CHAPTER EIGHT

4.7K 103 1
                                    

1986

"LET'S go, Nana," anyaya niya rito matapos ipasok sa compartment ng Toyota Starlet ang mga bagahe nila. Lumakad siya patungo sa driver's seat at pumasok sa loob ng kotse.

"Kinakabahan ako sa ginagawa mong ito, Delaney," wika ni Nana Mameng na kasunod niyang sumakay.

"Relax lang, Nana."Ngìnitian niya ito at pinaandar na ang sasakyan. Ilang sandali pa ay palabas na sila ng subdivision. "Darating tayo roon bago mag-alas-kuwatro ng hapon."

"Napakalayong biyahe ang gagawin natin, Delaney" patuloy nito, nilinga ang daan. Madilim pa. Alas-tres y media pa lang ng madaling-araw. "At napakaliit nitong kotseng ito. Baka hindi ito tumagal sa mahabang biyahe. Paano kung masiraan tayo sa daan?"

"Nana, wala pang dalawang taon itong kotse ko, remember? Paano tayong masisiraan gayong well-maintained ito. Unibersidad-bahay-departıment store lang ang ruta ko." She smiled at her reassuringly. "Isa pa'y pinatingnan ko sa casa ang kotse."

Regalo ni Prince ang kotseng iyon sa kanya noong ikalabingwalong taong kaarawan niya. Dinala iyon ng ahente ng casa sa mismong birthday niya--without Prince. She almost hated him for that. Sinira nito ang debut niya. She promised her friends and classmates that Prince would be there.

May ilan na sa mga kaibigan niya ang naipakilala niya rito sa bibihirang pagkakataong lumuluwas sa Maynila si Prince. Most of them had crushes on him. Isa na rito ang kaibigang si Carly. She didn't mind. Tiniyak lang ng mga iyon na hindi siya nagkamali ng pag-uukol ng lihim na damdamin kay Prince.

Hindi niya pinansin ang kantiyaw ng mga kaibigan. Mas nasasaktan siyang binale-wala nito ang okasyong iyon. Kung malit na bagay lang ang kotse at maihahagis ay ginawa na niya sa frustration niya. At sa mismong gabing iyon ay nakipag-break siya sa boyfriend niyang wala pang isang linggo. Dito niya ibinunton ang inis.

At iyon mismo ang dahilan ng biyaheng ito.
Semestral break. At kung hindi siya nito pinuntahan noong birthday niya, puwes, siya ang tutungo sa Sta. Esperanza.

"Bakit kasi hindi mo na lang hintayin ang pagdating ni Prince, hija?" patuloy ni Nana Mameng.

She rolled her eyes. "Para n'yo na ring sinabing hintayin ko ang unang patak ng ulan sa tag-araw, Nana. Taunan kung magkita kami ni Prince. Natatandaan ho ninyo kung kailan kami huling nagkita?"

Napailing si Nana Mameng. Ang kunot ng noo ay nahawi at may bahagyang ngiti ang sumilay sa mga labi. "Paano kong malilimutan ang araw na sitahin ni Prince si Jordan?"

She smiled, too. Si Jordan ang kasalukuyang
boyfriend niya nang mga panahong iyon.

Niyaya siya nito na kumain sa labas. Katunayan ay kasama rin ang kapatid nitong si Carly dahil hindi siya papayagan ni Nana Mameng na makipag-date nang walang chaperone.

She was barely seventeen. Subalit nang pauwi na ay hindi na sumama si Carly na ihatid siya sa bahay nila. Dumiretso na ito ng uwi. Ang bahay ng mga Velasquez ay sa kabilang block lang.

Hindi niya inaasahang nasa bahay si Prince.

Lumuwas ito upang bumili ngpiyesa para sa makinarya sa farm. Nakatiim na ang mukha nito nang pumasok sila ni Jordan. Ayon kay Nana Mameng ay ang pag-uwi lang nila ang hinihintay nito. And Prince almost gave Jordan the third degree.

"Sa tuwing lumuluwas ako ay iba't ibang lalaki
ang ipinakikilala mong boyfriend, Delaney!" singhal ni Prince nang makaalis si Jordan.

She rolled her eyes. "Para namang ganoon ka
kadalas lumuwas para malaman mong iba-iba ang boyfriend ko," she murmured. Well, si Jordan ang ikatlong boyfriend na naipakilala niya rito. But Jordan was her first date. At dito lang nagagalit si Prince.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now