TWELVE :

6 0 0
                                    

FINNLEY


"Nak meryenda na," sigaw ni Mama.

"Wala po akong gana, may gagawin pa po akong homeworks," saad ko. Pero ang totoo at gusto ko lang magmukmok.

"Nak, pwede ba akong pumasok?"

"Sige po,"

Dahan-dahang binuksan ni Mama ang pinto ng kwarto namin at umupo sa tabi ko.

"Alam kong may dala-dala kang problema dito." Itinuro niya ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Ma," I hugged her and she hugged me back.

"It's ok, Mama is here, makikinig ako." Dahan-dahan niyang hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako.

"Ma, I'm bisexual po,"

"I know, hinihintay ka na lang namin ng Papa mo na umamin,"

"Bukod po dun ay nasaktan ko si Kiro,"

"What happened?"

"I turned him down, hindi ko po siya sinagot sa panliligaw niya,"

"Kilala ko si Kiro, mabait siyang bata kaya sigurado akong maiintidihan niya kung ano man ang dahilan mo,"

"Iyon nga po Ma, sa sobrang bait niya ay nasasaktan akong nakikita siyang malungkot ng dahil sa akin,"

"Mahal mo ba? Kaya mo bang suklian ang nararamdaman niya para sa iyo?" Hindi ako nakasagot.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

"May iba ba? May nagugustuhan na ba ang bunso namin?" Tumango ako. Ayoko ng magsinungaling pa.

"In order to confess my feelings ay may tao rin akong masasaktan." Muli niya akong niyakap. Doon ay bumuhos ang luha ko. Ilang oras kaming nasa ganung posisyon at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Paggising ko ay nasa kabilang kama na si Ate. Napatingin ako sa orasan at mag-a-alas dose na ng madaling araw. Muli kong ipinikit ang mata ko pero hindi na ako dinadalaw ng antok.

Tumayo na lang ako at nagpuntang kusina upang tignan kung may gatas pa. At sa minamalas ka nga naman ay naubusan na kami ng gatas. Bumalik ako sa kwarto namin at magsuot ng hoodie.

May malapit naman na convenience store dito kaya hindi ko na kailangan pa maghanap ng masasakyan.

Habang binabagtas ang daan ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan.

A message from Hamster.

'Want to know who I am?'

Anong ibig niyang sabihin?

'Want to know who's the guy behind the name Hamster?'

Mas lalo akong naguluhan. Don't tell me na gusto niyang makipagkita sa akin?

Biglang lumakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Mukhang uulan na kaya binilisan ko na lang ang paglalakad at bumili ng dapat na bilhin. Hindi na ako nagtagal pa dahil rinig ko na rin ang kulog.

Pagdating ko sa bahay at agad kong chi-neck kung may message siyang muli pero wala na. Hindi na rin ako nakapag-message sa kanya dahil naging abala ako sa pagtimpla ng gatas.

Nang makainom ako ng gatas ay bumalik na rin ako kaagad sa kwarto. Muli akong humiga at ipinikit ang mata.

UMAGA na ng pagkagising ko. Wala na si Ate sa kama niya kaya ine-expect kong wala na rin si Papa. Pero pagdating ko sa hapag namin ay anabutan ko pa siya na nagkakape habang magbabasa po dyaryo.

"Good morning po," bati ko dito.

Hindi siya bumati pabalik pero ibinaba niya ang hawak niyang dyaryo at tumingin sa akin. He look so serious kaya umiwas ako ng tingin.

"Nakwento sa akin ng Mama mo ang nangyari sa inyo ni Kiro," hindi na ako nagbigla nang sabihin niya iyon. "At may iba ka daw nagugustuhan?"

"Opo,"

"Umamin ka na ba?" Umiling ako. Ngayon na nandito na rin ag ex ni Gheric ay mukhang mahihirapan akong umamin, lalo pa at humaling na humaling pa si Violet kay Gheric. "Kailan mo balak umamin? Kung kailan huli na ang lahat?" Humawak siya sa balikat ko at bahagya itong tinapik-tapik.

