FIFTEEN :

7 1 0
                                    

FINNLEY

"Meet me at the cafe in front of our University at 8:00PM," he said bago tuluyang umalis lulan ng kanilang Van.

"Si Gheric ba iyon?" nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.

"Ano ka ba ate? Lagi ka na lang nanggugulat,"

"Sus! Ayaw mo lang na mahuli ka, so ano na meron sa inyo ni Gheric? Kayo na ba?"

"Ano bang sinasabi mo dyan ate?" Naglakad ako papasok sa loob at sinundan naman ako ni Ate.

"Sabihin mo na, tutal alam naman na namin kung sino talaga ang gusto mo. I'm proud of your bro," turan niya habang nakasunod pa rin.

"Sasabihin ko pero wag kang maingay?"

"Spill the tea bro,"

"Nagbabalak kaming magtanan ni Gheric ngayon,"

"What! Are you crazy?"

"Ayan na ayan ang sinabi ko sa kanya kanina, pero wala na akong magawa. Kung hindi namin iyon gagawin ay makakasal naman siya sa ex girlfriend nia," paliwanag ko.

"Good luck na lang bro, will support you kahit na anong mangyari," she gave me a hug pero kumalas din ako para mag ayos ng gamit.

"Sila Mama?"

"Don't worry may pinuntaan si Mama kaya makakapuslit ka ngayong gabi,"

Mabilis kong kinuha lahat ng importanteng bagay at isiniksik ito sa bag. Nang matapos ako ay pumuslit na ako dala ang backpack ko. Masyado pang maaga kay naggala muna ako at nagpunta sa isang park.

Inubos ko ang oras ko kakalaro kasama ng mga bata kaya hindi ko namalayan ang oras. Dali-dali akong nagpunta sa meeting place namin at nagsalubong ang mga kilay ko nang makita na wala pa si Gheric.

Muli kong inalala ang sinabi niya.

"Meet me at the cafe in front of our University at 8:00PM," saad ko. Ito ang naaalala kong eksaktong sinabi niya. It's already 8:30PM at na late pa ako dahil sa pakikipaglaro sa mga bata.

Nagbuga ako ng buntong hininga at umupo sa gilid. Siguro ay may inasikaso lang siya. Tama! Iwasan mo mag-over think, Fin. Maghihintay na lang ako dito at baka sakaling dumating siya.

9:00 PM...

9:30 PM...

10:00 PM...

10:30 PM...

Kanina pa ako patingin tingin sa oras at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Tumayo ako mula sa matagal na pagkakaupo at nag-unat-unat. I think kailangan ko ng umuwi. I don't know kung darating pa ba siya. Ang sigurado lang ako ay baka nag-aalala na sila Mama sa akin.

Nilingon ko ang buong paligid para hanapin siya pero hindi ko pa rin siya makita. Walang bakas na darating siya kaya nagsimula na akong maglakad paalis.

"Saan ba nanggaling bata ka? Alam mo bang pinag-alala mo kami ng Papa mo?" bungad ni Mama pagpasok ko palang lang ng bahay.

"Ma," para akong bata na nasugatan at yumakap sa Mama niya. "I'm sorry po," hindi ko mapigilang umiyak. Lumapit na rin si Ate sa amin at yumakap.

"Ano bang nangyari?" tanong muli ni Mama. Niyakap ko lang siya ng mahigpit at parang gusto ko na lang manatili sa ganitong posisyon.

"Fin, nandito lang si Ate huh?" tinapik ni Ate ang balikat ko. Kumalas kami sa pagkakayakap at tumingin ako sa kanila saka ngumiti.

"Ma, nagugutom ako, may pagkain pa ba?" pag-babago ko sa atmosphere.

"Meron pa sa mesa, dalian mo na at baka maunahan ka pa ng pusa," saad ni Mama kaya nagtungo na ako doon at kumain. Pagakatapos ko kumain ay ako na rin ang naghugas ng pinagkainan ko.

"What happened?" hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Ate. "Don't tell me na hindi ka niya sinupot?"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya saka tumango.

"Aba! Loko pala yon ah! Sino ba siya sa akala niya para paghintayin ka at hindi siputin?"

"Baka naman may importanteng ginawa lang, kakausapin ko na lang siya bukas pagpasok," sagot ko. Tinapos ko na ang ginagawa ko at nagtungo na sa kwarto para magbihis.

Hindi ako makatulog. Binabalot ako ng mga katanungan. Maraming bakit ang kailangan ko ng kasagutan at makukuha ko lang ito bukas pagpasok ko.

Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Paggising ko ay kaagad akong nag-asikaso para pumasok.

"Ma, alis na po ako," saad ko at tumakbo palabas at naghanap ng masasakyan. Hindi ako nagtagal sa paghihintay nang may jeep agad na huminto sa harap ko. In just a minute ay nakarating ako sa school at kaagad akong nagtungo sa room para hanapin si Gheric but it turns out na wala pa siya.

Napalingon ako sa pintuan ng dumating si Kiro. Nilapitan niya ako at hinila palabas.

"Alam mo na ba ang kumakalat ngayon?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Wala akong alam sa sinasabi niyang kumakalat ngayon.

"Wala, bakit?"

"That jerk!" sigaw niya kaya nagsitinginan ang lahat sa amin. Pinakalma ko siya dahil tila sasabog na ito. "Ang lalaking minahal mo ay isang manloloko, Fin,"

"Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi kita maintindihan," nakaramdam ako ng kirot sa puso.

Totoo ba? Si Gheric? Kaya niya bang gawin sa akin iyon? Hindi, kailangan ko munang marinig ang paliwanag niya.

"Mamaya na tayo mag-usap, Kiro." Nilagpasan ko siya at pumunta sa upuan ko. Naupo ako at inilibot ang paningin. Lahat sila ay abala sa kan'ya-kanyang cellphone.

Pakiramdam ko ay lumulubog ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para ba akong nasa dilim kahit na ang liwanag dito sa room. Tipong nabibingi ako kahit wala namang maingay.

Muli akong napalingon sa pinto nang maramdaman na may taong papasok. Inilibot pa nito ang kanyang mga mata at nang dumako ito sa akin ay agad siyang lumapit. Hinawakan nito ang aking kamay at hinatak ko patungo sa kung saan. Hinayaan ko na lang ang sarili na magpahatak dahil wala na akong lakas para pumiglas pa.

Nang makalayo na kami sa room ay huminto kami sa paglalakad.

"I'm sorry, Fin," panimula niya. I just gave a warm smile at him.

"No worries, late na rin akong nagpunta sa meeting place natin kaya nang makita kitang wala ay umuwi agad ako," pagsisinungalin ko. Gusto kong sabihin na naghinatay ako ng matagal pero mas pinili kong magsinungalin.

"I'm sorry," paulit-ulit niyang saad.

"Hindi kita maintindihan. Ano bang nangyari?"

"Well that jerk have an affair with his ex," sabay kaming napalingon ni Gheric. It's Kiro.

"Sinisiraan mo ba si Gheric, Kiro? Kanina mo pa sinasabi yan," my heart is beating so fast right now.

"Bakit hindi mo siya tanungin?" Muli kong ibinaling ang tingin kay Gheric.

"You and that Violet is having an affair? How? Kailan pa?" sunod-sunod kong tanong. Hindi siya sumagot kaya hinawakan ko ang kwelyo nito at niyugyog. "Bakit? Bakit ayaw mong sumagot? Bakit ayaw mong ipagtanggol ang sarili mo? Please, Gheric, magsalita ka at papaniwalaan kita,"

"Wala siyang kakayanan na ipagtanggol ang sarili niya dahil totoo lahat ng ibinibintang ko sa kanya,"

"CAN YOU PLEASE SHUT UP YOUR MOUTH!" sigaw ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Please," pilit na kumakawala ang mga likido sa aking mata at nang hindi ko na ito kayang pigilan ay bumuhos ito at dumaloy sa aking mga pisngi.

My phone vibrated. Dinukot ko ito at may nag-send sa akin ng isang video. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

Kahit na nanlalabo pa rin ang mata ko dahil sa mga luha ay pinidot ko ang play button at pinanood ang video.

Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na kayang tapusin ang video kaya ibinato ko ito sa kung saan.

"So it's true, nag-enjoy ka ba?" I wiped all my tears. "Ano na? Nasarapan ka ba?" I laughed. Napahawak pa ako sa aking tyan kakatawa. "The fuck!" I continue laughing at muling bumuhos ang luha sa aking mga mata.

"I'm done here." Kinuha ko ang kamay niya at ibinalik ang keychain sa kanya. "By the way, I hate hamsters," my lips formed a smile.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now