EIGHTEEN :

5 1 0
                                    

FINNLEY


"Finnley?" tawag niya sa pangalan ko. Lalabas na sana ako nang hatakin niya ako at ipasok sa isang cubicle.

"What the hell are you doing?" tanong ko dito at pinilit na kumawala.

"I really miss you, Fin. Kahit kaunting oras lang gusto kong makasama ka," nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

"Gheric, please don't make it hard for me, pinipilit kong kalimutan ka pero bakit lagi kang nariyan?" I said as my tears also starting to flow. He wiped my tears and kissed my forehead.

"I'm sorry, but I'll promise you na ito na ang huling pagkikita natin. I'll try my best na umiwas sa iyo," ang sakit na marinig ito mula sa kanya.

Nanatili kaming magkayakap. Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras na kami sa loob ng cubicle.

Nang kumalma na kami pareho ay sabay kaming lumabas at buti na lang ay walang ibang tao na nandito ngayon. Inayos ko ang sarili ko at muling sumulyap kay Gheric.

"Good bye, Gheric," I said at tuluyan ng lumabas ng C.R. Nadatnan ko naman si Kiro na nakaupo na sa labas at mukhang nakatulog na ito.

"Kiro?" Tinapik-tapik ko ng bahagya ang balikat nito na siyang naging dahilan para magising ito.

"Ay, sorry, nakatulog na pala ako dito," kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata saka tumayo.

"Gusto ko na umuwi, baka malaman pa ni Mama na wala ako sa bahay,"

"Tara na," inilahad nito ang kanyang kamay. Tinanggap ko ito at sabay kaming naglakad patungo sa kotse niya.

Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil sa tulin ni Kiro na magpatakbo. Daig pa ang mangangarera sa tulin.

"Thank you," pagpapasalamat ko. Sa kaunting oras ay nag-enjoy pa rin ako.

"Basta ikaw walang problema, so, pano? Alis na ako," nagpaalam na ito at pinaandar na ang kotse.

Ako naman ay nagdaan sa madilim na parte ng bahay. Tahimik din ang pagbukas ko ng pinto at baka magising ko sila Mama.

Ok na sana at makakarating na ako sa kwarto namin ni Ate ng may nasanggi akong walis na siyang lumagatok. Bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Ate at lumbas ito saka naman niya ako pinapasok.

"Ano yon?" rinig kong tanong ni Mama. Idinikit ko pa lalo ang taenga ko sa pinto para marinig ko ang pag-uusap nila.

"Nauhaw kasi ako kaya ako lumabas at di ko sinasadyang masanggi itong walis," rinig kong saad ni Ate.

"Siya sige, pagtapos mo uminom ng tubig ay bumalik ka na sa kwarto niyo para matulog,"

"Sige Ma," sagot ni Ate.

Wala na silang ibang pinag-usapan kaya nagtungo na rin ako sa gigaan ko para matulog. Hindi na ako nagpalit dahil nakaramdam na ako ng antok.

Paggising ko at nag-asikaso na ako para pumasok. Paglabas ko ng kwarto ay nasa labas na daw si Kiro para sunduin ako.

"Ang aga naman," bulong ko pa sa hangin. Hindi na ako nag-almusal pa at lumabas na ako ng bahay.

"Good morning," bati niya sa akin. Nginitian ko lang ito. Nauna itong nagtungo sa kotse niya at sumunod naman ako dito.

"Bakit mo pala ako sinundo?" takang tanong ko. Ano bang nakain nito para suduin ako ngayon?

"Masama bang sunduin kita?" pinaandar na nito ang kotse.

"Kung tungkol pa rin ito sa panliligaw mo, sorry pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay,"

"Ano ka ba? Sinundo lang kita as a friend," tumawa siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa isang tindahan at walang sabi-sabing lumabas ito at makalipas ng ilang minuto ay bumalik ito na may dala na itong dalawang kape.

"Here, para naman magkalaman ang tyan mo kahit papaano," inabot niya sa akin ang isa at tinanggap ko naman ito.

Humigop muna kami sa kape at nang makalahati na namin ito at muli niyang pinaandar ang kotse.

Nakarating kami sa school sa tamang oras. Inubos na namin ang natirang kape at itinapo ang baso. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang maglakad patungo sa room. Pagpasok namin sa room ay ingay ng mga kaklase namin agad ang bumungad.

Inilapag na namin ang gamit namin at kasabay nito ang pagdating ng teacher namin. Tumahimik ang lahat at bumati kami rito.

Wala naman siyang ibang pinagawa at puro review lang about sa past lessons ang ginawa niya. Wala ako sa mood na makinig kaya inihiga ko na lang ang ulo ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at paggising ko ay wala na ang iba kong kaklase. Ang tanging naiwan lang ay kaming dalawa ni Kiro.

"Asan na ang iba? Bakit tayo lang nandito?" takang tanong ko.

"Break na kaya ngayon," ganun na ba kalalim ang tulog ko?

"Ikaw bakit nandito ka pa? Wala ka bang balak na kumain?"

"Binantayan kita,"

"Bakit mo naman ako kailangang-" shit! Napapunas ako ng mata ng maramdamang may dumadaloy na likido mula sa mata ko.

"Habang tulog ka ay humihikbi ka, mabuti na lang at hindi ganun ka lakas. Kahit na gustuhin ko man na gisingin ka ay hinayaan na lang kita," paliwanag nito.

"S-Sorry,"

"No worries, nandito lang ako kung kailangan mo. Your handsome best friend will always here at your side!" Sumaludo ito sa akin na siyang nagpatawa naman sa akin. "Ops! Hold on!" Inilabas nito ang cellphone niya at mukhang kinunan niya ako ng litrato.

"Kununan mo ba ako ng picture? Patingin nga," hinablot ko ang cellphone niya at nag-usok ang ilong ko ng makita ang picture.

"Why? Di ba kamukha mo naman yan?" natatawa nitong sabi.

"KIRO!" sigaw ko. Hinablot niya ang cellphone niya at nagsimulang tumakbo.

Ang buong akala ko ay kinunan niya ako ng picture iyun pala ay picture ng unggoy na nakabitin sa puno. That jerk!

Lumabas na rin ako ng room at hinanap si Kiro. Naabutan ko ito sa nakapila kaya nagpasabay na rin ako ng makakain. Naghanap ako ng mauupuan namin at swerte ko ng may makita ako kaagad.

"Wala na, kasal na si Gheric, sayang,"

"Sa true, at doon pa talaga sa babaeng iyon, like hindi naman sila bagay,"

"Girl, siya rin yong ex ni Gheric na niloko siya. Hindi ko lang alam at bakit nagkabalikan sila," rinig kong bulungan ng nasa kabilang table.

"Here's your order your honor." Inilapag ni Kiro ang dala niyang pagkain. Hindi ko na narinig ang ibang usapan ng nasa katabinc table dahil sa daldal ni Kiro.

Mabilis na tumakbo ang oras at pagtapos naming kumain ni Kiro ay bumalik na rin kami sa room. Habang nasa hallway kami ay nagpaalam si Kiro at kailangan daw niyang magbanyo. Sabi ko ay hihintayin ko na lang siya pero pinauna niya na lang ako.

Pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin kaya hindi na muna ako nagderetso sa room. Nagpunta ako sa kung saan-saan pero tila nakasunod pa rin ito sa akin. Nakarating na ako sa garden at dahil iisa lang ang pasukan at labasan sa ay nagkamali akong pumasok dito. Lalabas na sana ako nang makita ang isang lalaki. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko saka inilagay sa mukha ko ang isang panyo. Pilit ko itong tinatanggal pero mas malakas siya kumapara sa akin.

Unti-unti akong nanghihina at suspeksya ko ay dahil ito sa panyo na mukhang nilagyan ng pampatulog. Biglang bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa kinain na ako ng dilim.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now