CHAPTER TEN

4.9K 98 0
                                    

"'MORNING."

Nahinto sa paghigop ng kape si Prince nang
bumungad sa silid-kainan si Delaney. She was wearing khaki baggy pants and dark blue cotton blouse. Angnmamula-mulang buhok ay nakatirintas sa likod.

She was smiling. At sa wari ay biglang nagliwanag ang araw at pumasok ang sinagniyon sa loob ng kusina gayong namamanaag pa lamang iyon sa likod ng mga
bundok.

"'Morning," ganting-bati ni Prince. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. "Wala pang alas-singko. Kay aga mong nagising. Naunahan mo pa si Nana Mameng."

Nang akmang hihilahin ni Delaney ang upuan sa kanang bahagi ni Prince ay umangat siya sa kinauupuan at hinila iyon para dito.

She murmured her thanks. "Baka kasi paggising ko'y nakaalis ka na patungo sa kural. Ang sabi ni Mang Elmo Kagabi'y maaga kang nagtutungo sa manukan. At pagkatapoS ay tutuloy ka sa kural."

"So?" Ipinagpatuloy nito ang paghigop ng kape.

"Sasama ako sa iyo."

Naibaba nang wala sa oras ni Prince ang coffee
mug. "Sasama?" Mabilis itong umiling. "Hindi maaari, Delaney."

"What's wrong? Ano ang masama kung sasama ako sa manukan at kahit sa kural? Gusto kong makita ang buong farm, Prince."

Ilang sandaling tinitigan ni Prince ang determninasyon sa mukha niya bago ito humugot ng malalim na hininga.

"Okay. Pero huwag kang magrereklamo kung mainit at mapagod ka. Hindi ako maaaring bumalik kaagad para lang ihatid kang muli rito sa bahay."

She smiled. She would walk through fire if only to be with him.

"I'VE NEVER ridden a horse in my whole life, Prince, baka ihulog ako niyan!" Magkahalong takot at excitement ang nasa tinig ni Delaney nang ilapit sa kanya ni Prince ang isang kabayo na dala-dalani Lando, ang isa sa apat na tauhan ng farm.

"Maamo ang kabayong ito, Lana," paniniyak nito, a reassuring smile on his lips. "Hindi ka niya ihuhulog. Isa pa'y kasama mo naman ako at hindi naman natin patatakbuhin nang mabilis ang mga kabayo."

"If.. if you say so," alanganing sang-ayon niya.
Tinitigan niyang muli ang kabayo, "Paano ako sasakay?"

"Madali iyan..." Sa pagkabigla ni Delaney ay hinawakan ni Prince ang baywang niya at bale-wala siyang itinaas patungo sa likod ng kabayo. She shrieked, lalo na nang gumalaw ang kabayo.

Prince chuckled. Hawakan mo ang renda," utos
nito. "Relax, Lana. Alam ng mga kabayo kung natatakot ang sakay nila. Nagiging agitated din sila."

She obeyed and went still. Kinalma ang sarili. Tulad ng napapanood niya sa sine, hinimas-himas niya ang leeg ng kabayo, murmured soothing words.

Humalakhak si Prince sa ginawa niya. Sumampa na rin ito sa kabayo nito. Sa banayad na pagpapatakbo ay nagkaroon ng pagkakataon si Delaney na suriin ang paligid ng farm. Nakita niyang hindi gaanong maganda ang tubo ng mga abaka. Ang mga puno ng pili ay walang
bunga.

She sighed her dismay. "Papaano kikita ang farm kung hindi mahusay ang mga pananim?"
Pero marahil ay nababawi naman ng mga hayupan, she thought.

Makalipas ang dalawampung minuto ay nasa kural na sila. Inalalayan siya ni Prince sa pagbaba. Inutusan nito ang dalawang tauhang dalhin sa grazing ground ang iilang mga baka.

"Marami na pala tayong mga baka at kabayo,
Prince," komento niya at lumapit sa kural, pinanonood ang pagtataboy ng mga tauhan na palabasin ang mga baka.

Isang matabang na tawa ang pinakawalan ni Prince. "Hindi marami ang mga iyan, Delaney," wika nito.

Pumanhik siya sa kural at naup0 sa itaas niyon
tinitigan si Prince na nanatiling nasa ibabaw ng kabayo. "Nagtapos ka sa kolehiyo may tatlong taong mahigit na ang nakalipas, Prince," she said thoughtfully. "At ang lahat ng natutuhan mo'y dito mo rin ginamit sa farm. Aren't you bored?"

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now