TWO :

35 3 0
                                    

FINNLEY

"WELCOME to Lotus University," pagbati ni Ma'am dito. Luminga-linga pa ito at mukhang naghahanap ng pwedeng maupuan. "Mister Velasco, may may-ari ba ng upuan sa tabi mo?" Ramdam kong nasa akin ang tingin ng lahat.

"Wala po Ma'am," tipid kong sagot. Pakiramdam ko ay pinaniningkitan ako ng mga kaklase kong babae kaya iniyuko ko na lang ang aking ulo.

"Hello, my name's Gheric. How about yours?" Inilahad nito ang kan'yang kamay. Ilang segundo ko itong tinignan bago nakipagkamay.

"Finnley, Fin for short," medyo matagal na niya hawak ang kamay ko kaya tumikhim ako at dahan-dahang tinanggal ang kamay ko.

"Sorry, sorry," he smiled. A smile that melts my heart. Nag-smile back ako at itinuon ang atensyon kay Ma'am na kasalukuyang nagtuturo.

I want to focus, I really want, pero hindi ko maiwasang mapatingin kay Gheric.

"Is there's something wrong with my face?" nataranta ako nang bigla siyang lumingon at magtanong. Pakiramdam ko kasi ay nakatingin siya kaya napapatingin ako sa kan'ya and it's turn out na ako lang ang tumitingin.

Assuming . . .

"Wala-wala." I grabbed my pen at nagkumwaring may sinusulat. Itinago ko na rin ang mukha ko gamit ang libro dahil pakiramdam ko ay namumula na ito. Ano bang naisip ko at akala ko ay nakatingin siya sa akin?

"Baliktad 'yong libro," sh*t! Tinignan ko ang hawak kong libro at nakabaliktad nga ito. Kaagad kong ibinaliktad ito at nagkunwaring walang nangyari. Sobra-sobrang kahihiyan na ang natanggap ko ngayong araw.

Nakaramdam ako ng ginhawa ng tumunog ang school bell. Mabilis na naglabasan ang lahat ng kaklase namin at mukhang naiwan na akong mag-isa. Kaagad kong ibinaba ang librong hawak ko at inihiga ng ulo sa mesa habang nakapikit ang mga mata.

Nakaramdam ako ng parang may kung ano na dumampi sa ilong ko kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko at natumba nang makita si Gheric nang malapitan.

"Magkakaroon pa ako ng problema sa puso ng dahil sa 'yo," saad ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ngayon ng puso ko na tila ba gustong kumawala.

"Sorry, I just want to hang out with you, since wala pa akong kakilala dito. Gusto ko sana na ikaw ang una kong maging kaibigan," he look so worried and it's my first time na may nag-alala sa akin ng ganito.

Ikinalma ko ang sarili ko at bumangon mula sa pagkakatumba. Inilinga ko ang paningin ko para hanapin si Kiro pero bigo ako. Lintek na lalaking iyon, iwan ba naman ako dito.

"Hindi ka ba nagugutom? Mauna ka na sa cafeteria." Isa-isa kong nilalagay ang mga gamit ko sa bag ng mabagal na mabagal.

"Hihintayin na lang kita," saad nito na siyang ikinainis ko. Hind ba talaga siya nakakaramdam na wala akong time para sa kan'ya? Na mas gusto ko pang mapag-isa.

"Ayoko- I mean 'wag mo na ako hintayin at may pupuntahan pa ako sa ibang section," nang matapos ko na ilagay ang mga gamit ko ay kaagad akong tumayo at nagtungo sa library. Sakto at kunti lang ang estudyante ngayon.

Humila ako ng upuan at prenteng umupo rito saka ko inihiga ang ulo ko.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Tanong na naglalaro sa isip ko. Ganoon din ka kaulit noon si Kiro pero hindi ko siya iniwasan, bagkus ay tinanggap ko ang pakikipagkaibigan niya.

Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong dinukot sa bulsa ako at binasa.

'Hi, sorry for sending a wrong message,' a message from the unknown number. Nag-reply ako at sinabing ayos lang.

'I just need someone na pwedeng makausap, pwede ka ba?' napaisip ako kung tatanggapin ko ang alok niyang makipag-usap sa kan'ya o hindi.

Muli akong nag-reply at pumayag na makipag-usap sa kan'ya. Wala naman sigurong mawawala kung namakikipag-usap ako sa kan'ya ng ilang minuto. Sabi nga nila "mas ok na makipag-usap sa taong hindi ka kilala dahil hindi ka nila i-ja-judge."

'Just call me Hamster, a guy and 20 years old,'

Nag-isip ako ng magandang alyas at pumasok sa isip ko ang panda. Panda is one of my favorite animal, sino bang hindi maku-cute-tan sa kanila? Kung pwede lang mag-adopt ng panda ay ginawa ko na.

'And I'm Panda, male, and also a 20 years old,'

Nagsimula siyang mag-send ng mga hinanakit niya at mga ganap niya sa buhay. Fifteen years old siya nang makilala niya si Violete and kaka-five years lang nila last month nang biglang nanlamig si Violete at nakipaghiwalay ito sa kan'ya.

Sinong mag-aakala na may mga ganito pala? Samantalang naglalaro pa ako sa labas kasama ng mga batang kalye sa edad na fifteen hanggang sa mag-seventeen ako. Pero sino ba ako para i-judge siya? Nandito ako ngayon para makinig at hindi mag-judge.

'Then what's your plan? Pipilitin mo ba siyang bumalik sa 'yo o hahayaan mo na lang siya na lumigaya sa iba?' out of nowhere ay bigla ko itong natanong sa kan'ya.

'Mukhang masaya naman siya sa iba kaya hahayaan ko na lang siya. And you know what? I have this classmate na tila ilang sa akin. I don't know kung may nagawa ba ako o ano,' nabilaukan ako sa sarili kong laway. Bakit parang familiar?

'Malay mo naman introvert siya. Hindi siya sanay na may kumakausap sa kan'ya,'

'Siguro? But I will make sure na magiging makaibigan kami. Hindi ako titigil hanggat hindi kami nagiging magkaibigan,'

'Lakas ng fighting spirit, pero good luck sana maging magkaibigan kayo. Sige bye na at malapit na ang next class ko.'

Hindi na siya nag-reply pa kaya inayos ko ang sarili ko at mabilis na nagtungo sa cafeteria upang bimili ng pagkain. Nang makabili na ako ay dinala ko na ito papunta sa room at doon ko na lang ito kakainin. Sinipat-sipat ko mula dito sa pinto kung nasa loob na ba si Gheric at nang makitang wala pa ay kaagad akong pumasok at inilapag ang pagkain ko sa mesa.

Bigla namang sumulpot si Kiro sa kung saan at kumuha ng isang biscuit. Aba't ang lokong 'to!

"Ilang beses ko ba sasabihin na magpaalam ka muna bago ka kumuha?"

"Kalalaki mong tao tapos lagi kang nakairap, by the way, pahingi," ngumisi ito at gusto ko sana siyang batukan ng bigla siyang umilag at bumalik sa upuan niya. "Mapanakit ka talaga!" sigaw nito na siyang inirapan ko lang muli.

"Pwede din ba akong humingi?"

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now