CHAPTER FOURTEEN

4.5K 110 13
                                    

ANG PAGLAPIT ng waiter para lagyan ng tubig ang mga baso nila ang nagpabalik ng isip ni Delaney Sa kasalukuyan.

"Kahit ba minsan ay hindi nakipagkita si Prince sa iyo?" tanong ni Carly nang makaalis na muli ang waiter.

"I left for the States three months after he... he wed me. At si Nana Mameng ay iniiwasang ibalita sa akin ang anumang bagay tungkol kay Prince." Her voice broke.

Puno ng simpatya ang mukha ni Carly nang titigan siya. "Nakaligtaan mong ikuwento kung paano mo ginawang pakasalan ka ni Prince, Delaney. I'm intrigued." Unti-unting nahalinhan ng excitement ang simpatya sa mukha nito.

Umiwas ng tingin si Delaney. Hindi niya gustong ikuwento sa kaibigan ang nangyari nang gabing iyon... ang kahihiyang tinamo niya. Pero natitiyak niyang hìndi siya titigilan nito kung hindi niya sasabihin.

She closed her eyes tightly. Sa nakalipas na isang taong mahigit ay sinikap niyang kalimutan ang anyo ni Prince nang magising siya mula sa marahas nitong pagyugyog sa mga balikat niya,

Pagpasok niya sa bahay nang gabing iyon mula sa swing ay agad niyang tinungo ang banyo at kinuha mula sa medicine cabinet ang natitirang tatlong tabletang sleeping pills na inireseta kay Nana Mameng ng doktor nang hindi ito mapagkatulog maraming buwan na ang nakalipas. Dinurog niya ang dalawa roon.

Sa loob ng sampung minuto ay inantabayanan niyang pumasok si Prince. Nang makita niyang tumayo na ito mula sa swing ay mabilis siyang nagtimpla ng kape para dito.

Bagaman nagulat si Prince na nasa sala pa siya ay hindi nito tinanggihan ang kapeng inalok niya.

"Salamat, " he said in a strained voice that
Surprised her. "Pero matulog ka na. Hatinggabi na. Sa sofa na ako matutulog, " He took a sipped from his mug.

"No. Doon ka sa kuwarto ko matulog, Prince.
Tatabi ako kay Nana Mameng, " suhestiyon niya. "Nasa closet ko rin yung mga naiwan mong T-shiris. Magpalit ka."

"Are you sure? Okay na sa akin ang matulog sa
sofa." He took another sip from his coffee.

"Mananakit ang katawan mo sa sofa at bibiyahe ka pa bukas, Malaki naman ang kama ni Nana."

"Thank you, Lana. Night, " wika nito tinungo na ang silid niya at pumasok naman siya sa katabing silid. Sinulyapan niya si Nana Mameng na tulog na tulog. Nanatili siyang nakatayo sa pinto at nakiramdam. Matiyaga siyang naghintay nang ilang minuto bago muling lumabas.

Inikot niya ang doorknob ng sariling silid at
sumilip. Nakita niyang paharang na nakahiga si
Prince sa kama niya. Sa sahig ay ang hinubad na medyas at sapatos. Pero hindi nito nakuhang hubarin ang suot na polo shirt. Sa kamay nito ay ang isa sa mga T-shirts nitong nakasalansan sa closet niya.

Marahan siyang lumakad patungo rito. Tiniyak
niyang tulog na ito bago isa-isa niyang hìnubad ang damit nito maliban sa briefs. Sa buong buhay niya ay wala siyang nakitang hubad na katawan ng lalaki. Until now.

Malaya niyang pinagmasdan ang hubad nitong katawan nang buong paghanga at pagkamangha. From his massive shoulders to his chest and down to his flat stomach. She swallowed as her eyes boldly moved lower, to the bulge of his maleness, Delaney gasped. Shame and something else mingled with each
other. That something else was warm and it ran through her stomach and settled to the most private of her anatomy.

She had a taste of that achingly pleasurable
feeling when Prince kissed her: When he grounded his thighs against hers... when he kissed her breast...

Naupo siya sa kama at pinagmasdan ang mukha nito. Tumaas ang kamay niya at banayad na hinaplos ang pilat nito sa gilid ng mukha. Her fingers moved to his lips and touched it reverently.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now