NINETEEN :

7 1 0
                                    

FINNLEY


UNTI-UNTI kong iminulat ang mata ko. Inilibot ko ang mata ko sa hindi pamilyar na lugar. Biglang sumakit ang ulo ko at nag-sink in ang mga nangyari bago ako makarating dito.

Tatayo na sana ako pero nakatali pala ang mga paa ko at kamay ko. Kahit na anong gawin ko ay hindi ako makawala dahil sa higpit ng pagkakagapos sa akin. Good thing ay hindi naka takip ang bibig ko.

"Tulong!" sigaw ko. "Please tulong!"

Napalingon ako sa pinto nitong kwarto nang bumukas ito.

"Hello, Finnley," as expected. Siya ang may kagagawan nito.

"Ikaw! Wala ka na bang ibang magawa?" Pinipilit kong tumayo pero napapaupo lang ulit ako.

"Chill, inhale . . . Exhale . . ."

"The heck! Ano bang problema mo?"

"My problem?" she press her temple at tila ito nag-iisip. "Aha! My problem is you at pati itong bata sa tyan ko,"

"What do you mean? Pati ang bata ipapahamak mo?" naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Don't tell me na kaya niyang saktan maging ang anak niya.

"What to hear a story?" Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Kahit na gusto ko siyang saktan ay hindi ko magawa dahil nakagapos ako. "Nung araw na nagplano kayong magtanan ay nilagyan ko ng mapapatulog ang inumin ni Gheric na siyang umepekto kaagad. My plan was to have sex with him pero puro nalang Fin, Fin, Fin! Nakakairita na puro na lang ikaw ang binibigkas ng bibig niya samantalang ako ang nasa tabi niya." Tumayo siya sinampal ang kaliwang pisngi ko. Dahil sa lakas ng pagkasampal niya ay napahiga ako at hindi ako kaagad nakabangon.

Hindi pa siya nakontento at itinayo niya ako gamit ang buhok ko. Sinabunutan niya ako para makatayo. Muli niya akong sinampal sa kanan namang pisngi at gaya kanina ay napahiga ako dahil sa lakas ng pgkakasampal niya.

"Hindi ko na natuloy ang plano ko kaya sa ibang lalaki ako nakipag-sex para magkaroon ng laman itong tyan ko at para mahawakan ko sa leeg si Gheric,"

"Napakasama mo!"

"Thank you sa papuri, pero may mas isasama pa ako. Want to know kung anong gagawin ko sa inyo? Yes, kasama ang letseng bata sa tyan ko." Tumawa siya. Ramdam kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Mukhang hindi na tao ang kasama ko.

"Pati ba naman ang batang walang alam ay idadamay mo? Wala kang kasing sama!"

"Relax, ang alalahanin mo ay ang sarili mo dahil tyak akong kapag nalaman ni Gheric ang mangyayari ngayong gabi ay baka makalikutan niyang minahal ka niya," a smile formed on her lips.

Hindi ko alam kung anong plano niya pero mukhang kinakabahan ako sa mga pwede niyang gawin.

"Buhatin niyo na siya," maya-maya ay may mga lalaking pumasok at binuhat ako.

"Teka! Saan niyo ako dadalhin? Bitawan niyo ako!" Pagpupumiglas ko. Tila sila walang naririnig kaya wala na akong nagawa kung di ang tumahimik.

Lumabas kami sa gusaling pinagdalhan sa akin at isinakay ako sa isang kotse. Pinaharurot nila ito at hindi ko alam kung saang lupalop nila ako dadalhin.

Huminto ang sasakyan sa isang madilin na lugar. Tinanggal nila ang pagkakagapos sa akin at nang tangkain kong tumakas ay bigla nila akong sinuntok sa sikmura, dahilan para mamaluktot ako sa sakit. Inilipat nila ako sa driver seat at ni-lock ako sa loob.

Napapikit ako ng mata ng may biglang bumukas na ilaw na sa tingin ko ay mula rin sa isang sasakyan. Habang nag-a-adjust pa ang mata ko sa ilaw ay biglang may bumunggo sa sinasakyan ko at tumama ang ulo ko sa manubela. Sa sobrang lakas ng pagkakabagok ko sa manubela ay unti-unting nag-block out ang paningin ko hanggang sa kainin na ako ng dilim.

