EIGHT :

4 1 0
                                    

FINNLEY

"ANONG nangyari sa 'yo?" takang tanong ni Gheric nang makita akong basang-basa.

"Nadulas ako saka nabuksan ko 'yong shower niyo kaya eto,"

"Wait kukuha lang ako ng towel." Tumakbo siya sa isang kwarto at paglabas niya ay may dala na itong towel at mga damit. "Ito na muna gamitin mo, siguro naman ay magkasing katawan lang tayo," binigay niya sa akin ang hawak niyang damit saka ako bumalik sa banyo para magbihis.

Muli akong lumabas ng banyo at pasalamat na lang ako at magkasingkatawan lang kami ni Gheric.

"Balik ko na lang sa susunod ito,"

"No worries, ano? tuloy na natin 'yong activities mo?"

Bumalik kami sa sala at muli kong hinarap ang mga activities na ginawa niya. Isang problem na lang naman pero hindi ko makuha ang tamang sagot. I don't know kung sa problem ba ang mali o sa pag-solve ko.

Kinalabit ko si Gheric at itinuro ang last problem na hindi ko masagot-sagot.

"Here," hinawakan niya ang kamay ko. And what is happening to me? Bakit mukha akong kinikilig? "Kailangan mo muna kunin ang value nito . . . " nalulutang ako. Walang pumapasok sa utak ko. Nanatili ang tingin ko sa kamay naming dalawa.

"Ah, oo," sagot ko na lang nang tanungin niya ako kung na-gets ko ba ang paliwanag niya.

"Shall we proceed sa mas mahirap na problems?" Napatingin ako sa kan'ya at sakto namang nakatingin din pala siya sa akin. Ang lapit ng mukha namin, ramdam ko rin ang kan'yang paghinga. Ako na ang unang umiwas at muling tinignan ang huling problem kanina.

"Ready na ako. Anong problem ba iyan-" napahinto ako ng may nakita akong bagay na kumuha ng atensyon ko.

Panda.

"Pwede ko bang mahirap 'yong stuff toy na panda?" Napalingon din si Gheric kung nasaan ang pandang stuff toy.

"You like panda's?"

"Anong like? I love panda,"

"May naaalala ako sa 'yo, someone na-" natigil siya sa pagsasalita ng bigla akong napaupo sa hita niya at nakaharap pa sa kanya. Gaya kanina ay unti na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakaramdam ako ng pamumula ng mukha at hindi ko mapigilang ilapit pa ang mukha ko sa kan'ya.

"What is happening here, Gheric?" Tinig ng isang babae. Pareho kaming napatingin sa kung saan nanggaling ang boses at isang babae ang nakatayo sa likod ko. Agad akong umalis sa hita ni Gheric at umupo sa tabi nito.

"Nagkakamali ka ng iniisip miss," saad ko ng bigla siyang tumingin sa akin.

"Do I look fool? 'Wag niyo akong gawing tanga," saad naman nito na lalong nagpakabog ng dibdib ko.

"Kailan ka pa nakabalik?" tanong ni Gheric sa babae.

"Kahapon lang, nabalitaan ko kasing bumalik na rin dito si Violet at alam kong ikaw nanaman ang hanap ng isang 'yon," sagot ng babae. Tumahimik na lang ako at pinakinggang ang usapan nila. Saka ko lang napagtanto na kapatid pala ito ni Gheric, he's elder sister to be exact.

"Mabalik tayo, who's this guy at nakakandong sa hita mo?" muling tumingin sa akin ang kapatid ni Gheric kaya iniyuko ko na lang ang ulo ko.

"He's my friend, Finnley,"

"Hello po," I waved my hand.

"Sus, sabi ko naman sa 'yo 'di ba baka sa lalaki mo mahanap ang true love mo," saad ng Ate niya. Napatingin ako sa kanilang magkapatid. Anong sinasabi niyang sa lalaki makikita ang true love? Shini-ship niya ang kapatid niya sa mga lalaki?

"Can you please leave us alone? May kailangan pa kaming tapusin,"

"Siya sige, enjoy niyo na ulit 'yong moment niyo, naisturbo ko pa tuloy kayo." Naglakad patungo sa isang kwarto ang kapatid ni Gheric. Naiwan na ulit kaming dalawa ni Gheric at wala na akong inaksayang oras at inaral ko na ang mga sumunod na problem na binigay niya. Kahit na hindi na nakaka-absorb ang utak ko ng bagong learnings ay pinipilit ko pa rin ito para matapos na.

After how many hour ay natapos din kami. Akala ko ay ihahatid niya lang ako sa labas ng bahay nila. Maya-maya ay may dala na itong motor.

"Angkas ka na, hatid na kita,"

"Sure ka? Pwede naman akong mag-jeep na lang," hindi naman sa nag-iinarte ako. Natatakot lang akong umangkas sa motor kahit na sabihing lalaki ako.

"Don't worry safe ako mag-drive." Isinuot niya ang helmet sa ulo ko at saka ako sumakay sa likod niya.

Hindi ko alam saan ako kakapit kaya sa balikat niya ako humawak. Maya-maya pa ay tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya at inilipat ito sa may baywang niya.

"Kumakip ka ng mahigpit at baka mahulog ka sa akin,"

"Huh?" hindi ko masyadong marinig ang sinabi niya gawa rin siguro na may suot akong helmet. Pinapaulit ko sa kan'ya ang sinabi niya pero hindi na ito nagsalita pa at saka pinaandar ang motor. Hindi naman siguro importante iyon kaya hinayaan ko na lang din.

Hindi siya mabilis magpatakbo, hindi rin naman ganun ka bagal. Sakto lang ang bilis namin pero mabilis pa rin kaming nakarating sa bahay. 

"Thank you sa paghatid," pagpapasalamat ko.

"No worries,"

"Ingat pauwi,"

"I will, thank you,"

Nauna na akong pumasok sa bahay at naabutan ko si Mama na nanonood. Lumapit ako sa kan'ya saka nagmano.

"Nandyan ka na pala, gusto mo ba ng meryenda?" alok niya sa akin.

"Hindi na po, kumain na rin naman ako kayla Gheric,"

"Magbihis ka na at para maibabad ko na ang mga puti," saad ni Mama na hindi maalis sa TV ang tingin. Nagtungo kaagad ako sa kwarto at wala si Ate. Siguro ay nasa kaklase nanaman niya.

Agad akong nagpalit ng damit at itinabi ko ito at ako na lang maglalaba dahil paniguradong tatadtarin ako ng tanong ni Mama kung saan ko nakuha ang suot ko ngayon, mabuti na nga lang at hindi niya ito napansin kanina.

Dahan-dahan akong lumabas at ibinabad ang damit ni Gheric. Muli akong bumalik sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Habang nakatingin ako sa kisame ay biglang pumasok sa isip ko 'yong mga nangyari kanina sa amin ni Gheric. At 'yong part pa talaga na muntikan na kaming maghalikan. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ang mukha ko ngayon.

Biglang tumunog ang cellphone ko at may isang message galing kay Hamster. Binuksan ko ito at binasa ang text.

"I think I falling for him, what should I do?" Basa ko rito.

HS #3: Waiting for LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt