TWENTY :

5 1 0
                                    

FINNLEY

KAHIT na hindi na itinuloy ni Gheric ang kaso sa akin ay ang mga magulang naman ni Violet ang nagkaso sa akin. Galit na galit sila sa akin ng makita ako. Kung nakakamatay lang ang mga tingin nila ay kanina pa ako walang buhay dito.

Kahit na anong paliwanag ko sa mga nangyari ay walang naniniwala sa akin. Keso wala naman daw akong proweba sa mga sinasabi ko.

"Sino ang magpapatunay na may kumuha sa iyo at tinakpan ang mukha mo ng panyo na may pampatulog?" tanong sa akin ng lawyer nila Violet.

"Maglalakas ba ng loob iyong kumuha sa akin kung may nakakita hindi ba?" sagot ko dito.

"At anong proweba mo na isinakay ka sa isang kotse at binangga ka ni Violet?"

"I don't onw the car," panimula ko. "Hindi ba kahina-hinala na nasa loob ako ng kotse na hindi ko naman pagmamay-ari?"

"Hiniram mo ito, hindi ba? At narito ang taong pinaghiraman mo ng kotse," nanlaki ang mata ko. Saang lupalop sila kumuha ng tao para magkunwari na pinaghiraman ko ng kotse?

"Opo, siya po yong humiram sa akin ng kotse dahil may plano raw siyang maghiganti, hindi ko naman alam na ito pala ang gagamitin niya para sa krimen na ginawa niya-"

"Sinungaling ka!" sigaw ko. Napatayo ako at akmang susugurin siya ng awatin ako ng lawyer ko. Wala akong kilalang lawyer kaya pasalamat ako ng may Tito si Kiro na lawyer. "Paano mo naaatim na magsinungaling?" sigaw kong muli.

"Hindi ako nagsisinungalin! Hiniram mo ito sa akin, pasalamat ka na nga lang at hindi kita kakasuhan dahil sa pagsira mo sa kotse ko!"

Arg! Kung hindi lang ako pinipigilan ay baka kinalbo ko na ito dahil sa galing niyang magsinungaling. Magkano ba ang binayad sa kanya para gawin ang ganitong bagay?

Napasilip ako kay Violet at nakatingin din pala ito sa akin. Bigla itong ngumisi at inihiga ang ulo sa balikat ni Gheric. This bitch!

Umupo ang lalaking sinasabi nila na hiniraman ko ng kotse sa tabi ni Gheric. Kumalma na ako kahit papaano at ipinagpatuloy nila ang pagtanong sa akin ng kung anu-anong bagay.

Nang matapos ang kampo nila Violet sa pagtatanong sa akin ay ang lawyer ko naman ang tumayo at siya naman ngayon ang magtatanong kila Violet.

"Nasaan ka bago maganap ang aksidente?" paunang tanong ng lawyer ko.

"Nasa bahay ako, naisip kong dalawin si Gheric kaya ako lumabas at nag-drive papunta kila Gheric pero hindi ko inaasahan na babanggain ako ni Finnley,"

"Ano sa tingin mo ang motibo niya para gawin ang bagay na iyon?"

"Malaki ang galit niya sa akin dahil mas pinili kami ni Gheric kaysa sa kanya. Yes you all heared it right, nagkaroon sila ng relasyon. At mas lalong tumindi ang galit niya ng magkaanak kami ni Gheric,"

Narinig kong humikbi si Mama sa likod. Napasilip ako dito at hindi ko maiwasang maluha. Bahagyang tinapik ni Ate ang balikat ko para palakasin ang loob.

"Totoo ba ang akusa ni Miss San Miguel sa 'yo Mister Velasco?"

"Hindi, dahil ang totoo ay nagparaya ako para sa magiging anak nila. Ako pa mismo ang nagtaboy kay Gheric sa akin dahil alam kong mas nangangailangan sila Violet ng suporta kumpara sa akin," sagot ko.

"Sinungaling ka! Ang sabihin mo gusto mo lang ulit na makuha sa akin si Gheric kaya plinano mong banggain kami ng baby ko! Ngayon wala na ang baby namin, ano? Masaya ka na ba?" galit itong dinuro-duro ako. Inutusan siya ng judge na tumahimik at sumunod naman ito.

"Ilabas na ang alas," rinig kong saad ni Kiro sa cellphone niya. Napatingin ako sa lawyer ko at may suot ito sa taenga na kung ano at bigla na lang itong tumingin sa amin at tumango.

"Ayoko ng patagalin itong kaso," saad ng Tito ni Kiro, which is my lawyer. "Pumasok na kayo." Bumukas ng main door nitong kwarto at pumasok ang dalawang lalaki na nakatakip ang mga mukha ng isang puting maskara. Naglakad sila patungo sa harap dala ang isang laptop. Kumuha sila ng upuan at ipinatong dito ang laptop. May mga kung ano silang ginawa at maya-maya ay may video na nag-play. Mukhang naka-connect ang laptop sa speakers na nakakabit sa bawat sulok kaya rinig ng lahat ng mga nangyari.

Biglang napatayo si Violet at balak sanang ihinto ang video nang pigilan siya ni Gheric at muling pinaupo.

Lahat ng mga nangyari sa akin ay nakunan ng video. Simula nang may nagtakip ng panyo sa mukha ko hanggang sa paglagay sa akin sa kotse para pagmukaing kasalanan ko ang lahat.

Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko. I'm so thankful sa dalawang lalaki na kumuha ng video. Ngayon ay hindi na matutuloy ang kaso sa akin.

Nagdeklara ang judge na sarado na ang kaso dahil sa ibedensya na ibinigay ng dalawang lalaki. Tinanggal na nila ang posas sa kamay ko at ang ngayon naman si Violet na ang pinosasan nila. Anakay na siya ng mga pulis at inilabas ng korte. Marami na rin ang umalis at iilan na lang kaming naiwan.

Nilapitan ko ang dalawang lalaki at niyakap. Hindi ko na napigilan ang luha ko at bigla na lang itong bumuhos.

"Salamat sa inyo," pagpapasalamat ko. Nang nawala ang ibang tao ay inalis nila ang kanilang mga maskara. Nagulat ako ng sina Markus at Tyron pala ito.

"Pasensya ka na at hindi ka namin natulungan at ang tangi lang namin na nagawa ay mag video," paghingi ng tawag ni Tyron. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanila.

"Ako nga dapat ang magpapasalamat sa inyo, dahil kung hindi dahil sa video niyo at baka nakulong na ako,"

"The good thing ay sa garden ka nagpunta. Kinutuban na ako nang makita ko ang lalaking pumasok din sa garden kaya kumuha na ako ng videos," saad naman ni Markus.

Muli akong yumakap sa kanila. Mabuti na lang at nandoon pala sila ng may kumuha sa akin.

"Paano? Mauna na kami sa inyo, may kailangan pa kaming puntahan," paalam nila. Muli nilang isinuot ang puting maskara at umalis.

"Salamat din sa inyo," Bumaling naman ako kayla Kiro at sa Tito niya para magpasalamat.

"Walang anuman, siya, mauuna na rin ako," paalam din ng Tito ni Kiro. Tinapik niya pa ng bahagya ang balikat ko. "You're a fighter, now fight for your love," pahabol niyang saad bago umalis. Tinignan ko lang ito hanggang sa nawala na sa paningin ko.

Anong ibig niyang sabihin na fight for my love?

Iwinaksi ko ang pag-iisip sa sinabi ng Tito ni Kiro at lumapit na ako kayla Mama at sabay-sabay na kaming lumabas. Paglabas namin ay si Gheric agad ang bumungad sa amin.

"Can we talk?" he asked.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now