CHAPTER TWO

5K 83 3
                                    

ALAS-TRES ng hapon at tinatahak na ni Prince ang maruming iskinitang iyon pauwi. Nagkalat ang mga marurungis na batang naglalaro sa kalye. May ilang kababaihang nakasabit sa baywang ang mga anak atnnakikipaghuntahan sa kapitbahay. Sa isang tindahan naman ay naroon din ang ilang grupo ng mga kapitbahay
niyang nagsisipagsugal.

He grimaced. Mag-aapat na taon na sila sa lugar na iyon subalit hindi pa rin siya masanay sa uri ng buhay ng mga taong nakapaligid sa kanila. Sa isang banda'y sinasang-ayunan niya si Rebecca sa obsesyon nitong makatapos siya. Hindi sa ganitong uri ng lugar at ganitong uri ng kapaligiran niya gustong tumanda.

"Hi, Prince."

Napaangat ang mukha niya. Si Nona. Naka-mini-skirt ito. Hindi niya gustong mamintas subalit kung kapatid niya ang dalagita'y dadagukan niya ito sa pagsusuot ng
ganoon kaiksing damit gayong wala namang karapatan ang mga binting ihantad sa madla.

Nakangiti ito, nagpapapungay ng mga mata sa
pagkakatitig sa kanya. Anak ang dalagita ng isa sa mga pinaglalabadahan ng nanay niya. Hindi miminsan itong nagpahiwatig na may gusto sa kanya. And Nona considered herself beautiful. Oh, well, may hitsura naman nga, kung hindi lang sira ang harapang ngipin at may masamang kutis.

"Hi," ganting bati niya, bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi na sa palagay niya'y ngiti nang matatawag.

Huminto sa paglakad si Nona. "Maaga ka."

"Hindi ako pumasok sa gasolinahan," sagot niya pero tuloy sa paglakad at nilampasan ito.

Subalit bago siya makahakbang palayo'y pinigilan siya ng dalagita sa braso. "Baka naman type mong samahan akong manood ng sine sa Recto. Ako'ng taya."

"May sakit si Nanay, Nona-"

"Bakit ba ang ilap-ilap mo?" putol nito sa
pagdadahilan niya. "Ako na nga itong nagyayaya... kailangan ko pa bang diretsahing crush kita?"

Gusto niyang matawa. Ilang classmates na babae na ba ang matapang na nagpahayag niyon sa kanya?

"At saka hindi naman totoong maysakit si Aling
Rebecca dahil nasa amin siya ngayon at naglalaba." Lumabi ito sa mapang-akit na paraan.

Nagdikit ang mga kilay ni Prince sa sinabi nito.
"Ilang araw nang inuubo ang Nanay, Nona. Katunaya'y dadalhin ko siya sa center kaya hindi ako pumasok..."

Nagkibit ng mga balikat ang dalagita. "Hindi siya maglalaba sa amin kung may sakit siya. Sige na, Prince, samahan mo akong manood ng sine..."

"Sa ibang araw na lang, Nona," wika niya at hinawi ang kamay ng dalagita sa braso at nagpatuloy sa paglakad.

"Pakipot!" inis na sigaw ni Nona.

Hindi na niya iyon pinansin at nagpatuloy sa paglakad. Sa halip na dumiretso pauwi sa kanila'y lumiko siya sa isang maluwang na eskinita pakanan patungo sa bahay nina Nona upang sunduin ang ina.

Bumagal ang mga hakbang niya. Gusto niyang pawiin ang galit na nararamdaman para sa ina. Hindi pa naman sila kinakapos sa pagkain para magpilit itong magtrabaho kahit may sakit. At kung tutuusi'y malaking tulong sa kanila ang trabaho niya.

Ilang bahay pa bago ang pinaglalabadahan ng ina nang matanaw ni Prince ang grupo ni Martin, ang siga sa lugar na iyon. Malakas na humahalakhak ito habang ang dalawang kasama'y may binabastos na babae.

"Bitiwan n'yo ako, ano ba!"

"Kuu, ikaw naman, Candida," ani Martin bago dinala sa bibig ang bote ng beer at lumagok, "mas magagandang lalaki naman iyang dalawang bata ko kaysa sa mga customer mo sa kabaret. Pagbigyan mo na..."

Nagtawanan ang mga kasama nito. Ang isa'y
nakapulupot ang mga braso sa katawan ng babae. Ang isa'y sinisinghut-singhot ito.

"Bastos kayong talaga!" sigaw ni Candida sabay piglas. Itinaas ang kamay upang sampalin ang sumisinghot dito subalit tumawa lang ito sabay hawak sa braso nito at doon naman pinaglandas ang mga labi.

SWEETHEART 13: Someday My PrinceWhere stories live. Discover now