SEVENTEEN :

5 0 0
                                    

FINNLEY


Pagkatapos ng nangyaring sagutan namin ni Mama ay nagkaroon kami ng tampuhan. Nagbigay na rin siya ng rule kung anong oras ako dapat umalis at kung anong oras ang dapat na uwi ko. Hindi rin ako pwedeng lumabas ng bahay kung sakaling walang pasok.

Tila na ako presong nakakulong sa mga rules na ginawa ni Mama. Pero hindi ko naman masisi si Mama dahil nalason lang ang utak niya dahil sa kagagawan ni Violet.

That bitch! Kung hindi lang siya buntis ay baka nasipa ko na siya ng di oras.

Ngayon ay inuubos ko na lang ang oras ko sa paggawa ng kung anu-anong bagay. Nariyan ang nag-drawing ako, gumawa ng paper vase at makipaglaro sa nga stuffed toys.

Kunting-kunti na lang at mababliw na ako dito. Mas gusto ko pang may pasok kesa ang nakakulong ako dito sa bahay.

Tumunog ang cellphone ko at tumatawag si Kiro.

"Hello? Napatawag ka?" saad ko.

"Free ka ba ngayon? Gusto mo gumala?" tanong niya na siyang tinanggihan ko. "Sige na, ipapaalam kita kay Tita,"

"As if naman na papayag yon,"

"Nga pala, ayoko sanang sabihin sa 'yo to, pero ikakasal na sina Violet at Gheric bukas,"

Sinabi kong ibuhos na lang kay Violet ang pagmamahal niya pero bakit ang sakit? Bakit hindi pa rin ako maka-move on sa mga nangyayari? Bakit parang pinagsakluban ako ng langit at lupa?

"Hello? Nandyan ka pa ba Fin?"

"Ah, oo, nandito pa ako, sige na bye," agad kong pinatay ang tawag at tahimik na umiyak. Alam kong hindi na ako dapat umiiyak sa mga bagay na tapos na pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Para itong may sariling buhay na siyang kumukontrol sa akin.

"Sumama ka na kay Kiro, ako na bahal kay Mama." Napalingon ako sa may pinto nang may magsalita.

"Pero paano kung malaman ni Mama?" Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"Hindi ako sanay na nagkakaganyan ka, kaya sige na at sumama ka kay Kiro para kahit papaano ay mabawasan ang nilalaman niyang nasa dibdib mo," saad ni Ate at lumapit sa akin. "Suotin mo ito para hindi ka makilala ng kung sino mangkakilala natin." Inilapag niya sa harap ko ang isang itim na hoodie at isang itim ding mask.

Agad akong nagpalit at nang mabigay ng senyales si Ate na pwede na akong lumabas ay dali-dali akong lumabas at nagpunta sa madilim na parte. Naglakad lang ako dahil hindi ako nakapagdala ng pera.

Muling tumunog ang cellphone ko at tumatawag muli si Kiro.

"Nandito ako sa harap ng school," saad ko dito.

"Pinayagan ka na ni Tita?"

"Hindi,"

"Bakit ka nandyan kung hindi ka pinayaga?"

"Tumakas ako,"

"Loko ka! Paano kapag nalaman nila Tita?" ramdam ko ang pag-aalala niya.

"Susunduin mo ba ako dito o hindi?"

"P-Papunta na, hintayin mo lang ako," narinig ko ang mga yabag niya na tila nagmamadali.

"Wag ka masyadong magmadali, mag-ingat ka sa daan huh?"

"Yes po," sa pangalawang pagkakataon ay muli kong pinatay ang tawag.

Ilang minuto lang pagkatapos ko patayin ang tawag ay nakakita ako ng humaharurot na sasakyan and it's Kiro's car. Himinto ito sa harap ko at binuksan ang bintana. Nilapitan ko naman ito at saka binatukan.

"Aray! Para saan yon?" singhal niya.

"Kung makaharurot ka parang binili mo yang daan,"

"Wala namang ibang sasakyan ng ganitong oras,"

"Aba't talagang nagdadahilan pa ka," muli sana siyang babatukan ng mabilis niyang sinara ang bintana. Umikot naman ako at binuksan ang tabi ng driver's seat. Pagkapasok ko ay saka ko siya binatukan.

"Napakasadita mo talaga,"

"Saan ba tayo?" pagpapa-cute ko. Hindi ito tumalab sa kanya kaya inirapan ko siya.

"Ang bilis ng mood swing mo, may dalaw ka ba ngayon?"

"Gusto mo ng pangatlo? Para I love you." Himawakan niya ang mga kamay ko para hindi ko siya mabatukan.

"Pwede bang I love you na lang?"

"Siga na, ang corny mo na," sabay kaming tumawa. Ang sarap sa pakiramdam na tumawa. Parang ngayon ko na lang ulit ito naramdaman.

"Ano? Tara na?" Tumango lang ako at pinaandar na niya ang sasakyan.

Hindi nagtagal at ipinarada niya ito sa isang mall. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba na rin ako at sumunod sa kanya.

I'm not familiar sa mall dahil bihira akong magpunta dito. Nakakapit lang ako sa damit ni Kiro na parang isang bata na takot maligaw. Maya-maya ay tinanggal niya ang kamay ko sa damit niya ag hinawakan ito.

Ramdam ko ang mga tingin nila sa kamay namin ni Kiro kaya pilit kong inaalis ito sa pagkakahawak niya pero lalo rin niya itong hihigpitan.

Tinapik ko ito saka bumulong. "Ang dami ng nakatingin sa kamay natin,"

"Hayaan mo sila, hindi naman nila kamay hawak ko,"

"Pero-" Hinatak niya ako palapit sa arcade kaya di na ako nakapagsalita pa.

"Gusto mo bang i-try itong claw machine?" Sinilip ko ang laman ng claw machine at nagliwanag ang mata ko nang makita na puro ito panda. Nagpapalit si Kiro ng tokens at binigyan niya ako nito kaya mabilis ko itong hinilog at naglaro.

Sa first try ko ay wala akong nakuha. Himingi pa ako mv token kay Kiro at muling sumubok. Pigilhininga ako habang naglalaro at nang my makuha ako ay nagtatalon ako kasama si Kiro. Napatingin ang lahat sa amin kaya huminto kami sa pagtalon at kinuha ang maliit na panda.

"Artista ba yong isa? Kung maka-hoodie at mask para sikat na tao," rinig kong saad ng isang babae. Natahimik ako at kinalabit si Kiro.

"Hm? Bakit?"

"Gusto kong maglibot," saad ko at pumayag naman siya.

Habang naglilibot ay nakatingin sa akin si Kiro.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko rito.

"Bakit ka nga ba naka-hoodie at mask?" balik niyang tanong.

"Pinasuot sa akin ni Ate para walang makakilala sa akin,"

"Hindi mo ba alam na agaw pansin ka? Ang dami na ring kumukuha ng pictures dahil akala nila ay sikat ka,"

"Huh?" Inilibot ko ang paningin at tama nga siya. Ang ilan ay nakavideo pa kaya mabilis akong yumuko ay kinaladkad si Kiro sa kung saan.

Napunta kami sa C.R. at sakto dahil kanina ko pa gustong magbanyo. Tinanggal ko na ang hoodie ko at maging mask na suot ko saka ito pinahawak kay Kiro na siyang maghihintay na lang daw sa labas.

Pagpasok ko ng C.R. ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makita.

HS #3: Waiting for LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant