ONE :

48 2 1
                                    

FINNLEY

"NAK! Gising na, aba, dapat unahan mong tumilaok ang manok para maging maayos ang araw mo ngayon," pilit akong niyuyugyog ni Mama upang magising.

"Saan mo naman po nalaman ang kasabihang iyan," kusot-kusot ang mga mata kong bumangon saka humikab.

"Aba, edi d'yan sa tabi-tabi. Bilisan mo na riyan at para makakain ka na," nauna na siyang lumabas ng kwarto at ako naman ay nagtungo sa banyo upang maligo at magbihis.

Pagkatapos ay kaagad din akong nagtungo sa hapag upang kumain. Dalawa na lang kami ni Mama ngayon dahil maaga ang pasok ni Papa at ganun din si Ate.

Pasubo pa lang ako ng hawak kong tinapay ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kukunin ko sana ito upang tignan pero napatingin ako kay Mama at masama itong nakatitig sa akin.

"Sabi ko nga po, no phones allowed," isinawalang bahala ko na lang iyon at ipinagpatuloy ang pagkain.

"May mga kasundo ka na ba sa bago mong school?" out of knowhere, bigla siyang nagtanong about sa new school ko. Kakalipat lamang namin dahil nalipat dito si Papa. Actually, wala kaming permanenteng tirahan dahil kung saan idinidistino si Papa ay nakasunod kami sa kan'ya. Maging sa school ay palipat-lipat din ako.

"First time ka po ata magtanong ng gan'yan?" salubong ang kilay ko dito. Si Mama 'yong tipo na walang pakealam about sa nangyayari sa akin sa school. Kahit na mataas o mababa ang grades na nakukuha ko ay wala siyang pakealam dito. Alam ko naman daw ang limitasyon ko kaya hindi na niya ako pinapakealaman about sa pag-aaral ko.

"Masama bang magtanong? Aba, sige na at kumain ka ng kumain." Isinubo niya sa akin ang hotdog na hawak niya. Natawa na lang ako at nginuya ang isinubo niya sa akin.

Bumalik ako sa kwarto pagkatapos kumain at kinuha ang bag ko. It's already seven-thirty at mukhang male-late ako dahil hindi ko mahanap ang pares ng medyas ko.

"Matagal ka pa ba dyan? Anong oras na," sigaw ni Mama.

"Hinahanap ko lang po ang pares ng me- ok na po pala," kaagad kong isinuto ang pares ng medyas pagkatapos ay nagsapatos. Kung bakit ba kasi ako laging nawawalan ng pares ng medyas.

"Aalis na po ako." Tumakbo ako papalapit kay Mama at humalik sa pisngi nito.

"Ingat," tugon nito at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga plato.

Kaagad naman akong tumakbo palabas at naghintay ng masasakyan. Pasalamat na lang ako at may huminto kaagad sa harap ko. Almost fifteen minutes ang byahe papuntang school kapag walang traffic. Thirty minutes naman o lagpas kapag may traffic kaya sana hindi traffic ngayon.

Habang nagmumuni-muni ako ay tumunog ang cellphone ko. Bigla ko naman naalala na tumunog din ito kanina.

Nagsalubong ang mga kilay ko at tila idikit ko na sa mukha ko ang cellphone ko nang mabasa ang isang text message- a wrong message to be exact.

Dati bang bulag 'yong nagsend nito sa akin? Hindi lang isa, kundi dalawang message ang matanggap ko galing sa unknown number.

'Please let me fix our relationship, please,' paulit-ulit ko itong binabasa sa utak ko at hindi ko pa rin ma-gets bakit sa akin niya ito na i-send. '5 years, ganun mo na lang itatapon ang 5 years na pagsasama natin?' mga sumunod na message nito.

Napapakamot na lang ako sa batok ko at tila na ako mababaliw kakaisip dito.

"Iho! Bababa ka ba? Nandito na tayo sa school!" muntikan ko ng mahulog ang cellphone ko sa biglang pagsigaw ni mangong driver.

"Opo, bababa na," wala sa sariling sagot ko at saka bumaba ng jeep.

"Lutang moments!" saad ni Kiro-my classmate and bestfriend.

Pinanlisikan ko lang ito ng mata at natatawa siyang umiling-iling. Required ba talagang tawanan ang mga pagkakamali ng kaibigan? Hyst! Sarap nitong hanpasin ng dos por dos na kahoy.

"Alam mo bang five minutes na nakahinto 'yong jeep dito sa tapat ng school? Galit na nga si manong dahil hindi ka sumasagot. Ano nanamang bang dahilan at lutang ka ngayon?" natatawa pa rin ito at hindi nagpapatinag sa mga tingin ko.

"Paano ba naman kasi," panimula ko. "May nag-message kasi sa akin nito." Ipinakita ko ang mga message na natanggap ko.

"Hindi mo man lang ako nasabihan na may karelasyon ka pala at five years na kayo," kunwari itong nagtampo kaya hindi na ako nakapagpigil pa at binatukan ito. "Joke lang, 'wag ka namang mapanakit," maluha-luha nitong turan habang hinihimas ang batok.

"Kanina ko pa iniisip kaya 'wag ka ng dumagdag,"

"Pero, sa tingin mo, sino kaya ang tao sa likod ng mga numero na iyan?"

"Ewan, pero sana naman magkabalikan na sila at para hindi na sa akin napupunta ang message na ito, lagi atang lasing ang nagme-message at hindi niya napapansin na namali na siya ng pag-send."

"'Wag ka na masyadong mag-overthink dyan dahil male-late na tayo,"

"Takteng 'yan!" Tumakbo ako patungo sa room at ganoon din si Kiro. Bakit ba kasi ang daldal niya, pati tuloy ako nadadala sa pagkamadaldal niya.

Hingal akong umupo sa upuan ko at inilabas ang mga gamit ko. I took a deep breath at inayos ang uniform ko. Habang wala pa sana si Ma'am ay gusto ko sanang ihiga ang ulo ko sa mesa, pero biglang sumolpot si Kiro at mukhang dadaldalin nanaman ako nito.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Malamang hindi, kaya nga nandito ka para magbalita 'di ba?," bulalas ko.

"So, ayon na nga, this day raw darating ang bago nating kaklase," pagpapatuloy nito. "Sabi nila lalaki daw, pero sana naman babae, nakakasawa na kasi mga babae dito sa section natin,"

"Huy narinig ko 'yon! Akala mo naman kung sino kang pogi, para ka lang naman unggoy," singit ng president naming babae.

"Sinong unggoy?" Nilapitan ni Kiro ang presedente namin. Hinayaan ko na lang silang mag-asaran at sa pangalawang pagkakataon ay ihihiga ko na sanang muli ang ulo ko nang bigla namang pumasok si Ma'am. Kasunod naman nito ang isang lalaki.

He's tall, had a pointy nose, had a pinkish lips and a dark brown eyes. Tindig pa lang niya ay hindi na mapakali ang mga kaklase kong babae. Para silang bulate na binudburan ng asin sa sobrang likot para lang mapansin sila.

"Girls! Ano ba 'yan? Kababae niyong tao tapos gan'yan kayo, magsitigil nga kayo," sita ni Ma'am na naging dahilan para tumahimik ang lahat. "Sige iho magpakilala ka na,"

"Hello, I'm Gheric Flestado, from University of Riverwood and I will be your new classmate from now on. Nice meeting you all,"

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now