Nagising ako na nasa kotse pa rin ako pero laking gulat ko ng makita ang nangyari. Ang huli kong natatandaan ay may bumangga sa akin. Hindi kaya ito ang plano ni Violet?

Napatingin ako sa isa pang kotse at hindi nga ako nagkamali. Si Violet ang nasa kabilang kotse at sa tingin ko ay hindi nakaligtas ang bata sa ginawa niya.

Maya-maya ay bumukas ang pinto ng sinasakyan ko at pinagtulungan nila akong alisin. Nang maalis nila ako mula sa kotse ay ipinasok naman nila ako sa ambulance para gamutin ang naging pinsala ko. After how many minutes na paglilinis ng sugat ko ay lumapit naman ang isang pulis.

Marami siyang sinabi na hindi ko maintindihan, pero ang tumatak lang sa isip ko ay maaari akong makulong. Naging bilasa ako at hindi alam ang gagawin.

"Nasaan ang mag-ina ko?" It's Gheric's voice. Pinilit kong bumangon at binuksan ang pinto ng ambulansya. Pagbukas ko ng pintuan ay si Gheric agad ang bumungad. Hindi maipinta ang mukha nito at nang makita ako ay nilapitan niya ako. Ang akala kong matamis na yakap ang ibibigay niya ay isa palang masakit na suntok sa aking mukha.

"Bakit ko ito nagawa? Hindi na kita makilala, Fin," muli sana niya akong susuntukin ng pingilan na siya ng mga pulis.

"Please let me explain. Hindi ko ito ginawa, lahat ng ito ay kagagawan ni Violet," pagapapaliwanag ko.

"The fuck, Fin? Sa tingin mo papaniwalaan ko iyan? Walang gagawin si Violet na ikakasama ng baby namin,"

"Maniwala ka sa akin dahil iyon ang totoo!"

Dumating ang mga nurse at muli nila akong ipinasok sa ambulansya. Pinilit kong kumawala dahil kailangang malaman ni Gheric ang totoo pero sa dami nilang nakahawak sa akin ay wala na akong nagawa. May kung ano silang itinurok sa braso ko na naging sanhin ng paghina ng katawan ko at maya-maya pa ay nawalan na ako ng malay.

Nagising akong nasa hospital na at nakaposas ang mga kamay. Don't tell me, ikukulong talaga nila ako? Pero hindi ko naman kasalanan ang lahat.

"Fin!" a familiar voice is coming to this way. Nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito si Kiro. "Anong nagyari sayo? Nag-alala ako nang makita sa balita ang nangyrai. Ayos ka lang ba?"

"May mga kaunting galos lang pero ayos naman na ako," sagot ko.

"Nakaposas ka? Bakit ka nakaposas? May ginawa ka ba? The last time I check ay bigla kang nawala nang nasa C.R. ako, saan ka ba nagpunta nun?"

"Mauuna na sana ako sa room pero pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin kaya imbes na tumuloy sa room ay umalis ako ng building at malas ko dahil na padpad ako sa garden at doon na niya ako na corner," paliwanag ko. " Nagising na lang ako na nasa isang kwarto at lahat ng ito ay pakana ni Violet maging ang naging aksidente. Balak pa atang i-frame up ako ng babaeng yon," dagdag ko pa.

"Alam na ba ito ni Gheric?"

"Yes, in fact mas naniwala siya sa ginawa ni Violet at ngayon ay masama na ang tingin niya sa akin,"

"That jerk!" sigaw ni Kiro. Biglang bumukas ang pinto kaya napabaling dito ang atensyon namin.

And speaking if Gheric. Pumasok siya at lumapit sa akin. Nagulat kami pareho ni Kiro nang kwelyuhan niya ako.

"You will pay for this! Mamamatay tao ka, pinatay mo ang anak namin ni Violet!" bago pa dumapo sa akin ang kamao ni Gheric ay pinigilan ito ni Kiro.

"The hell Gheric! Alam mo ba ang ginagawa mo? Mas paniniwalaan mo ang babae mo kaysa kay Fin?" Itunulak niya si Gheric at bumangga ang likod nito sa pader. Dumausdos ito pababa at niyakap ang kanyang mga tuhod.

"Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko," saad nito at unti-unti ng dumaloy ang kanyang mga luha. Kahit na gusto ko siyang lapitan at yakapin ay hindi ko magawa dahil sa posas sa aking kamay.

I can't help but to watch him crying.

HS #3: Waiting for LoveWhere stories live. Discover now