CHAPTER FIFTEEN

4.4K 102 3
                                    

"ALAM kong lahat ang ginawa mo nang gabing iyon, Delaney," pabuntong-hiningang sabi ni Nana Mameng nang magtangka siyang ipagtapat dito ang dahilan sa likod ng sapilitang pagpapakasal nila ni Prince.

Manghang humarap siya rito. "Alam ninyo?"

"Kulang na lang ay ako ang nagluwal sa iyo sa
mundong ito, Delaney. Sa palagay mo ba ay
mapaglalakuan mo ako?" Malungkot itong naupo sa pang-isahang sofa.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "H-hindi ko
naintindihan. Nakisaya kayo sa kanila nang ianunsiyo ni Prince ang engagement nila... "

"Ano ang inaasahan mong gawin ko?" sagot nito. "Hindi ko binigyang-halaga ang damdamin mo kay Prince mula noong bata ka pa lalo at nitong nagdadalaga ka'y hindi ka naman nawawalan ng kasintahan. Subalit nang ihayag ni Prince ang ugnayan nila ni Cleo, tila ako ang nasaktan sa nakita kong sakit na gumuhit sa mukha mo. Nakita ko rin ang patago mong pag-iyak sa duyan nang gabing iyon. Alam ko kung anong oras dumating si Prince at gising ako nang pumasok ka sa silid ko at mag-antabay."

Napaupo sa sofa si Delaney. Matagal nang nangyari iyon subalit hindi niya maiwasang hindi mag-init ang mukha sa pagkapahiya.

"Bakit hindi man lang ninyo ako inawat, Nana?" pabulong niyang sabi.

"Iyon ang isang malaking pagkakamali sa bahagi ko," wika nito, nagkalambong ang mga mata."Kinunsinti kita dahil hindi ko gustong makitang nasasaktan ka. Kung kaya ko lang ibigay sa iyo ang lahat ng bagay na makapagpapaligaya sa iyo ay gagawin ko."

"Oh, Nana." Nilapitan niya ito at niyakap.

"Nalimutan kong hindi ang uri ni Prince ang
nagpapamanipula kahit na kanino," patuloy ni Nana Mameng, banayad siyang tinapik-tapik sa balikat. "Kung kinupkop lang siya ng daddy mo at hindi ipinadala sa farm para magtrabaho, natitiyak kong buhay pa man ang ama mo'y matagal na siyang nawala sa atin. Matayog at may prinsipyo si Prince, Delaney. Hindi niya gustong umasa sa daddy mo nang walang kapalit sa bahagi niya. At alam ni Zach iyon."

Tumingala siya upang ibalik ang nagbabadyang mga luha. "Uuwi tayo sa farm, Nana. Gusto kong ituwid ang pagkakamaling nagawa ko."

"Sa palagay mo ba ay tama ang desisyon mong ito?"

She sniffed. Si Jordan mismo ang nag-ayos
annulment papers niya sa nakalipas na ilang araw. Kailangan niyang papirmahan iyon kay Prince at siya mismo ang magdadala. Gusto ni Jordän na samahan siya sa pagtungo sa Sta. Esperanza subalit tumanggi siya. She might be a lot of things but she had never been a coward.

"Hindi ko na maibabalik ang panahong nasayang, Nana. Dapat sana'y naging maligaya si Prince sa piling ni... Cleo. Kayo na rin ang may sabing maraming isinakripisyo si Prince para sa akin. Noon ko pa dapat naisip ito."

"Umaasa akong para sa kaligayahan nínyong pareho ni Prince ang kahihinatnan ng gagawin mo, Delaney," wika nito.

Isang pilit na ngití ang ibinigay niya rito. "Mayroon ba kayong hindi gusto kay Jordan, Nana?"

"Kung si Jordan ang dahilan kaya naisip mong
pawalang-bisa ang kasal ninyo ni Prince ay hinahangad ko ang kaligayahan ninyong pareho, Delaney. Hindi na rin naman iba si Jordan sa akín. Kung sana lang..." Hindi nito itinuloy ang sinabí at malungkot na umiling.

"Kung sana lang ay ano, Nana?"

Gumuhit ang lungkot sa mukha nito. "Para sa akin ang kasal ay sagrado, Delaney, saan man ito ginanap. Pero sa kaso ninyo ni Prince ay tama marahil na ipawalang-bisa mo ang kasal ninyo."

Higit kaníno man, siya ang magnanais na hindi mabuwag ang kasal nila ní Prince, But some things weren't meant to be.

WITH her heart thudding violently against her chest, tahimik na pinagmamasdan ni Delaney si Prince habang niyayakap ito ni Nana Mameng. He wore a charcoal gray shirt that was stretched across his taut muscles defining his strength, and a pair of faded denim cutoffs that emphasized the lean, long line of his leg, and the corded muscles of his thigh.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now