tingin sa mga naka-armor na damit. May metal silang helmet at may mga hawak na pamalo na siyang ginagamit nila para sa mga taong titigil at maapektuhan ang linya. I gasped when a man in metal suit suddenly hit an old man, and the people began to scream in panicked.

"Ayusin mo ang lakad mo!" sigaw ng taong pumalo sa kawawang matanda. "Walang titigil, walang magpapahinga. Ang lilihis sa utos ay mamamatay, kaya lakad, lakad!"

They were forced to walk again. Some people helped the old man and they resumed walking. Masyadong marami ang mga naka-metal na kasuotan, at bukod sa pamalo ay may nakausling espada sa kanilang mga bewang. Who the fuck are they?

✓ | The Borrowed Identity (Fate's Transgression Series, #4)Where stories live. Discover now