FOUR :

11 1 0
                                    

FINNLEY

NAGPATULOY ang pag-uusap namin ni Hamster thru message at ni isa sa amin ay walang may gustong magpakilala. Ok na sa amin ang ganito na di alam ang pagkatao namin para iwas judgement na rin.

"Ako ba ang lutang o ikaw?" napatigil ako sa pag-iisip ko dahil sa sinani ni Kiro. Hindi ko namalayang napalalim na pala ang pag-iisip ko.

"Di ba pwedeng may iniisip lang?" tugon ko dito.

"Ang sabihin mo nag-i-imagine ka ng mga babae,"

Babae? Ayos to ah, ginawa pa akong babaero saka wala akong oras para mag-isip ng mga babae.

"Wag mo akong igaya sa 'yo," banat ko rito at ibinalik ang atensyon sa pagtuturo sa kan'ya. "Tigil mo na ako at sagutan mo ang problem na ito,"

"Mag-so-solve nanaman? Wala na bang iba?"

"Wag mo ako simulan Kiro,"

"Sabi ko nga,"

We're to busy para tignan ang mga pumapasok na tao sa coffee shop, kaya hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Gheric.

"Hindi ka lang pala bestfriend, tutor ka rin pala, pwede rin ba akong magpa-tutor?" saad nito at hinila ang upuan sa tabi ko.

Nabaling na rin ang atensyon ni Kiro kay Gheric at kita sa mga mata niya ang pagtataka.

"Naparito ka Gheric?" tanong nito.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong sinusundan ko si Fin?"

"Ako? Saka bakit mo naman ako sinusundan?" nabaling naman ngayon ang atensyon nila sa akin.

"Masama bang maging kaibigan ko ang mga classmates ko?"

"Classmates? Pero ang sabi mo kanina si Fin ang sinusundan mo, so si Fin lang ang classmates mo?" tugon ni Kiro.

"One at a time kumbaga, sa ngayon si Fin then malay mo ikaw sunod kong sundan,"

"No thanks, sapat na si Fin na maging kaibigan ko,"

"Kaibigan nga lang ba?" parehong nangunot ang mga mata namin dahil sa sinabi ni Gheric. Anong ibig niyang sabihin?

"What are you try to say?" Tumayo si Kiro.

"Wala naman, napapansin ko lang na sobrang close niyo tipong hindi na kayo magpaghiwalay. Haka-haka nga sa room natin na may namamagitan na sa inyo," Kinuyom ni Kiro ang mga kamao niya at ilang segundo na lang ay handa na niyang ambahan si Gheric ng suntok.

"Cut it! 'Wag kayong gumawa ng eksena dito," paghinto ko sa kanila. "Kung wala ka ng ibang sasabihin pwede bang umalis ka na?" hindi na nagsalita pa si Gheric at kusa na itong lumabas ng coffee shop.

Ano bang problema ng isang 'yon?

Ipinagpatuloy namin ang ginagawa namin ni Kiro at natapos kami ng around six ng gabi. Nag-text na rin si Mama at hinahanap na ako.

"Next monday na lang ulit?" saad ko bago pumasok sa bahay, sakto naman na lumabas si Mama kaya nagpang-abot sila ni Kiro.

"Hello po Tita," bati dito ni Kiro at nagmano.

"Nandyan ka pala Iho, kamusta ka na?"

"Ayos naman po Tita. Sige po una na po ako,"

"Akala ko 'yong isang lalaki nanaman naghatid sa 'yo, ano bang pangalan nun ulit? Gheric?" Napahinto si Kiro sa paglalakad at muling humarap sa amin.

"Hinahatid ka ni Gheric dito?"

MATAPOS ang mahabang diskusyon ay sa wakas ay makakapagpahinga na ako.

"Naks, lakas talaga ng dugo natin," saad ni Ate na abala sa pagsusuklay ng buhok niya.

"Huh?"

"Hakdog, joke, I mean habulin talaga ng dugo natin gaya ng nangyayari sa 'yo,"

"Walang ibig sabihin iyon, gusto lang nila akong ihatid tapos,"

"Sabi mo eh,"

Naghanda na kami para matulog pero kahit anong pilit ko ay hindi talaga ako makatulog. Tila ba ukupado ang utak ko ng kung anu-anong bagay. Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong i-text si Hamster. Mabuti na lang din at hindi rin siya makatulog kaya nakipag-usap na muna ako sa kan'ya. Hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Nakakagaan talaga ng loob kapag may napagkwekwentuhan ka. Lahat ng bigat sa dibdib mo ay nawawala na parang bula. Mabuti na lang talaga at na wrong send siya at may tao akong makakausap sa tuwing lugmok na ako.

"Bakit parang zombie ka? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Mommy pagkaupo ko para kumain.

"May inasikaso lang po kaya medyo late na po ako nakatulog," pagsisinungaling ko.

"Sige sige bilisan mo na kumain at para hindi ka ma-late,"

Gaya ng ginagawa ko lagi ay kinuha ko ang bag ko sa kwarto saka nag-antay ng masasakyan. Papara na sana ako ng jeep ng may biglang bumusina sa likod nito at wala ng nagawa ang jeep kundi ang umandar.

Sayang 'yong jeep!

"Ang yabang- Kiro?"

"You're one and only Kiro is here para ihatid ka," may pakindat pa ito.

"Hindi ba't medyo malayo bahay niyo dito sa amin?" Kamot batok kong saad. Ano nanaman kayang nakain nitong isang to?

"Sumakay ka na lang, gusto mo bang ma-late?"

"Sabi ko nga sasakay na, pinaalis ba naman 'yong jeep na sasakyan ko dapat," pabulong kong saad habang pasakay sa kotse niya.

"May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko paandarin mo na ito at para makapasok na tayo,"

"Okie dowkie!"

Sobrang aliwalas ng panahon 'wag naman sana masira.

Mabilis ang naging byahe namin kaya may ilang oras pa ako para tumambay sa library. Sobrang confident ko pa na naglalakad papasok sa library not knowing na nandito rin pala si Gheric.

Sinubukan kong magtago pero may lahi ata siyang kwago na bigla na lang umiikot ang ulo at nakita ako.

"What's brings you here?" tanong niya. Ako nga dapat magtanong niyan kasi mas alam ko dito kumpara sa kan'ya.

"To read some books?" Sarkastik kong sagot at nilagpasan siya.

Bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko.

"I just want to say sorry sa nangyari kahapon," huminto ako at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin, tell it to Kiro," I continue to walk at iniwanan siya. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob pero mas ok siguro kung iiwasan ko muna siya.

Nakahanap ako ng mauupuan sa pinaka dulo. Kumuha ako ng random books at ginamit ko lang ito panakip para makapag-cellphone ako. Gusto ko sanang manood ng mga random videos pero bigla kong napindot ang isang video about sa issue ng isang babae.

Her name is Vanessa Violet San Miguel.

HS #3: Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon