TWENTY THREE :

6 1 0
                                    

FINNLEY


"I have a bad news," bungad ng doktor pagkalabas niya galing sa operating room. "Patawad pero ginawa na namin ang lahat,"

"W-What do you mean?" tanong ni Ate.

"I'm sorry for the loss Ma'am, Sir,"

"Sino ka ba?" wala sa wisong tanong ko. "Anong akala mo sa sarili mo? Dios ka ba para sabihin wala na sila? Bakit sino ka ba!" hindi ko na napigalan ang sarili ko at nakwelyuhan ko ang doktor. Pinakalma ako nila Gheric kay binitawan ko ito at naupo.

"I need to go, again, I'm sorry for the loss," umalis na ang doktor.

Bakit ba kailangang maging ganito? Bakit ba sila Mama at Papa pa? Ano bang naging kasalanan ko upang maging ganito ang buhay ko?

Yumakap sa akin si Ate. "Fin, wala na sila Mama," saad nito kaya napabitaw ako sa yakap niya.

"The heck Ate! Hindi sila patay, they just sleeping! Maya-maya ay magiging rin sila ata hahanapin tayo!" sigaw ko na umalingaw-ngaw.

"Fin . . ."

"Asan na ba iyong doktor na yon? Bakit ayaw pa nilang ilagay sa recovey room sila Mama?" sabi ko at akmang hahanapin ang doktor kanina.

"Please Fin," umiiyak na si Ate kaya kumunot ang noo ko.

"Ano nanamang nangyayari sayo Ate? Ba't ka umiiyak dyan? Kung tungan mo na lang ako na hanapin yong doktor at mailipat na sila Mama-" hindi ko na natuloy ang sasabi ko nang sampalin niya ako. "Ate?"

"Finnley Velasco! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Akala ko ba madala lang ito sa para akin? Hindi! Dahil maging ako ay hindi rin makapaniwaoa na wala na sila Mama at Papa, pero anong magagawa natin kung wala na talaga sila?"

"Pero Ate, hindi pwede, hindi ba't marami pa tayong plano para sa kanila? Paano nating matutupad iyon kung wala na sila? Paano na tayo?" Muli akong napaupo at hindi ko na magilan ang sarili at muling bumuhos ang aking mga luha.

Si Gheric naman ngayon ang yumakap sa akin.

"Sorry, kung hindi dahil sa pag-imbita ko sa kanila ay hindi sana sila nabaril," saad ni Gheric. Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Hindi mo iyon kasalanan,"

"Pero kung naniwala lang ako sa kutob mo na may nagmamasid sa atin ay baka hindi na sana nangyari ito," muli niyang saad. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tumingin ako sa mata niya.

"Si Violet ang may kasalanan sa lahag ng ito kaya wag mong sisihin ang sarili mo,"

"Pero kasi-" muli ko siyang niyakap.

Ilang mga oras ang lumipas ay nag-ayos na si Ate at si Gheric sa pagdadausan ng burol nila Mama. Samantalang ako ay nakahiga lang sa kwarto nila Mama at inaaalala ang masasayang nagyari sa loob ng kwartong ito.

Bakit ang bilis nilang nawala sa amin? Paano na ang mga pangarap naming dalawa ni Ate para sa kanila? Hindi na nila ako makikitang aakyat sa stage. Sino na lamang ang aakyat at para sabitan ako ng medalya?

Nabalik ako sa reyalidad ng may kumatok sa pinto.

"Nak, meryenda na," boses ito ni Mama kaya napalingon ako sa pinto.

"M-Mama?" Agad akong bumangon at binuksan ang pinto. "Ma!"

"Fin?" akala ko ay si Mama ang bubungad sa akin pero nagkamali ako.

"Anong ginagawa mo dito," tanong ko at bumalik sa loob ng kwarto.

"Nalaman ko ang nangyari, kamusta ka naman?" hindi ko siya sinagot.

"Gusto ko munang mapag-isa," saad ko at umupo sa kama.

"Pero-"

"Sige na Kiro, gusto ko muna talagang mapag-isa,"

"Sige, basta kung kailangan mo ako ay nandito lang ako sa labas." Lumabas si Kiro at muli nanaman akong nilamon ng kalungkutan.

Ilang oras din ang inilaan ko sa loob ng kwarto saka ko napagpasyahan na lumabas. Paglabas ko ay nakaayos na ang lahat. Gusto kasi ni Ate na dito na lang iburol sila Mama na sinang-ayunan ko naman. Mas gugustuhin kong nandito sila sa bahay hanggang sa huli.

"Anong gusto mo? Nagugutom ka ba? May pagkain dyan kung sakaling nagugutom ka," sunod-sunod na tanong ni Ate. Hinawakan ko ang kamay nito at mapait na ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin at tumulo ang isang butil ng tubig mula sa kanyang mata.

"Sila Mama?"

"Nakauwi na sila, gusto mo bang makita?" Tumango lang ako kaya inakay niya ako papunta kayla Mama.

Nanghina ang mga tuhod ko nang makita ko sila. Pinilit ko ang sarili na lumapit sa kanila. Nasa pagitan nila kami ni Ate at hindi ko pa rin lubos akalain na mangyayari ito.

Napansin ko ang pulang tali na nagbubuklod sa kanila kaya napaharap ako kay Ate.

"Para saan ang pulang tali?"

"Sabi nila, kapag pinagbuklod mo sila ng pulang tali ay muli silang magkikita sa susunod na buhay at muling magmamahalan," paliwanag nito. Gaya ni Mama ay mukhang naman rin ni Ate ang paniniwala sa mga sabi-sabi.

"Hulaan ko. Iyan ay nakuha mo sa tabi-tabi ano?"

"Paano mo nalaman?" taka niyang tanong.

"'Dapat unahan mong tumilaok ang manok para maging maayos ang araw mo ngayon.' Ito ang laging bungad sa akin ni Mama kapag gigisingin ako. Kapag tinatanong ko naman kung saan niya ito nakuha ay lagi niyang sinasagot na sa tabi-tabi lang," mahaba kong lintanya at ngumiti. I really miss them.

Umupo kami ni Ate malapit kayla Mama. Si Ate ay katabi si Kiro, samantalang si Gheric naman ang katabi ko.

"Maayos na ba ang lagay mo? Kung gusto mo pwede ka ng matulog at kami na ang bahala dito," suhesyon niya at hinawakan ang kamay ko. Gamit ang isa kong kamay ay kimurot ko naman siya sa pisngi.

"Aray, para saan iyon?"

"Wala lang, ang cute mo pala kapag nag-aalala ka,"

"Matagal na akong cute," pagbubuhat niya ng bangko.

"Nakakain ka na ba at mukha iba lumalabas sa bibig mo," mahina akong tumawa ng bigla itong sumimangot. "Pero seryos, mabuti na lang at nariyan ka para sa akin,"

"Mananatili ako sa tabi mo, pangako." Bahagya niyang itinaas ang kamay niya, tanda na nangangako siya. I smiled at him.

Nang napatingin ako kayla Mama ay isang puti at itim na paru-paro ang magkasamang lumilipad. Bigla itong naghiwalay at ang puting paru-paru ay dumapo kay Mama, samantalang ang itim naman ay na kay Papa. Dahan-dahan silang naglakad sa pulang tali hanggang sa muli silang nagtagpo at muling lumipad paalis.

"Ma, Pa," bulong ko hangin.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now