SIXTEEN :

5 1 0
                                    

FINNLEY

ISANG buwan ang lumipas. Simula nung araw na iyon ay hindi na pumasok si Gheric at si Violet. Naging tahimik naman ang buhay ko pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit na dulot niya sa akin.

"Matutunaw yang ice cream mo kapag di mo pa kinain," nabalik ako sa reyalidad.

"Ito na kakain na," saad ko. Tinawanan niya ako kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Hanggang ngayon mataray ka pa rin," tawa siya ng tawa kaya hinayaan ko na lang siya at kumain. Bakit ba hindi siya makuha sa tingin.

"Baka gusto mo rin bilisan ang pagkain mo dahil malapit na matapos ang break natin," sita ko dito dahil hindi pa rin siya matigil kakatawa. "Mabilaukan ka sana," pagkakasabi ko pa lang ay nabilaukan nga talaga siya. He grab his water at ininom ito.

"Kasalanan mo ito," saad niya habang inu-ubo.

"Kasalanan ko bang bigla kang tumatawa kahit may laman ang bibig mo?" Hinagod ko pa rin ang likod niya para pakalmahin ang nararamdaman niya. Nang umayos ang lagay niya ay inaya ko na siyang bumalik sa room.

Nag-iba na ang sitting arrangement namin kaya katabi ko na si Kiro. Malapit na rin matapos ang school year kaya kaunti o kaya minsan ay wala na kaming ginagawa. Iyong ibang teacher naman namin ay hindi na rin minsan pumapasok sa amin.

Ilang oras ang lumipas at uwian na. Iniligpit ko na lahat ng gamit ko saka naunang lumabas.

"Huy! Hinatayin mo ako," rinig kong sigaw ni Kiro pero hindi ko ito nilingon at tuloy pa rin ako sa paglalakad. Nasa gate na ako nang maabutan niya ako. "Ang bilis mo namang maglakad," saad niya habang hinahabol ang kanyang hininga.

"At ikaw naman ay makupad kumilos,"

"Ako? Makupad? Gwapo lang ako pero hindi makupad,"

"Tsk! Ikaw gwapo? Kiro, gising nagde-day dream ka nanaman." I snapped on his face. Napatawa naman ako dahil biglang bumusangot ang mukha niya.

"Ang hilig mo talagang binabara ako," mukha itong iiyak kaya pinitik ko ang noo niya.

"Huy, ang tanda mo na para maiyak sa simpleng mga asaran," sita ko dito.

"Ikaw kasi e,"

"Siya sige kasalanan ko na. So, pano? Una na ako?"

"Hatid na kita-" natigil siya sa pagsasalita.

"Anong nangyayari sa 'yo? Nagla-lag ka ba?" biro ko dito pero nanatiling seryoso ang mukha niya na nakatingin sa likod ko. "Ano bang meron sa likod ko?" Inilingon ko ang buo kong katawan sa likod at hindi sinasadyang mauntog ang mukha ko sa dibdib ng isang lalaki.

Napahawak ako sa mukha ko at nag-sorry sa lalaki.

"Pwede ba kitang makausap, Fin," his voice sounds familiar. Iniangat ko ang tingin sa lalaki at laking gulat ko nang muli siyang makita. "Long time no see, Finnley,"

Lahat ng naramdaman ko ay muling bumabalik sa akin.

"Anong ginagawa mo ditong hayop ka!" Susugurin sana ito ni Kiro nang pigilan ko ito.

"Mauna ka na Kiro, I can take care of myself,"

"Pero-"

"Wala ng pero-pero, sumunod ka na lang,"

"Ok, fine, your lucky dahil nandito si Fin," saad niya bago tuluyang umalis.

"Anong kailangan mo?" pinilit ko ang sariling magsalita. Akmang yayakap siya sa akin kaya agad kong iniwas ang sarili. "What do you think your doing?" tanong ko rito dahil sa ikinilos niya.

"I-I'm sorry,"

"Spill, ano ba yang sasabihin mo at para makaalis na ako?" nanatili ang walang ekspresyon kong mukha.

