CHAPTER SEVEN

4.4K 89 3
                                    

1989

"SO OKAY," ani Carly matapos ibalik sa waiter ang menu, inikot ang paningin sa loob ng restaurant na ivon sa Makati. "Sabihin mo na sa akin kung bakit dito mo ako niyaya? Gusto kong himatayin sa presyo ng pagkain."

Napangiti si Delaney. "Kaya ba kay tagal mong
ibinigay ang order mo sa kahahanap ng pinakamura?"

Carly shrugged her shoulders. "Alam kong hindi mo ako dadalhin dito kung wala kang pera. Kaya lang...oh, well. Huwag mo na akong i-suspense pa, bakit mo ako dinala rito?"

"Blowout ko sa iyo." Inabot nito ang long-stemmed rose sa plorera at nilaru-laro ang petals.

"Blowout?" Tumaas ang mga kilay nito. "Nanalo
ka ba sa sweepstakes?"

"Naalala mo iyong property sa Tagaytay na sinabi mo sa aking subukan kong hanapan ng buyer?"

Isa iyong dalawang palapag na vacation house na nakatayo sa kalahating ektaryang lupa at nakatanaw sa Taal Lake. Mula nang dumating siya galing sa America may anim na buwan na ang nakaraan ay pansamantala niyang tinanggap ang alok ni Carly na mag-part-time sales agent siya sa kompanya ng real estate na pinapasukan nito
bilang sales manager.

Tumango si Carly. Bahagyang nanlaki ang mga mata then shook her head. "No. No. Don't tell me na naibenta mo ang property na iyon. It's worth millions, Delaney. Ilang buwan ko nang hinahanapan ng buyer iyon. At may ilang kasamahan na rin akong sumubok na maghanap ng buyer para doon."

"I've closed the sale, Carly."

Ilang sandaling tila natuka ng ahas si Carly na
nakatitig lang sa kanya. Dumukwang ito sa mesa. And in a hushed voice said, "N-naibenta mo?"

Tumango si Delaney. "Bukas ay pipirma sina Mr.
at Mrs. Teng ng deed of sale."

cYou've closed the sale. " muling pag-ulit nito.
Napatuwid ng upo nang dalhin ng waiter ang order nila at iayos iyon sa mesa. Ilang sandali pa'y iniwan na sila nito.

Delaney smiled. "Huwag kang overacting, ha,"
wika niya nang manatiling nakatanga si Carly sa kanya.

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Carly nang maka-recover sa pagkabigla upang pigilin dìn lang ang sarili at takpan ang bibig at nilinga ang paligid. Subalit ang iilang kumakain sa de-klaseng lugar na iyon ay tila hindi naman sila napapansin.

"Tinalo ng sales na iyon ang benta ko sa loob ng isang taon, Delaney!"

Nahihiyang tumawa si Delaney. "You're
exaggerating, Carly.."

"No, I am not! Part-time job mo lang ito pero dinaig mong lahat ang mga ahente ko pagsama-samahin man ang mga benta nila sa nakalipas na anim na buwan. My goodness, magkano ang magiging komisyon mo roon Milyon ang halaga ng property na iyon!"

Inabot nito ang bag at kinuha ang pocket calculator at nagtuos at pagkatapos ay napasinghap. "Delaney, sapat nang pang-half payment sa bagong kotse, mapapalitan mo na ang lumang Starlet mo!"

"Loka, huwag mong pag-initan ang kotse ko. Wala akong balak palitan iyon. Hindi ka pa itinirik ng sasakyan ko minsan man."

"Kunsabagay," sapilitang sang-ayon nito. Nang
umalis si Delaney patungong America ay malayang nahihiram ni Carly pana-panahon ang sasakyan niya kay Nana Mameng.

"Thank you, Carly. I owe you this," Delaney said
sincerely. Nagsimulang bigyan niya ng atensiyon ang pagkain sa harap.

Carly's nose flared. "You don't owe me a thing.
Ikaw ang nagtrabaho. At siguro naman ay maaari ka nang mag-full-time bilang ahente. At ano'ng malay mo, maganda at matalino ka. Baka ilang buwan lang ay halinhan mo na ang mga executives sa opisina."

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now