CHAPTER TWENTY ONE

10.4K 215 42
                                    

MATAPOS payapain si Nana Mameng dahil sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanya ay lumabas sa balkonahe si Delaney. Maraming tanong ang gumugulo sa isip niya at wala siyang mahagilap kahit isang kasagutan.

Teresa was in love with Prince.

Prince was engaged with Cleo. And Cleo was pregnant, or could be pregnant.

Who was in love with whom?

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanatiling nakatayo roon at naghihintay sa pagdating ni Prince. Agad siyang napatayo nang marinig ang motorsiklo nito na papasok ng gate.

Subalit ang antisipasyon at pananabik niya ay parang binuhusan ng tubig nang makita niyang nasa likod ni Prince si Cleo. Angrily, she turned and entered the house. Dumiretso siya sa kusina at tuluy-tuloy na lumabas sa likod.

She wanted to run away from them... from Prince.

Hindi niya gustong marinig ang anumang sasabihin ng mga ito tungkol dito at kay Cleo. Natitiyak niyang hindi na niya kayang pigilin ang sarili sa pag-iyak. Tinangay na ng pagtatangka ni Teresa sa buhay niya ang anumang tatag na taglay niya.

And there would be nothing left for her, not even her pride. Gusto na lang niyang maglaho upang isalba ang sarili sa higit pang sakit ng damdamin.

But there was no escape. At wala siyang ibang
matatakbuhan kundi ang burol.
"Delaney!" habol ni Prince sa likod niya.

"Go away, Prince! Leave me alone!" she screamed
back.

Nasa kalagitnaan na siya ng burol nang abutan nito. Hinawakan siya nito sa baywang at nagpumiglas siya. Pareho silang nawalan ng panimbang at nagpagulung-gulong sila pababa. Prince shielded her with his arms and body.

Huminto sila sa paggulong nang makarating sa
paanan ng burol. Delaney was catching her breath. Ganoon din si Prince, subalit nanatiling hawak nito nang mahigpit ang kamay niya. Sa isang mahabang sandali aynnanatili silang nakahiga sa damuban at nakatitig lang sa nagdidilim nang kalangitan.

"P-pakawalan mo ako, Prince," wika niya sa mas kalmanteng tinig nang manatiling hawak nito nang mahigpit ang kamay niya.

"You' ll bolt again like that runaway horse," sagot nito, breathing harshly.

Kung magagawa lang sana niyang isipin at sabihing sana'y nahulog na lang siya sa kabayo at namatay. But fear of dying was exactly the reason for her presence of mind. Takot na baka kung mamamatay siya ay madadamay niya ang maaaring magiging anak nila.

"Hindi ko gustong kausapin kayo ni Cleo," she said with a controlled sob. "Ayokong marinig ang anumang sasabihin mo... ninyong dalawa."

"Your jealousy almost killed you, Lana," he said
gruffly. "Hindi ka dapat umalis. Hinintay mo sanang magpaliwanag ako."

"Wala namang dapat ipaliwanag, 'di ba?" Gumaralgal ang tinig niya. "Hinadlangan ko ang sana'y pagpapakasal ninyo ni Cleo. Kayo dapat ang mag-asawa. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit tinatanggihan mo ang annulment."

"Because you're my wife, Delaney, and I love you."

"Oh, god, please. Don't hurt me more by that lie, Prince." Hindi na niya nakuhang pigilin ang pag-iyak.

Tumagilid si Prince at kinabig siyang paharap dito. "I'm sorry, sweetheart... I'm sorry," he said in an agonizing tone and gathered her in his arms. "Pinaniwala kitang magkasintahan kami ni Cleo. But we were never really engaged, Delaney," he explained. "That engagement was a farce."

Kumawala siya. "A farce? B-but why?" .

Pinahid ni Prince ng likod ng palad ang mga luha sa pisngi niya. "Because of my love for you, Delaney.."

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now