FIVE :

8 1 0
                                    

FINNLEY

"SA DAMING issue ng Pilipinas sumali pa itong babaeng ito? And who's this girl anyway?"

Isang babae ang nag-cheat sa kan'ya boyfriend at ipinagpalit ito sa isang sikat na artista, not knowing na ang artistang iyon ay sanggot sa samo't-saring iligal na gawain. Lumuwas siya ng Pilipinas upang magpabango ng pangalan at mawala ang issue at ngayon ay bumalik siya upang itama kuno ang kan'yang pagkakamali at bumalik sa taong unang tumanggap at nagmahal sa kan'ya.

The question is tatanggapin pa kaya siya ng lalaking tinutukoy niya?

The bell rang at kaagad naman akong nag-ayos para bumalik sa room. Ang akala ko ay nakabalik na si Gheric sa room pero nakita ko pa siyang nasa pinto at mukhang may hinihintay. Ayoko man sanang magpakita sa kan'ya ay wala akong choice dahil iyon lang ang pinto na pwedeng labasan.

"Why you're still here? Hindi mo ba narinig ang bell?" I asked without looking at him. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya napatingin ako rito.

"I'm very sorry sa mga nasabi ko kahapon,"

"Gaya ng sabi ko, kay Kiro mo ito sabihin, he's afraid na may kumalat na ganung chismis dahil nag-iisa siyang anak nila Tito at mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya para lang maging karapatdapat siya sa pamilya niya,"

"Sorry talaga, hindi ko alam,"

"Yeah, hindi mo alam at wala kang alam sa buhay namin,"

Kumaripas ako ng takbo dahil maaaring nasa room na si Ma'am. At hindi nga ako nagkamali.

"Mister Velasco? Why are you late?"

"I'm sorry po Ma'am something happened lang po sa library,"

"Just take you seat,"

"Thank you po," dali-dali akong umupo at nag-focus sa lecture ni Ma'am. Natapos na lang mag-lecture si Ma'am ay wala pa rin si Gheric. Palinga-linga na ako sa pinto, hinihintay na pumasok siya.

"Mister Velasco,"

"Yes Ma'am?"

"Tapos ka na sa activity mo? Bakit palinga-linga ka sa pinto? Uwing-uwi ka na ba?"

Bakit ba ako laging nakikita nito ni Ma'am?

"Hindi po Ma'am, akala ko lang po may dumadaan" pagsisinungaling ko. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa activity sheet ko at sinagutan ito.

After a minute ay lumabas na si Ma'am at dahil fifteen minutes ng wala ang next teacher namin nagsisiwalaan na ang mga classmates ko na para bang nasa wild.

We have a fifteen minutes rule, once na ma-late ang teacher namin ng fifteen minutes ay pwede kaming lumabas or magpunta kung saan. But ofcoure in just one hour.

Kaagad naman akong nagpunta sa library para hanapin si Gheric pero wala siya doon. Nagpunta na rin ako sa mga lugar na pwede niyang puntahan pero wala rin siya. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang ilang estudyante na nakatingin sa taas. Hindi ko na rin napigilan na makiisyoso at doon ko nakita si Gheric na nakatayo sa pader ng rooftop. Hindi na ako nagdalawang isip na akyatin siya.

Ano ba pumasok sa isip niya gagawin niya ang bagay na iyon? Pero gagawin niya ba?

Pagkatapak ko sa rooftop ay hapong-hapo na ako pero pinilit ko pa ring makarating sa kinaroroonan ni Gheric. Kaagad ko siyang hinablot palapit sa akin kaya gumulong-gulong kami at tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay.

"Are you ok?" Alalang tanong nito.

"I'm ok- ugh!" Kinarga niya ako na parang bagong kasal at kaagad tumakbo pababa.

"Magsitabi kayo!" Sigaw pa nito habang tinatahak namin ang hallway patungo sa clinic. Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin at nakaramdam ako ng kakaiba.

"Nurse, pwede niyo po ba siyang matignan?" Inilapag niya ako sa isang higaan.

"Anong nangyari sa kan'ya?" the nurse asked habang tinatanggal ang suot na gloves.

"I think tumama ang likod niya sa bakal na nasa may rooftop," si Gheric na ang sumagot dahil shock pa rin ako sa nangyari, ni ibuka ang bibig ko ay sumasakit na ang likod ko.

"Let me check his back." Itinaas nila ang damit ko upang suriin. "May mga gasgas at unti-unti na rin itong nagpapasa. Kailangan natin siyang turukan ng anti-tetanus vaccine at kailangan niya ng cold compress." Dahan-dahan nilang ibinaba ang damit ko at kaagad na kumuha ang nurse ng ice bag. Nilagya niya ito ng yelo at ibinigay kay Gheric. Kaagad namang nagpunta sa likod ko si Gheric at idinampi ang hawak niya sa likod ko.

"Ack! Dahan-dahan lang,"

"Sorry,"

"Bale anti-tetanus lang ang ibibigay ko ngayon, kailangan pa rin niyang magpunta sa doktor para matignan at mabigyan ng mga gamot." Itinaas ng nurse ang hawak ng syringe at sinipat-sipat ito. "Pataas ng sleeve niya," agad naman sinunod ito ni Gheric at itinaas ang sleeve ko. Pinunsan ito ng nurse ng bulak na may alcohol at maya-maya pa ay itinurok na sa akin ang syringe na hawak niya.

Nang matapos ako turukan ng anti-tetanus ay iniwan na kami ng nurse dahil may bagong pumasok. Tamang muni-muni lang ako nang biglang napadiin sa pagdampi si Gheric sa likod ko.

"A-Ack! Masakit 'yon ah," daing ko.

"Ano ba kasing pinaggagawa mo at bigla kang sumulpot sa roftop para hatakin ako?"

"Para pigilan ka sa gagawin mo,"

"Ano naman gagawin ko? Nagpapahangin lang naman ako roon,"

"Hindi ka tatalon? Hindi ka magpapakamatay?" bigla itong tumawa.

"Ako? Tatalon doon? Sayang naman ang kagwapuhan ko kung tatalon na lang ako doon, saka wala sa isip ko ang magpakamatay,"

Hindi na ako sumagot pa dahil sobra-sobrang kahihiyan na ang natanggap ko. Ang buong akala ko talaga ay magpapakamatay siya. Totoo nga ang kasabihang . . .

'Maraming namamatay sa maling akala,'

"Gheric,"

"Uhmm?"

"Nevermind,"

"Spill it,"

"Thank you,"

"No worries basta ikaw,"

"Nagkaroon ka na ba ng mgakaibigan dito?" out of nowhere ay biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon.

"None," tipid nitong sagot at muli kaming nabalot ng awkward na katahimikan.

"Kung ganun tinatanggap ko na ang pakikipagkaibigan mo sa akin,"

"Talaga?" Muling napadiin ang pagdampi niya sa likod ko kaya siningkitan ko siya ng mata. "Sorry, pero seryoso? Ok na sa 'yo na maging makaibigan tayo?"

"Kung ayaw mo edi babawiin ko na,"

"No, no, that's not what I mean, but thank you,"

"Fin!" Umalingaw-ngaw sa bawat sulok ng clinic ang isang pamilyar na boses.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now