PROLOGUE

10.2K 131 11
                                    


MAY KIROT na nadarama sa dibdib si Prince habang pinapanood ang pamimitas ng ligaw na bulaklak ni Delaney sa gilid ng burol.
Akala niya'y naubos na ang mga luha niya habang patungo sila roon sa burol. Pero nagkamali siya. Muli ay nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga mata at nagbabantang bumagsak ang kanyang mga luha. Subalit hindi niya gustong gawin iyon sa harap ng labing-isang taong gulang na batang babae.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at tinanaw sa ibaba ng burol ang hindi kalawakang lupain at isang luma at maliit na bahay na yari sa kahoy at yero. Iyon ang kabuuan ng lupaing mula sa oras na iyon ay responsibilidad niya.

Si Delaney at ang Kaila Farm-his legacy from the two people he had begin to care about.

Dalawang malaking responsibilidad iyon sa kanyang mga balikat. Hindi maaaring mawala ang Kaila Farm kay Delaney at si Delaney sa Kaila Farm.

Ang lupaing hindi naman kalakihan at nangangailangan ang ng salapi at hirap upang hindi mauwi sa wala pinaghirapan nina Zachary at Kaila.

"Kaila..."

Tumingala siya sa langit upang ibaling ang namuong luha sa mga mata. Sa pagpapalitan ng mga kulay ng papalubog na araw ay tila humuhugis doon ang mukha ng dalawang taong sa loob lamang ng maikling panahon ay naging mahalagang bahagi ng buhay niya. At sa kabila ng malakas na ihip ng hangin ay tila naririnig niya ang tinig ni Kaila.

"Take good care of Delaney, Prince..."

Muli'y pinuno niya ng hangin ang dibdib at nilingon ang bata. Lumingon ito sa kanya. She smiled at him though there was sadness in her amethyst eyes. Nililipad ng hangin ang mahaba, nagra-riot na kulot at mamula-mulang buhok, buhok na nakuha rin nito sa ama. Nasa mga kamay nito ang mga pinitas na bulaklak-parang sa gilid ng burol.

"Look, Prince!" sigaw ng bata. "Marami akong
napitas na mga wild roses."

Wild roses. Sa kabila ng lahat ay hindi niya mapigil ang mapangiti. Mga ligaw na bulaklak pero wild roses para kay Delaney ang mga iyon. And he didn't want to spoil her fun, never dreamed of disillusioning her.

Sa halos apat na buwang pananatili nito sa farm ay sa burol pinalilipas ng bata ang lungkot at sama ng loob sa tuwing hindi nanaisin ni Kaila na makita ito ng anak.

At nakahiligan ni Delaney ang manguha ng mga bulaklak-parang sa burol. Unlike other girls her age, hindi hinanap ni Delaney ang karangyaan ng dating buhay nito sa Maynila. It seemed that the girl loved the whole place. Ipinakibagay na nito ang sarili sa buhay
sa farm. At bakit nga ba hindi? Ang farm na lang ang natitirang pamana rito mula sa mga magulang.

Humakbang palapit si Delaney at tumingala sa
kanya. "Aren't they pretty, Prince?"

"Yes, they are."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng bata habang nakatitig sa kanya. "Why are your eyes red?"

"Because of the sun," sagot niya sa nananakit na lalamunan.

"Oh." Banayad na tumango si Delaney, sa wari'y pilit na tinatanggap sa sarili ang dahilan niya. "They made me cry, too." Tumingala ito sa langit at sa dako pa roon. Matinding lungkot ang nagdaan sa mga mata nito na halos magpahati sa puso niya.

"But there's no sunshine anymore, Prince. It is
almost dusk," wika nito, a little frown on her forehead.

"Yes," sang-ayon niyang muli sa gumagaralgal na tinig at tumingin sa papalubog na araw. "Pero hinihilam ng hangin ang mga mata ko, Lana."

Sa sandaling iyon ay hindi itinago ni Delaney ang pagguhit ng matinding lungkot sa mga mata. It was as if she would cry anytime. Tumingala ito sa kalangitan na pinipintahan na ng araw ng malamlam na kahel at malalim na pula.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now