EPILOGUE :

24 1 0
                                    

FINNLEY


DAHAN-DAHAN kong binuksan ang mga mata ko. Tila ba ako nahimlay ng napakatagal na oras. Bumungad sa akin ang puting kesama kaya napakunot ang aking noo. Sa pagkakaalam ko ay napalitan na namin ni Gheric ito ng kulay asul.

Bumangon ako at nakaramdam ng pananakit ng ulo. Isinawalang bahala ko lang ito at aalis na sana ako sa kama ko ng mapansing wala ako sa kwarto ko.

'Nasaan ba ako?' tanong ko sa utak ko. Huli kong natatandaan ay magkayakap kami ni Gheric na natulog sa kwarto namin. Pero bakit ako nandito? Ano ba ang nangyayari?

"S-Sir?" Napalingon ako sa may-ari ng boses. Nakasuot ito ng puting uniporme at tila nakita ko na siya sa kung saan. "Ok na po ba kayo sir?" tanong pa nito at parang gulat na gulat.

"Miss, anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito?" balik kong tanong.

"T-Teka lang po, tatawag ako ng doktor," mabilis siyang lumabas ng kwarto at pagbalik ay may kasama na itong lalaki na siyang nakasuot din ng puting uniporme. Lumapit siya sa akin at chineck ako.

"Fin! G-Gising ka na?" muling bumaling ang atensyon ko sa pinto at iniluwa nito ang dalawang pamilyar na mukha. Mas lalong hindi ako makapaniwala ng makita ko kung sino ang mga ito. Ang buong akala ko ay wala na sila, pero bakit sila nandito ngayon? Paano nangyari ang mga ito?

"Gising ka na nga, salamat naman!" Lumapit sila sa akin at agad na niyakap. Ramdam ko ang pangungulila nila sa kanilang pagkayakap. "Anak, salamat at nagising ka na rin sa wakas. Alam mo bang ag tagal namin itong hinintay?" saad ni Mama. Oo, it's her, ang taong nagluwal sa akin, ang taong nagpalaki sa akin, at ang taong isinakripisyo ang buhay para sa akin.

"Ma?"

"Huwag ka na ulit matutulog ng ganun katagal huh? Tila na kami mababaliw kung kailan ka gigising o kung may kasiguruhan ba kung gigising ka pa ba," kay Papa naman ako bumaling ng tingin. Totoo ba ang lahat ng mga ito? Nandito ang taong sumuporta sa lahat ng gusto ko, ang taong nandyan para ipagtanggol ako kahit na buhay pa ang kapalit nito.

"Pa?"

"Finnley Velasco! Sino nagsabi sa 'yong pag-alalahanin mo sila Papa at Mama?" galit na sumugod sa akin si Ate at sinuntok ng mahina ang braso ko. "Subukan mo ulit silang pag-alalahin at lalakasan ko na ang pagsuntok ko sa 'yo," nagkukunwari itong matapag pero kita naman sa mga mata niya na gusto ng bumitaw ng kanyang mga luha. Bigla itong yumakap sa akin ay hindi niya na napigilan ang paghikbi.

"Ano bang nangyayari Ate? Nasaan si Gheric?" Kumalas ng yakap sa akin si Ate at nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Anong sinasabi mo? Hindi mo alam ang nangyari sa iyo? Saka sino ang binabanggit mong pangalan? Ge- ano?"

"It's Gheric,"

"Gheric? Sino ba iyan?"

Isa-isa ko silang tinignan. Bakit parang nasa ibang mundo ako? Nasa parallel universe na ba ako?

Ang dami kong taong ngayon sa isip na hindi ko alam kung anong sagot. Una ay bakit ako nandito sa hospita? Bakit nandito sila Mama at Papa? Paano sila nabuhay? Bakit walang alam si Ate kay Gheric at tila hindi niya ito kilala?

"Sino kayo?" tanong ko sa kanila. Nagtinginan ang mga ito na para bang ako yung may problema.

"Anak, ano bang sinasabi mo?" tanong naman ni Mama at akmang muli sana niya akong yayakapin ng hawian ko ang kamay niya at bumaba ng kama. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila at tumakbo palabas ng kwarto. Hindi pa ako nakakalayo nang may mabunggo akong kung sino.

"Sorry," paghingi ko ng tawad at aalis na sana ng bigla niya akong hawakan sa braso. Taka akong tumingin dito at tila ako naging bato ng makita ko kung sino ito.

"G-Gheric?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. It's really him. The Gheric I love.

"You know me?" Itunuro niya ang kanyang sarili. Tumango ako habang tulala pa rin sa kanya.

"It's really you," muli kong saad. Binitawan niya ang braso ko kaya inayos ko ang sarili ko saka ko lang napansin na nakasuot ako ng hospital gown.

"Sino ka ba at kilala mo ako?" Mistula akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Ang weird ng mga nangyayari ngayon.

"Nagbibiro ka tama? Huy, Gheric di na bebenta yang joke mo," tumawa ako at hinampas siya ng mahina sa braso.

"You think it's a joke? Sorry Mister but I really don't know you," natigil ako sa pagtawa. Seryoso ang mukha nito kaya napayuko na lang ako.

"I-I'm sorry, baka nga hindi ka siya. Hindi ikaw ang Gheric na kilala ko,"

"Oh! I think you're a scammer, sorry pero wala kang makukuha sa akin. Bentang-benta na ang mga ganyan, kunwari kilala ka pero ang totoo ay balak ka lang i-scam," nanlumo ako dahil sa mga sinabi niya. Do I look like a scammer?

"Hindi ako scammer, akala ko lang talaga na ikaw ang kilala kong Gheric, mukhang nagkamali ako," gusto ko ng maiyak sa totoo lang. 

"Gheric!" sigaw ng kung sino. Pareho kaming napalingon dito.

"Violet?" Bulong ko sa hangin ng makita ang babaeng papalapit sa amin ngayon. Ano ba talagang nangyayari? Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

"Who's he?" Violet asked at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Don't tell me-"

"Shut up, Violet, I don't know him." sagot ni Gheric.

"Ah, kung ganun, halika na?" Hinablot niya si Gheric at umalis silang dalawa. Naiwan naman akong mag-isa. Napaluhod ako at pilit na inaalala ang mga nangyayari.

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang may pumasok na mga imahe sa utak ko. Tila ito mga alala bago ako mapunta sa hospital na ito.

Ibig bang sabihin. . . . Isang ilusyon lang ang lahat at gawa lang iyon ng utak ko habang comatose ako? Hindi ko na kiya ang mga impormasyon na pumapasok sa utak ko kaya sinabunutan ko na ang sarili ko para tumigil ito.

"Anong nangyayari sa 'yo?" boses ito ni Gheric kaya napalingon ako dito. Papalapit siya sa akin at lumuhod na rin upang mapantayan ako. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Tumigil ang pananakit ng ulo ko ng yakapin niya ako. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at yumakap na rin sa kanya.

"My heart says that you're familiar kaya bumalik ako," kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mata. "Sino ka ba talaga?"

"Just call me Panda," I said as my lips form to smile. Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay para tulungan akong makatayo.

"In that case, you can call me Hamster,"

"Nice meeting you Hamster,"

"My pressure to meet you, Panda,"

Sa pangalawang pagkakataon ay yumakap kami sa isa't-isa.

"I will wait for you, my love. I will wait hanggang sa makilala ako ng puso mo,"

HS #3: Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon