NINE :

5 1 0
                                    

FINNLEY

"MUKHA kang sabog ngayon ah," pinaningkitan ko ng mata si Kiro.

"Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi," sagot ko dito at pilit kong pinapagising ang sarili ko.

"Ano bang nangyari? Inatake ka nanaman ba ng insomia mo?" he look so worried kaya marahan ko siyang binatukan saka tumawa. Hindi ako sanay na ganyan siya sa akin.

"Hindi, sadyang di lang ako makatulog ng maayos,"

"Sabihan mo ako kapag inatake ka ng insomia mo para mapuntahan kita agad,"

"Wag mo akong intindihin, ang mabuti pa kunin mo ang assignments mo at tapusin mo na iyon." Itinulak ko siya pa punta sa upuan niya at hindi naman na siya pumiglas pa.

Inihiga ko ang ulo ko sa mesa at gamit ang libro ay ipinantakip ko ito sa mukha ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa, ipinagsawalang bahala ko lang iyon at ipinikit ang mga mata.

"Anong nangyari sayo Gheric? Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Kahit puyat ka ang pogi mo pa rin,"

"Uy! Gheric uso ba ngayon ang mga may eye bugs? Parehas kasi kayo ni Finnley,"

Tinanggal ko ang librong nakatakip sa mukha ko at saka ko iniangat ang ulo ko upang makita si Gheric. Pareho nga kaming may eye bugs, pero mas mukha pa rin siyang tao kumpara sa akin. Unfair!

Napatingin siya sa akin kaya dali-dali kong itinakip sa mukha ko ang hawak kong libro. Sumili ako kung nakatingin pa siya sa akin at nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na siya sa harap ko.

"Hindi ka rin nakatulog?" Naitapon ko kung saan ang hawak kong libro ng dahil sa gulat.

"Punyemas naman oh! Bat niyo ba binabato ang libro niyo?" rinig ko pang saad ng natamaan ko. Lumingon ako sa natamaan ko at nag piece sign.

"Ano bang trip mo at nanggugulat ka?" binalingan ko ng tingin si Gheric.

"Huh? Anong ginulat? Nakalimutan mo bang seatmate tayo? Hindi mo ba napansin na umupo ako?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hyst!" Tumayo ako at nabaling sa akin ang atensyon nilang lahat.

Sakto namang dumating ang teacher namin kaya agad akong umupo. Lumapit sa akin iyong natamaam ko at ibinalik sa akin ang libro, nag-sorry na rin ulit ako at sinisi si Gheric.

"Bakit ako sinisisi mo?" tanong pa ni Gheric kaya siniko ko ito. "Ack!" Daing nito na pinanlisikan ko ng mata.

AFTER magturo ng teacher namin ay muling umingay ang room namin. Hinayaan ko na lang sila at inihiga muli ang ulo ko sa mesa. Medyo na ngawit ang leeg ko na nakahiga sa kanan kaya ibinaling ko naman ito sa kaliwa na siya namang pagkakamali ko.

"Hi," he said with a smile on his face. Hindi ko siya pinansin at muling ibinaling sa kanan ang aking ulo na para bang walang nangyari. Kahit na anong kalma ko sa sarili ko ay ramdam ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi ko.

Bakit ba ang gwapo niya kahit may eye bugs? Bakit ba kapag ngumingiti siya ay kakaibang saya ang nadarama? Bakit ba sa tuwing tumitingin siya sa akin ay puso ko'y di mapakali?

"May problema ka ba?" he asked.

"Wala naman, inaantok lang,"

"Hindi ka ba nakatulog kagabi?"

"I'm talking to someone kaya hindi ko na napansin ang oras,"

"Alam mo pareho tayo. I have this friend na lagi kong nakakausap. Lahat na yata ng nangyayari sa buhay ko ay alam niya na," huminto siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit parang na curious ako sa kwento niya kaya napatingin ako sa kanya para malaman ang susunod niyang sasabihin. "Even though hindi pa kami ganun na magkakilala ay ang gaan na ng loob ko sa kanya,"

"Sa kwento mo parang nahuhulog ka na sa kanya," singit ko.

Pero bakit parang nagseselos ako? Bakit parang may kirot sa puso ko?

Napatawa siya.

"Ako? Sa 'yo lang ako- I mean kaibigan ko lang iyon," nangunot ang noo ko. Parang may iba akong marinig.

"Hindi ka sigurado, malay mo, dahil palagi kayong nag-uusap ay hindi imposibleng mahulog ka sa kanya," tila pinupunit ng pira-piraso ang puso ko.

"He's just my friend at alam kung alam niya kung sino talaga ang gusto ko,"

Natigil ang usapan namin nang dumating ang next teacher namin. Hindi ako maka-focus at ang tanging ginagawa ko lang ay ang panakaw-nakaw na tingin kay Gheric.

Tahimik lang akong nakatingin kay Gheric nang maramdaman kong may bumato sa akin. Napatingin ako sa lapag at nakita ang nakalukot na papel. Pinulot ko ito saka binuklat.

"Si Gheric ba ang whiteboard kaya sa kanya ka nakatingin?" Pabulong kong basa. Kilala ko na kaagad kung sino ang nagsulat nito dahil sa penmanship nitong tila pang doktor. Itinaas ko ang mata ko at nakita si Kiro na nagbabanta ang mga mata.

Umayos ako ng upo at itinuon ang atensyon sa whiteboard.

I feel like I'm cheating. Consider ba na cheating kung hindi ko pa sinasagot si Kiro pero nakatingin ako sa ibang lalaki? And what the heck! Bakit ko ba tinitignan si Gheric?

Napabaling ako kay Gheric ng kalabitin niya ako.

"Ano ng sagot mo kay Kiro?" he asked.

"Wala pa, hindi ko rin alam paano ko sasabihin na hanggang kaibigan lang talaga kami,"

"But you're into guys? I mean are you gay? O something?" nasamid ako sa sarili kong laway kaya napaubo ako.

"I'm bisexual, I'm into girls and I'm also into guys,"

"What a relief,"

"Huh?" kunot noo kong tanong.

"Nothing, nothing," muli akong binato ni Kiro ng papel, agad ko itong pinulot saka binasa.

"Mag-focus ka sa lesson." Pinaningkitan ko si Kiro at ibabato sana pabalik ang papel ng may biglang pumasok sa room.

"Is this the room 246?" tanong ng babae. Natigil ang teacher namin sa pagtuturo.

"Yes ito nga. Are you miss San Miguel?"

"Yes, ma'am,"

"Come in and introduce yourself to the class." Dahan-dahang pumasok ang babae sa harap at inilibot ang mata hanggang sa dumako ang paningin niya kay Gheric saka ngumiti.

"Hello, I'm Vanessa Violet San Miguel, but you can call me Violet for short, nice meeting you all,"

Napalingon ako kay Gheric nang biglang kinuyom nito ang kanyang mga kamay. Hinawakan ko ito kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya then he smiled back at me.

HS #3: Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon