FOURTEEN :

5 1 0
                                    

FINNLEY


"Yes, it's me Hamster,"

"Kaya pala familiar ang mga kwento mo,"

"I'm sorry kung ngayon lang ako umamin,"

"Saan mo nakuha ang number ko? At paano mo ito nakuha?" Lumapit siya sa akin.

"Nakita kita noong lugmok na lugmok na ako dahil sa ginawa ni Violet sa akin. Lasing ako ng mga oras na iyon at sinundan kita hanggang sa makarating ka dito sa school. Hindi ko alam kung destiny ba iyon dahil kilala ko ang principal nitong school kaya nakuha ko agad ang information mo,"

"Bakit hindi ka agad nagpakilala?"

"Natakot ako. Hindi pa ako nakaka-move on noon kay Violet at heto may bago akong nagugustuhan. Natakot ako na baka maging pampalipas oras lang kita, nakatok ako na your not in to guys,"

Pinulot ko ang cellphone ko at umupo sa swing. Umupo rin siya sa kabilang swing.

"Ang ginawa ko ay nagkunwari akong na wrong send para makuha ko ang atensyon mo. Akala ko nung una ay hindi mo ito kakagatin dahil matagal akong naghintay ng reply mo,"

"Hindi ko na alam, Gheric,"

"Ang importante sa ngayon ay kilala mo na ako,"

"Baka may gusto ka pang sabihin? Nagbalik na ba feelings mo kay Violet? Your ex na sumama sa ibang lalaki,"

"What are you talking about? Hindi na babalik ang feelings ko para sa kanya. Ikaw na ang siyang tumatakbo dito," itinuro niya ang kanyang ulo. "At siyang nagpapatibok nito," kinuha niya ang kamay ko at inilapat aa dibdib niya.

I guess ito na rin ang time para umamin ako sa kanya. Ayoko ko na rin kimkimin pa ito.

"Gusto na rin kita Gheric,"

"What?" hindi maipinta ang reaksyon niya dahil sa narinig.

"Ang sabi ko gusto rin kita," Tumayo siya at niyakap ako.

"Thank you," bulong nito. Ramdam ko ang pumapatak na tubig sa balikat ko kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya.

Umiiyak ba siya? Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. Pero kahit na umiiyak na siya ay angat pa rin ang kagwapohan niya.

Muli niya akong niyakap at napadaing ako dahil sa pangingirot ng sikmura ko.

"What happened? May masakita ba sayo? 'Yang pisngi mo bakit may bakat na para kang hinampal?' sunod-sunod nitong tanong.

"Nagugutom lang ako," pagsisinungalin ko. Inaya ko siyang kumain at saktong pagpasok namin ay ang paglabas ni Kiro sa cafeteria. Gusto ko siyang hawakan at kausapin pero hindi ko magawa. Hinayaan ko na lang siyang dumaan sa harap ko na para bang hindi kami magkakilala.

"Hindi ba si Kiro yon?"

"Huh? Ah, oo, kaso mukhang busy at hindi ako napansin,"

"Ganun ba?"

"Ano bang gusto mong kainin?" Pagiiba ko sa topic. Nagapatuloy na kami sa loob at buti na lang ay hindi dagsaan ang mga estudyante sa ngayon kaya may mga bakanteng upuan pa. Si Gheric na ang bumili ng pagkain namin at habang hinihintay ko siya ay may tumunog na cellphone. Tinignan ko pa ang akin pero hindi naman sa akin nanggaling ang tunog.

Gusto kong i-check kung kay Gheric ba iyon pero minabuti ko na lang na wag iyon pansinin.

Nang makabalik siya ay ibinababa niya agad ang tray ng pagkain at umupo sa tabi ko. Mag-uumpisa na sana kaming kumain ng may tumunog ulit na cellphone. Muli kong tinignan ang cellphone ko at hindi ito ang tumutunog. Nag-check din si Gheric ng cellphone niya at biglang nagbago ang reaction niya nang may nabasa ito.

"Ok ka lang ba?"

"Oo, may nabasa lang. Sige na mauna ka na kumain may tatawagan lang ako. Tumango na lang ako dahil mukhang importante naman kasi iyon.

But after a minute ay wala pa rin siya. Malapit na rin matapos ang break time namin kaya medyo kinakabahan na ako. Lumabas ako ng cafeteria at sakto namang pagdating niya.

"Hahanapin na sana kita," saad ko.

"May kinausap lang about sa family,"

"Ok, pero tapusin mo na muna ang pagkain mo," muli kaming bumalik sa inuupuan namin kanina saka siya kumain.

Nang matapos na siya ay agad din kaming nagpunta sa room dahil ilang minuto na lang at matatapos na ang break time.

Habang nasa hallway kami ay panay ang tipa ni Gheric sa cellphone niya. Ayoko namang makialam kasi parang seryoso ito. Kahit kating-kati na ako tanungin siya ay pinilit ko ang sarili ko hayaan siya sa ginagawa niya hanggang sa nakaabot kami sa room.

Napatingin ako sa upuan ni Kiro. Bakante ito pero hindi naman na-le-late iyon. Napalingon naman ako sa pwesto ni Violet. Ganun pa rin ang pwesto namim. Nasa harap siya at nasa likod kami ni Gheric.

Nagsalubong ang tingin namin kaya umiwas ako at agad na umupo. Gustohin ko man siyang gantihan ngayon ay ako lang din ang magmumukhang masama.

It's been a minute nang dumating ang teacher namin. Hindi na talaga pumasok si Kiro, sa tingin ko ay umiiwas na ito sa akin.

"Kaya mo bang iwan ang lahat para sa akin?" out of knower na tanong ni Gheric.

I gave him a "huh?" look. Anong ibig niyang sabihin?

"Magtanan tayo,"

"Baliw ka ba?"

"You said you love me?"

"Yes, I do, pero ano bang meron at nagpla-plano ka makipagtanan?" pilit kong hinihinaan ang boses ko.

"Gusto akong ipakasal nila Mommy kay Violet,"

I gave him a "what?" look. I just can't believe na ipapakasal pa rin nila ang anak nila sa taong iniwan ito para sumama sa ibang lalaki.

"Matagal na nila itong plano at dahil mahal ko pa noon si Violet ay pumayag ako,"

"Hindi na ba iyan pwedeng bawiin? Isa pa, nagloko siya at sumama sa ibang lalaki,"

"Hindi na ito mababago pa dahil matagal ng nakapirma ang both parents namin sa kontrata,"

"At pagtatanan lang ang naiisip mong sagot? Paano naman ang pag-aaral natin? Bukod pa dun, kakayanin ba natin ang responsibilidad?"

Natigilan siya. Wala sa plano ko ang makipagtanan.

"We don't have enough time, Fin, sooner or later ay pwede na nila kaming ipakasal,"

"Pero-"

"Trust me, Fin,"

"Let me think,"

Mahirap na desisyon ang pakikipagtanan. Kakayanin na ba namin? Kung sakali naman hindi kami tumuloy ay matatali naman si Gheric kay Violet.

Tatanggapin ko ba ang alok niya o hahayaan ko siyang makasal kay Violet?

'Isip Fin, isip'

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now