"Gusto lang sana kitang kamustahin,"

"I'm fine, look, I'm still breathing without you," sarkastik kong saad. Ramdam kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko. At nasaktan din ako.

"Violet is pregnant at pinipilit nila akong pakasalan siya,"

"Malaya kayong magkasal,"

"Hindi pa ako sumasagot sa gusto nila." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Ituloy natin ang naudlot nating pagtatanan at lalayo tayo mula rito. Sabihin mo lang na payag ka, Fin." Naitulak ko siya dahil sa pinagsasabi niya.

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo Gheric? Tatakasan mo ang responsibilidad mo bilang ama ng pinagbubuntis ni Violet para sa relasyon nating tapos na? The heck!"

"Mahal kita Fin at gagawin ko ang lahat para makasama ka,"

"Yes, I still love you Gheric pero ayokong angkinin ka na alam kong may mas nangangailangan sa 'yo. Magkakaroon ka na ng anak kay Violet at sino ba naman ako? Wala kang future sa akin, Gheric, samantalang ka Violet ay meron. So, please, sa kanila mo na lang ibuhos ang pagmamahal mo dapat ay para sa akin." Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Nagulat na lang ako nang may sasakyan palang papalapit sa akin. Hindi ko na naigalaw ang sarili ko at manatiling nakatayo habang hinahantay na bumangga ang sasakyan sa akin. I closed my eyes at tinanggap ang mangyayari sa akin.

Ilang segundo na at wala pa ring nangyayari. Ibinuka ko ang mga mata ko at nakahinto na ang sasakyan sa harap ko. Bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Markus at Tyron. Napaluhod ako at saka bumuhos ang aking mga luha.

"Ano bang nangyayari sa 'yo at tumatakbo ka dito sa kalsada? Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak?" tanong ni Markus.

Naramdaman ko na lang na may nagtayo sa akin and it's Tyron.

"What happened?" he asked. Hindi ako sumagot at yumakap lang sa kanya. Ilang minuto rin kaming nasa ganun posisyon nang paghiwalayin kami ni Markus.

"Itigil niyo na nga muna yan at pumasok na tayo sa sasakyan," saad ni Markus at tinulungan akong sumakay ng sasakyan.

Sa backseat ako samantalang nasa harap silang dalawa. Seeing them is making me jealous. Bakit sila may happy ending? Samantalang ako ay wala.

"Saan ka ba nakatira at hahatid ka na namin." Lumingon sa akin si Tyron. Ibinigay ko ang address ko at nagsimulang paandarin ni Markus ang sasakyan.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko namalayang nasa bahay na pala kami.

"Thank you sa paghatid," walang buhay kong pagpapasalamat. Umalis na sila kaya agad akong pumasok sa loob.

"Nandito na po ako-" napahinto ako ng makita si Violet na nakaupo katabi si Mama. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ako ang dapat na nagtatanong, Finnley. Hindi kita pinalaki na ganito." Ibinato ni Mama ang ilang mga picture sa sahig. Pinulot ko ito at isa-isang tinignan. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita na kaming dalawa ni Gheric ang nasa picture habang hawak niya ang mga kamay ko.

"Mali kayo ng iniisip, wala na kaming komonikasyon ni Gheric,"

"Wag ka na magsinungalin pa. Huling-huli ka na tatakas ka pa?" saad ni Violet. Umiling ako at itinapon ang mga pictures.

"Ikaw ang sinungaling, nilalason mo ang utak ni Mama-" my mother slapped me, napahawak ako sa pisngi ko dahil dito.

"Hindi na kita kilala Finnley. Hindi kita pinalaki na mang-agaw ng lalaki lalo pa at magkakaanak na sila!" sigaw ni Mama. Hindi ko na nagawang ipagtanggol ang sarili ko.

"I'm sorry Ma," paghingi ko ng tawad kahit na alam kong wala akong kasalanan.

HS #3: Waiting for LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant