THIRTEEN :

5 0 0
                                    

FINNLEY

"Then tell him na gusto mo rin siya," Tyron said while holding my hand.

"Pwede mong sabihin yan na hindi hinahawakan ang kamay niya," saad naman ni Markus at tinanggal ang kamay ng partner niya sa akin.

"Lagi ba siyang ganyan?" bulong ko kay Tyron na mukhang narinig din ni Makurs.

"Yeah. This guy is super seloso!" He pinched Markus' cheek.

How I wish na ganito rin kami ni Gheric.

"Mauna na ako sa inyo, may class na ako, nice meeting you both." Tuamayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at kinuha ang bag na inilapag ko sa swing.

Buo na ang desisyon ko. Aamin ako na ako kay Gheric.

Pagpasok ko sa room ay kita ng dalawang mata ko na nakasandal ang ulo ni Violet sa balikat ni Gheric.

Ito pa talaga bubungad sa akin? Like f*ck!

Padabog akong umupo sa likod nila at hindi sinasadyang masipa ang inuupuan ni Violet. Lumingon siya sa akin at ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkainis.

"Who do you think you are?" saad niya. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya ay kanina pa ako nakabulagta dito.

"I'm sorry hindi ko sinasadyang masipa, go, tuloy niyo lang yang landian niyo," I make a fake smile.

Tumayo si Gheric at lumapit sa katabi ko.

"Tumayo ka," utos niya sa katabi ko.

"Hayaan mo siya." I grab his shoulder at pinabalik sa pagkakaupo. "Bakit ka pa lilipat ng upuan? Hindi ba ang saya-saya niyo lang kanina? You look like a couple, gosh so sweet,"

Siya na mismo ang nagbuhat sa lalaki at inilipat ito sa tabi ni Violet saka siya umupo sa tabi ko.

"Bakit ka ba nandito?" pagtataray ko dito. Hindi siya nagsalita bagkus ay hinawakan niya ang ulo ko saka niya inihiga sa balikat niya.

"Ikaw lang ang may karapatang magpahinga sa balikat ko, wala ng iba," saad niya dahilan para matigilan ako. Maya-maya ay may kinalikot siya sa bag niya. Inilabas niya ang isang box at ibinigay sa akin. Kinuha ko ito at binuksan.

"Panda!" muntikan na akong magtatalon sa tuwa ng makita ang keychain na panda.

"The moment na nakita ko yan ay ikaw agad ang nasa isip ko,"

"Paano mo nalaman na gusto ko ang panda?"

"Iyan ang isa sa gusto kong sabihin. Fin I'm-"

"Good morning class!" Nagsitayuan ang lahat pagpasok ng teacher namin. "Please turn you books to pages 276..."

Nakalimutan ko na dapat ay may sasabihin si Gheric sa akin pero hindi natuloy. Lumingon ako sa kanya, pero nang makita kong nagbabasa siya ay hindi ko na muna siya inabala.

Nagbasa na lang din ako at itinuon ang atensyon sa binabasa.

"Ops! Sorry," napatayo ako ng mabasa ng tubig ang librong binabasa ko. Tinignan ko kung sino ang may gawa and it's Violet.

"Sir sorry, bigla po kasi akong na-out of balance kaya natapunan ko ng tubig ang libro ni Mr. Velasco," pabebe nitong saad.

Dali-dali ko namang pinagpag ang libro ko at inilagay ito sa bintana unag maarawan.

"Mag-ingat ka na lang sa susunod Ms. San Miguel,"

"Yes Sir!" bumalik siya sa upuan niya at sumulyap sa akin ng para ngisian ako.

What the heck is her problem? May saltik ba siya sa ulo?

"Sino pwedeng mag-share ng libro kay Mr. Velasco?"

"Here, tapos na rin naman ako magbasa." Inilapag ni Gheric ang libro niya sa mesa ko. Muli akong napatingin kay Violet at tila na siya sasabog sa galit.

Bumalik ako sa upuan ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

After naming magbasa ay nagsimula ang teacher namin sa pag-di-discuss.

AFTER an hour of listening to our teacher ay medyo na gutom ako kaya nag-ayos na ako ng gamit para makapunta na sa Cafeteria. Ibinulsa ko na rin ang bigay ni Gheric na keychain para hindi ito mawala sa akin.

"Sa cafeteria ka?" tanong ni Gheric.

"Yes," pagkatapos ko iligpit gamit ko ay bigla akong hinila ni Violet palabas ng room. Dinala niya ako sa garden at itinulak ako sa mga damo.

"The heck Violet!" sigaw ko.

"Alam mo ba kung anong ginagawa mo? You don't know me Mr. Velasco. I can be wild like a lion,"

"Then go, I'm not afraid,"

"You're what? Oh, you're not afraid, I see." Lumapit si sa akin at ginawaran ng isang malakas na sampal. Napalingon pa ako sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal niya. Hindi ako agad naka-react sa ginawa niya. "Now, sabihin mong hindi ka takot sa akin,"

Napahawak ako sa pisngi ko at doon ko nararamdaman ang hapdi ng pagsampal nita. Bumalik ako sa reyalidad at tumingin kay Violet.

Tumayo ako at nang lalapitan ko na sana si Violet ay may dalawang lalaki ang biglang lumabas at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Pilit nila akong pinaluhod at dahil mas malakas sila sa akin ay nagtagumpay silang paluhurin ako.

"I forgot to tell na may kasama pala ako. Kahit na bakla ka, alam kong mas malakas ka pa rin kaysa sa akin." Lumapit siya ulit sa akin at sinabunutan niya aki upang itaas ang tingin ko sa kanya. "Anong pakiramdam? Wala pa ito sa kaya kong gawin kaya stay away from Gheric. Hindi niya deserve ang isang gaya mo,"

Napadaing ako sa sakit nang sipain niya ako sa sikmura. Binitawan na ako ng dalawang lalaki at tuluyan silang umalis at naiwan ako dito na nakalupasay habang hawak-hawak ang sikmura.

Nang umayos na ang pakiramdam ko ay umupo ako sa may swing. Siguro ay maghihintay na lang ako dito na matapos ang break namin.

Muli kong hinawakan ang pisngi ko at ramdam ko pa rin ang hapding dulot ng pagsampal ni Violet. Ganun na lang ba ang pagkahumaling niya kay Gheric at nagagawa niya ang mga ganitong bagay?

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.

'Nasaan ka?' It's from Hamster.

'Nandito ako ngayon sa garden ng school namin,' I replied.

'Please wait for me,' he replied back. Napa "huh?" ako dahil sa reply niya.

Maya-maya ay ramdam kong may kung sino sa likod ko. Paglingon ko ay napakunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kumusta, Panda? It's me Hamster,"

Napatayo ako at nabitawan ko pa ang cellphone ko dahil sa narinig.

"Ikaw si Hamster?"

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now