TWENTY ONE :

5 1 0
                                    

FINNLEY

PINAUNA ko na sila Mama sa bahay at iniwan na kami ni Gheric. Hinila naman niya ako palabas ng gusali at isinakay sa isang sasakyan. I guess it's his car. Nakita ko ito nung nagpaturo ako sa kanya sa bahay nila. Pero bakit mas pinipili niyang mag-van kaysa gamitin ang kotse niya?

"I'm sorry, hindi ko namalayang pinapaikot lang pala ako ni Violet," he sincerely apologize. I touch his face and wipe his tears.

"No need to apologize." Idinikit ko ang aking noo sa kanya. Unti-unting nagdidikit ang aming mga labi na tila ba meron itong magnet.

I just fond myself na hinuhubaran si Gheric kaya napahinto ako. Masyado na ata akong madala ng emosyon ko.

"S-Sorry," saad ko at inayos ang sarili. Muli niya akong hinarap sa kanya at hinalikan ako.

"I love you, Finnley,"

"I love you too, Gheric,"

"Let's continue?" mapangakit ang kanyang boses kaya mahina ko itong hinampas. "What?"

"Tumigil ka nga," sita ko pa dito. "Ang mabuti pa ay ihatid mo na lang ako gamit itong tinatago mong sasakyan,"

"Yes sir!" Sumaludo pa ito bago tuluyang buhayin ang makina.

Pagdating ko sa bahay ay may mga pagkaing nakahanda. Ano bang meron? Hindi naman siguro sila maghahanda ng ganito karaming pagkain at mag-de-decorate ng bahay ng dahil lang napanalo namin ang kaso.

Agad kong hinanap sila Mama pero hindi ko ito makita. Sa pagkakaalam ko ay ipanuna ko na sila dito? Hindi kaya may nangyari na sa kanila?

Binuksan ko ang pinto para sana lumabas at hanapin sila Mama pero pagbukas ko ay sinalubong nila akong lahat at pinasabog ang confetti. Nahati sila at naiwan sa gitna si Gheric dala ang isang cake.

"Happy birthday to you~" kanta nila. I shit! I forgot my birthday. Bakit sa dinamirami kong pwedeng kalimutan ay ang birthday ko pa?

Nang matapos silang kumanta ay pinahipan sa akin ang cake at agad ko naman itong sinunod.

"Anong wish mo?" Ate asked me.

"Wish? What wish?" nagtatakang tanong.

"Sabi nila mag wish ka muna bago mo hipan ang kandila, so ano ang wish mo?"

"Ah, ganun ba yun? Lumaki akong hindi alam iyan kaya hindi ako napag-wish."  Napatampal na lang sa noo si Ate dahil sa sinabi ko. Aba, malay ko ba na may wish pala bago hipan ang kandila.

"O, siya pasok na tayo at kumain," saad ni Mama kaya isa-isa silang pumasok. Nang si Gheric na ang papasok ay hinila ko ito palabas.

"Paano mo nalaman ang birthday ko? Saka, kasali ka ba sa pag-de-decorate dito sa bahay?"

"Bago pa tayo mapunta sa korte ay alam na namin ang totoo, thanks to detective Gray at kay detective Amber, ganun na rin kina Markus at Tyron,"

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin aga?"

"May sakit sa pag-iisip si Violet, kaya niyang gawin ang mga bagay na di natin alam na magagawa niya. Baka kapag nalaman niyang alam na natin ang totoo ay baka muling mapahamak ang buhay mo at nila Tita. Isa pa kailang kong magpanggap na walang alam para di maghinala si Violet," mahaba nitong paliwanag.

"Nak, pumasok na rin kayo dito," tawag sa amin ni Mama kaya pumasok na kami. Lahat kami ay naging masaya sa birthday party na ginawa nila. Yong iba ay nagsi-uwian na kaya iilang na lang kami dito sa bahay.

"Gheric, wag mo sanang hahayaan na may manakit dito sa anak namin," saad ni Papa. At saan nanggaling iyon? Bakit may ganyan si Papa? Mukha bang ibabahay na ako ni Gheric? "Kung sakali namang ikaw ang mananakit ay baka mata mo lang ang walang latay," biglang pananakot ni Papa.

"Pa, ano ba yang sinasabi mo? Bakit parang hinahabili mo na ako sa kanya?" Tininuro ko si Gheric.

"Aalagaan ko po siya at ituturing na prinsesa kahit pareho kaming prinsepe," sagot naman ni Gheric. Inirapan ko lang ito at dinampot ang slice ng cake.

"Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal namin sa kanya," saad naman ni Mama. At bakit pati si Mama ay hinahabilin na ako?

"Ma, Pa, wag kayong ganyan, para niyo naman akong hinahabilin sa kanya samantalang di pa naman kami titira sa iisang bubong," sinamangutan ko sila at kumain ng cake.

"Masama bang ihabilin ka namin? Mukha namang mahal niyo ang isa't-isa at saan pa ang punta niyan?" Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

I feel like something will happen. Bigla na lang tumayo ang balahibo ko pero wala namang hangin. Iwinaksi ko ang iniisip ko at muling kumain.

Ilang oras ang lumipas ay nagpaalam na ang iba at ganun din si Gheric. Pero bago siya umalis ay may ibinigay siyang maliit na kahon. Dinala ko ito sa kwarto at saka binuksan. It's the panda keychain.

"I miss you," saad ko at niyakap ito.

"Sus, ang aking kapatid ay in love," tukso sa akin ni Ate. "Buti ka pa may love life na, paano naman akong mas matanda sa yo pero kahit isa walang nanliligaw," naging malungkot ang mukha niya. Binato ko siya ng unan at tumama ito sa mukha niya. Biglang nagbago ang ekspresyon niya kaya napatawa ako.

"Baka naman naligaw lang yong para sa yo," biro ko sa kanya at siya naman ang nambato sa akin ng unan.

"Pero seryoso, sabihan mo ako kung may problema ka o kung ano man, nandito lang si Ate para sa yo." Lumapit siya sa akin at sinuklayan ang buhok ko gamit ang kanyang mga kamay.

Maya-maya ay bumalik na rin si Ate sa kama niya at naunang natulog. Ako naman ay ilang oras munang nakatitig sa family picture namin na nakasabi sa dingding.

I'm hoping na sana ay lalong tumatag ang pagsasama naming apat.  Sana ay humaba pa ang buhay nila upang makita naman nila kung paano ko aabutin ang mga pangarap ko.

Sana...

Unti-unti na akong dinalaw ng antok kaya nahiga na ako at ipinikit ang mga mata ko.

Napabukas ako ng mata ng may narinig akong ingay na mula sa labas. Ayoko sana itong pansinin dahil komportable na ako sa higaan ko pero muling naulit ang tunog. Tinawag ko pa si Ate para siya na sana ang tumingin pero ayaw nitong magising.

Wala na akong nagawa pa kaya bumangon na ako at tinignan kung saan nanggagaling ang tunog. Paglabas ko ng kwarto ay napatakip ako ng bibig nang makitang nagkalat ang dugo sa sahig.

Napasigaw ako ng malakas at bigla akong nagising.

I-Isanag panaginip? Isang masamang panaginip.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now