"Wala pa po sa plano ko ang umamin lalo pa at kaka-transfer lang ng ex girlfriend niya sa school namin. Ayoko rin maging centro ng atensyon kung sakaling malaman ng ibang tao ang relasyon namin,"

"Paano kung dahil sa tagal mo umamin ay bumalik ang nararamdaman niya para sa ex niya? Makakaya mo bang magparaya?"

"Kung iyon ang ikakasaya niya." Kumagat ako sa tinapay. Hindi mo ako makikitaan ng emosyon dahil ayokong magmukang mahina sa harap ni Papa.

"Hindi masamang magmahal Anak, hindi mo kailangan pakinggan ang sasabihin ng ibang tao, ang dapat na pinapakinggan mo ay ito." Itinuro niya ang puso ko. "Sa pag-ibig hindi ginagamitin ng utak, dahil ang gumagana ay ang puso mo,"

Pakiramdam ko ay nabubuhayan ako sa mga sinabi ni Papa. Hindi kami palaging ganito mag-usap pero laking pasalamat ko na lang na malawak ang pag-iisip niya tungkol sa mga ganitong bagay.

"Salamat po sa mga payo, Pa." Tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Sige na, ubusin mo na ang kinakain mo at para may lakas ko sa klase mo," tinapik-tapik niya ang likod ko. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa kwarto upang kunin ang bag ko saka ako nagpaalam na sa kanila.

Nakasakay naman ako kaagad ng jeep kaya maaga akong nakarating sa school namin. Wala pa masyadong tao kaya perfect pumunta sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.

Balak ko sana munang ilagay ang bag ko sa room, pero tyak akong nandoon na sina Kiro at Gheric kaya minabuti ko na lang na dalhin din ito sa garden.

Habang nakaupo ako sa swing ay napansin ko ang isang lalaki. I think isa siya sa nag-aalaga ng mga halaman dito.

Wala naman kakaiba sa kanya pero maya-maya ay may biglang yumakap sa kanya na isa ring lalaki. Napahinto ako sa pag-swing at itinuon ang atensyon sa kanila.

Hindi naman sa pagiging chismoso pero lumapit ako sa kanila at nagtago sa isang halaman.

"How's your night? Nakatulog ba ng maayos ang Tyron ko?" tanong ng lalaking nakayakap.

"Makus ano ba? Mamaya kung ano pang isipin ng makakakita sa atin," saad naman ng lalaking nagngangalang Tyron.

"Isipin nila ang gusto nilang isipin. Isa pa tanggap tayo ng pamilya natin kaya bakit pa natin kailangang itago?" tanong muli ng lalaking nagngangalan namang Markus.

Hindi ko napansin na bahay pala ng mga langgam ang napagtaguan ko kaya lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagpagpag ng paa. Sobrang sakit mangagat ng mga langgam.

"Sino ka?"

"Kanina ka pa ba nandyan?" tanong nilang pareho.

"I'm just passing by. Papunta na sana ako sa swing nang maapakan ko ang bahay ng langgam," pagsisinungaling ko.

Kumalas yong isang lalaki sa pagkakayakap at humawak ito sa kamay ng partner niya.

"Gaya ka rin ba nilang makikitid ang utak? Dahil kung oo ay hindi kita uurungan," matalim ang tingin ni Markus sa akin.

"Chill, relax. Fine, sasabihin ko na ang totoo. I'm just having my me time kanina sa swing ng makita ko kayo. I found you two sweet. Sana ay ganyan din kami kapag umamin na ako sa kanya,"

"You're gay-"

"Bi, I'm bisexual,"

"I'm sorry," paghingi ng tawad ni Markus.

"I want to know more sa lalaking nagugustuhan mo at sa iyon, pero mo ba kaming kwentuhan?" Saad ni Tyron.

"Sure!"

HS #3: Waiting for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon