TEN :

5 1 0
                                    

FINNLEY

"Ano bang meron sa inyo ni Gheric?" Napalingon ako nang may biglang nagsalita.

"What do you mean?"

"Are you gay?"

"Hindi kita maintindihan," dahan-dahan siyang lumalapit sa akin kaya paatras  ako ng paatras hanggang sa nakapasok na kaming library.

Hinatak niya ang braso ko at inilapit ang kanyang mukha sa aking taenga. "Hindi ka ba natatakot sa mga ginagawa mo? Isa kang bakla, isang kasalanan sa mata ng tao at lalo na sa mata ng Dios,"

"What the heck is your problem?" Hindi ko sinasadyang maitulak siya na lalo niyang ikinagalit.

"Pumili ka ng taong babanggain mo," huli niyang sinabi bago siya tuluyang umalis.

"Ano problema nun?" tanong ko na lang sa sarli ko at napailing-iling. Kabago-bago hanap agad ang gulo.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at kumuha ng libro. Hindi para basa kundi para gamiting panakit sa cellphone. I just missed Hamster.

'Hello, busy?' I sent a message.

'Hello Panda, hindi naman, why?' his reply.

'Just want to ask for advice,'

'Spill the tea,'

'I have this two friend na parehong may gusto sa akin and I don't know kung paano ko malalaman kung sino sa kanila ang sasagutin ko,'

'Hindi pala madali ang problema mo, pero ang masasabi ko lang ay makiramdaman mo. Kapag kasama mo silang dalawa ay pakiradaman mo kung sino ba sa kanila, pakiramdaman mo kung may sparkl ba kapag kasama mo ang isa sa kanila,' Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa at bahagya itong minasahe.

"Ano bang gagawin ko?" tanong ko sa sarili. Tila ako mababaliw ng dahil sa kanilang dalawa.

Tumunog na ang bell kaya mabilis akong lumabas ng library at nagtungo sa room.

Agad kong nakita si Violet naasama ang tingin sa akin. Mukhang ipinanganak siya sa sama ng loob.

Umupo ako sa tabi ni Gheric at kasabay nito ay ang pagbigay ng isang sandwich.

"Nakita kita kanina na nagpunta sa libray, paniguradong hindi ka pa kumakain," saad niya habang nasa libro ang atensyon.

"Thank you na lang pero hindi ako gutom,"

"Take it or I'll kiss you in front of our classmates?"

"Sabi ko nga kukunin ko na. Gutom kasi talaga ako." Inilagay ko muna ito sa ilalim ng mesa ko nang dumating ang teacher namin. Siguro ay mamaya ko na lang kakainin.

Napalingon ako kay Kiro at saktong nakatingin din siya sa akin. Nginitian ko siya pero mukhang nakokonsensya pa rin sa nangyari sa akin kahapon. Kahit anong pilit ko kanina na ok na ako ay pilit din niyang sinisisi ang sarili niya.

"Paano kung i-turn down kita at si Kiro ang sagitin ko," napatigil si Gheric sa ginagawa niya.

"Wht do you mean? Mahal mo ba siya? O baka awa lang yang nararamdaman mo para sa kanya?"

"I don't know, Gheric, nahihirapan na talaga ako," hindi na ako nakapag-focus sa lesson pero nanatiling sa harap ang tingin ko.

Hinawakan ni Gheric ang kamay ko.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko kay Gheric. Pareho silang importante sa akin.

"Sa akin ba?" Napalingon ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Wala ka bang nararamdaman sa akin?" natigilan ako.

Bakit ba niya lalong ginagawang mahirap para sa akin ang lahat? Bakit ba gusto kong sabihin na mahal ko siya pero hindi ko magawa? At bakit siya pa ang gusto ng puso ko? Kung bakit ba kailangan ko pang mamili sa kanilang dalawa.

"Gusto din kita,"

"That's all for to day class, good bye," lahat sila ay tumayo maliban sa akin. Paglabas ni Ma'am ay muling umupo si Gheric.

"Anong sabi mo?" Hindi niya na rinig. Pero mabuti na rin iyon. Saka na lang din siguro ako aamin sa kanya.

"Sabi ko salamat sa sandwich, mauna na ako." Tumakbo ako palapit kay Kiro at binatukan ito.

"Bakit ba ganyan ka pa rin makatingin sa akin?" tanong ko dito at ginulo ang buhok niya. "Wag mo na intindihin yong kahapon,"

"Pero kasi-"

"Pwede ba akong sumabay sayo?"

"S-Sure," sagot nito na ikinatuwa ko.

Bago pa kami makalabas ni Kiro ay sumulyap muna ako kay Gheric na dapat ay hindi ko na lang ginawa. Dahil nakita ko sila ni Violet na magkayakap.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Ito na ba ang sinasabi nilang selos? Dahil kung ito nga ay hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Ayoko ko itong maramdaman lalo pa't wala naman namamagitan sa amin ni Gheric.

"Tara na?" dahil sa nakita ay nakalimutan kong kasama ko pala si Kiro. "Bakit? May problema ba?"

"Wala, wala." Hinatak ko siya palabas.

Pagsakay namin sa sasakyan ay hindi ko pa rin maiwala sa utak ko ang mga nakita ko.

They looks like couple.

"Yes, in fact I'm his ex-" bigla kong naalala ang sinabi ni Violet. Paano kung magbalik ang nararamdaman ni Gheric kay Violet? Paano na lang ako?

'What the heck, Fin? Nag-iisip ka talaga ng mga ganitong bagay? Ang dapat na pagtuunan mo ng atensyon ay ang pag-aaral mo!'

"Kanina ka pa tulala,"

"Huh?"

"Ang sabi ko kanina ka pa nakatulala dyan, hindi mo ba alam na kanina pa tayo nandito sa labas ng bahay niyo?" Tumingin ako sa labas at tama nga siya. Ibig sabihin sa ilang minuto naming byahe ay nakatulala lang ako sa kawalan?

'Damn! Nakakahiya ka Finnley!'

"Ohh, sorry, sorry, may iniisip lang about sa topic kanina,"

"Topic ba kanina o dahil sa nakita mo bago tayo umalis?"

"Huh?" kumunot ang noo ko. Naging seryoso ang mukha niya kaya bigla akong kinabahan.

"Kilala kita Fin, simula pa noong bata tayo ay nababasa ko na ang mga kinikilos mo. At alam kong apektado ka sa nakita mo kanina,"

"Nakita mo rin pala sila?"

"Yes, and based sa kinikilos mo ay mukhang nagseselos ka,"

"S-Selos? Nagpapatawa ka ba?" Awkward akong tumawa para pagaanin ang atmosphere.

"Don't make me stupid, Fin. Umamin ka nga sa akin. Gusto mo ba si Gheric?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" muli akong tumawa at guguluhin sana ang buhok niya nang hawakan ni ang kamay ko.

"I'll ask you once again. Gusto mo ba- ay mali. Mahal mo na ba si Gheric?" may namuong butil ng tubig sa mata niya kaya napayuko ako. Hindi ako makapagsalita. Nanatiling tikom ang bibig ko.

"Fin, please answer me. Mahal mo na ba siya kaya hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako sinasagot?"

"Kiro." I put my hands on his face para punasan ang mga luhang lumalandas dito. "Please don't make it hard for me,"

"Just answer my fucking question, Fin! Please!" sigaw nito.

"Sorry Kiro,"

"So that means yes? Mahal mo na nga siya,"

"Kiro please,"

"Good for him," he laughed. "I think hanggang dito na lang ang panliligaw ko sayo, Fin." Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalis niya sa mga pisngi niya. He kissed it at ibinalik sa akin. "I'm now letting you go. Be with him, say your feelings before it's to late,"

"I'm sorry Kiro,"

Humawak siya sa batok ko at inilapit niya ang noo ko sa labi niya at hinalikan ito. "It's ok Fin,"

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now